Angela's pov.
Ako si Marie Angela Henry A. Llanes 15 years old. Sabihin na nating isa akong Rich kid may kapatid akong dalawang lalake si baby boy tsaka si kuya . Daddy namin laging busy sa company si mommy naman wala na nauna na. Masayahin akong tao, friendly hindi ako yung tipo ng tao na dahil mayaman e maarte na tsaka sa mga popular lang sumasama well boyish ako at higit sa lahat naniniwala ako sa FOREVER, DESTINY, SIGNS, AND WISHES.
"ate! gising Sunday po ngayon, ate kong maganda! magsisimba na tayo! dali na tayo na jan" juskoo! ang pinakamamahal kong baby boy lang naman yan napaka bait para ko na ngang kuya e
"hahahaha! oo na baby boy! eto na tatayo na! hahahaha!" kilitiin ba naman daw ako?
pagdilat ko ng mga mata ko isang gwapong bata na napaka porma lang naman ang nakita ko, ohemmm! anong oras na ba? ba't bihis nato? pagtingin ko sa wall clock 8:30 na e 9:00 yung simba kaya tumayo na ako agad at naligo mga 15 mins. ready nako naligo naman ako kagabi e hahaha! 10 mins. yung byahe papuntang simbahan kaya nagpahatid na kami agad kay mang teddy pagka bihis ko. Si kuya nasa Baguio nag aaral siya dun, college na kasi siya, umuuwi sa pag sat. and sun. kaso hindi naka uwi ngayon kasi madaming pinagawa yung prof. nila.
"ate! hello! nag daday dream ka nanaman jan! andito na tayo"
nataohan lang ako nung nandun na kami, bumaba na kami. Sakto kakasimula palang nung simba.
after 1 hour natapos na, palabas na kami ang daming tao, pagkatingin ko sa kasama ko halla! wala na siya!
"patpat! baby boy! asan ka?" medyo malakas lang pagkakasabi ko niyan kasi hindi pa ako masyadong nakalabas ng simbahan. sumiksik na ko sa maraming tao binilisan ko yung lakad ko kasi hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala saakin sa baby boy ko.
"patpat! manong may nakita po ba kayong batang cute? medyo ganito katangkad" tanong ko kay manong sorbetero nung nakalabas ako sa simbahan.
"wala po miss e. Sory"
"sige po manong salamat nalang po" sagot ko kay manong
"ate! lala! andito ako!" sigaw ng isang bata na alam ko na kung sino kasi yun yung tawag sakin ni patpat. Nakita ko siya dun sa nagtitinda ng lobo.
"anak ni naruto ka! bat dimo ko hinintay! nag alala ako ng husto sayo! bhe naman kasi wag mokong tatakotin ng ganun." sambit ko sakanya, oo nga pala balloon kasi yung gamit namin para magpadala ng message kay mommy tsaka gamit narin namin pag nag wiwish.
"ang drama mo talaga ate, ate! binili ako ni kuya ng balloons oh! thank you kuya ang bait mo po tsaka gwapo" pagkatingin ko sa pinasalamatan niya, ohemmm! ang gwapo ate! napanganga ako ang inosente nung mukha niya parang angel.
"no problem cute, nakita kasi kita kanina na excited bumili kaso nakita ko rin na parang may hinahanap ka kaya naisip ko na bilhan ka" si gwapo yan, hindi lang pala siya gwapo ang bait pa.
"ah hi! nga pala miss steve" sabi niya sakin sabay ngiti at abot ng kamay niya
"Henry, babae ako ah! yung name ko lang yung panlalake hahaha!" sabi ko sabay abot din nung kamay ko para makipag shake hands.
Oh em gi! ang lambot ng kamay niya :D
"para saan pala yang binili mong balloons andami ha!" bumili na din kasi pala ako ng balloons
"ah! gagamitin namin ng kapatid ko para makapag message kay mommy tsaka para sa mga wishes namin. Wierd no?" sagot ko sakanya
"oh! parehas pala tayo eh! pero si daddy yung nawala sakin e." sabi niya, yiiieee! pwedeng kiligin? meant to be eh xD dejoke.
"kuya! ang tagal mo naman! tara na!" isang cute na bata, kapatid yata ni Steve.
"sory baby. Sige bro alis nako pakabait ka, ah miss, este henry una na kami bye, nice meeting you" pagpapa alam niya, parang nalungkot ako kasi umalis na siya hahaha!
at pagkatapos ng nangyaring yun tinawagan ko na si manong teddy para sunduin kami, actually hindi pa kami uuwi pupunta pa kaming dagat para ipalipad tung mga balloons, dun kasi yung favorite naming lugar para ipalipad tung mga lobo, ang ginagawa namin sinusulat namin yung gusto naming i wish o i message kay mommy tapos itatali namin sa lobo at ipapalipad.
Balloon #1
I miss you so much mommy! masaya po kami dito wag kang mag alala kumusta ka na mommy? alam kung ayos ka lang kasi anjan ka na sa heaven I Love You Mommy
love,
lala
Balloon #2
Sana magkita ulit kami ni Steve, yung lalakeng nameet namin kanina ni patpat ko :)
~henry
pagkatapos naming ipalipad yung mga balloons umuwi na kami para mag luch.
•°•°•°•°•°•
matutupad kaya yung wish ni angela/henry? inlove na kaya siya? juskoo! agad agad e nuh?
comment and vote guys please :) salamat
-Romelyn
#MissingSinceThursday