The Reincarnated Princess

223 6 0
                                    

Wattpad
Title: The Reincarnated Princess
Start: April 11,2019
Stop: April 16,2019

Title: The Reincarnated Princess(New)
Start: August 9,2019
Finished:
By: DiamondKitty1292
2015 All Rights Reserved

This is a work of fiction. Any similarities to real life persons or incidents are purely coincidental. If you encounter some strong language,bad words, or different language......well it's part of the story. I hope you enjoy may story.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Prologue
Blood scattered everywhere and  gunshots can be heard all over the place. Madilim pero malinaw kong nakikita ang mga bangkay ng patay na tao.

"Goodbye Xia." sabi ng lalaking nakatutok ang baril sa ulo ng babaeng nasa harap niya. Pamliyar ang boses pero 'di ko siya maalala.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
*Kriiing kriiing kriiing*
Nagising ako bigla ng tumunog ang aking alarm. Hayys, ang weird lagi ng mga panaginip ko. Makabangon na nga lang. Bago pa ako makababa ng hagdanan ay narinig ko na ang boses ni papa.

"Emilia, kailangan na nating ilipat sa ibang school si Harley." Narinig kong sabi ni Papa. Ako? Lilipat? Pero bakit?

"Ano?!" gulat na tanong ni Mama.

"Dahil hindi na bagay sakaniya ang paaralan niya ngayon mas maganda kung sa Stratford University na siya mag-aral." Stratford? Pero yun yung school na may mga gangsters. How do I know? Well, ask my elegant classmates who wants to enter Stratford.

"Pero ang school na iyon-" hindi na naituloy ni mama ang sasabihin nang magsalita ulit si Papa.

"Mas mahihirapan siya kung sa St. Augustine Academy parin siya mag-aaral."

Mama sighed and I'm sure she's about to agree to Papa. "Sige, payag na ako." sabi na nga ba.

"Good morning Ma at Pa!" Masigla kong bati sa kanila pagkababa ko ng hagdan. 

"Good morning Sweetie." bati saakin ni Mama. 

"Maupo ka na at may pag-uusapan pa tayo." sabi ni Papa, naupo na ako at napaisip kung tungkol ba iyon sa pinag-uusapan nila. "Po? Bakit po?" Nagtataka kong tanong sakanila.

"Uhm, okay lang ba sa'yo kung lilipat ka ng school? Kasi napag-usapan namin ng papa mo na ilipat ka ng ibang school. Napansin kasi naming hindi ka kumportable sa current school mo." Paliwanag sakin ni Mama. Hindi naman mahalaga sakin kung sa anong school ako papasok basta school na yun.

"Okay lang po sakin." nakangiti kong sabi.

"Edi mag-bihis at mag-impake ka na, dahil ngayon na tayo pupunta sa bago mo na school." masayang sabi ni Papa. Ikinagulat ko naman ang sinabi niya, bakit ang bilis ng mga pangyayari?

"Mag-impake agad?! Agad?!"

"Oo, dahil may dorm na dun ay minsan ka na lang makakauwi dito." Bakit parang ayaw na nila akong kasama sa bahay? Pero sino ang mag-aalaga sakanila?

"Eh paano naman po kayo?" nag-aalalang tanong ko.

"Wag mo na kaming alalahanin, uuwi mamaya ang kuya mo dito kaya magiging okay lang kami." nakangiting sagot ni Mama. Napatango nalang ako sa kanila.

"Dalian mo na at baka malate ka pa." Mabilis na akong umakyat at nagbihis. Tinulungan ako ni Mama mag-impake ng mga gamit ko. Mukhang exciting ang year na 'to dahil siguradong mapapasubok ako sa gyera na ito.

The Reincarnated PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon