Naaalala Mo Pa Ba?

2.3K 140 69
                                    

A/N: Ang tagal na nung huli kong oneshot. Mehe. Pasensya na ang pangit nito. Huhu. Nawala yung feels ko sa bandang gitna e. Naging dull tuloy. Nanghinayang naman akong burahin. This is inspired by Reply 1997 :) (medj mahaba 'to)

-

Naaalala mo pa ba?

Wala tayong proper introduction sa isa't isa. Magbestfriends kasi ang mga nanay natin eh. Kaya automatic narin tayong magkaibigan. Wala man lang tayong choice kung gusto ba nating maging magkaibigan o hindi. Sa sobrang close nga ng mga magulang natin, miski ang utot yata nating dalawa magkapareho na ng amoy.

Naaalala mo pa ba?

Pre-school palang tayong dalawa. Syempre, magkaklase tayo ano pa nga ba? Di ko rin alam kung paano sinuhulan ng mga magulang natin yung school. Maaga akong nagsalamin dahil maagang lumabo ang mga mata ko. Sinabihan mo akong pangit dahil mukha akong nerd. Dahil dun, sinimulan narin akong asarin ng mga kaklase natin na kamukha ko raw si Betty La Fea. Hayop ka, ikaw ang nagsimula nun! Dumating ka nang panahong iyon kaya tumakbo ako at nagtago sa likod ng pinto ng classroom. Ang akala ko kasi, makiki-isa ka rin sa kanila sa pang-aasar sa akin. Pero laking gulat ko nang inaway mo sila at sinabihang ikaw lang ang may karapatang tumawag sa akin ng pangit. Kupal ka.

Naaalala mo pa ba?

Tumakas tayo sa bahay para bumili ng ice cream. Sabi mo pa nga, wala kang pera. Kaya naman nilibre kita. Eh ikaw 'tong makapal ang mukha at inaway ako dahil strawberry flavor ang binili kong ice cream. Aba, kasalanan ko bang ayaw mo ng strawberry? Hinabol mo ako kaya nadapa ako at nahulog iyong akin. Umiyak ako na para bang wala nang bukas dahil wala na akong ice cream. Wala akong pake sa sugat ko nun. Gusto ko lang talaga ng ice cream. Inalalayan mo akong tumayo at pinunasan ang mukha kong puno na ng uhog gamit ang t-shirt mo. Sinabi mong ang lampa lampa ko. Binili mo ako ng bagong ice cream na chocolate flavor para mapatahan ako.Akala ko ba wala kang pera?

Naaalala mo pa ba?

Nagpicnic ang mga pamilya natin nun. Kasama ng ate ko yung kuya mo at tayo naman ang magkatabi. Narinig ko si Mama at mommy mo na sana tayo rin daw ang magkatuluyan. Di ko pa naiintindihan noon e. Basta ang alam ko, nagbugbugan tayong dalawa dahil inaasar mo ako sa pagkatalo ko sa bidyuhan nung makalawa.

Naaalala mo pa ba?

Christmas eve noon. Wala si ate dahil sa isang school trip. Nasa bahay namin kayo. Masaya tayong lahat nun. Kahit ako masaya dahil natanggap ko mula sa'yo yung barbie na gusto ko. Kaso nagsimulang umiyak sina Mama at Papa nang may tumawag sa telepono. May nahulog daw na bus sa bangin at namatay ang apat na estudyante. Sabi nila kasama si ate dun. Nakita kong umiyak narin ang kuya mo. Naramdaman kong lumungkot ang lahat kaya umiyak din ako. Tinanong mo ako kung bakit ako umiiyak. Sabi ko, "Hindi ko alam." Maya maya, umiyak ka narin. Tinanong kita kung bakit ka umiiyak. Ang sinagot mo? "Kasi umiiyak ka."

Naaalala mo pa ba?

Sumama ako sa inyo ng Papa mo nung tutulian ka. Yamot na yamot ka noon sa akin at ilang beses mo akong sinabihan na huwag akong sumama. At dahil sinabi mong huwag akong sasama, sumama ako. Pero yung bantay dun sa clinic sabi huwag akong papasok. Eh di huwag! Hinintay ko nalang kayo sa labas. Ang tagal nun bwisit. Buti nalang nasa tapat ng McDonald's yung clinic kaya naman natatanaw ko yung birthday party sa loob. Nang lumabas ka sa clinic ay ngiwing ngiwi ka. Tawa naman kami ng tawa ng Papa mo. Habang nagkukwento ako pauwi, nalimutan kong bagong tuli ka kaya nama'y umangkas ako sa likod mo kaya parehas tayong natumba. Tawa ako ng tawa kahit nagkabukol ako. Alam kong nagalit ka sa'kin nun kasi masakit yun. Pero pagdiretso natin sa inyo, dumiretso ka sa ref at kumuha ng yelo. Ibinalot mo yun sa lampin at ibinigay mo sa akin. "Oh. Ilagay mo sa bukol mo. Bilis talaga ng karma."

Naaalala Mo Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon