P R O L O G U E

32 15 4
                                    

*Prologue*

Isang gabi sa mansyon ng mga Villarama nagkaroon ng pagdiriwang para sa ika labinwalong kaarawan ng nag iisang anak na babae ng Don, at yun ay si Demonique Villarama ang tagapagmana sa lahat ng ari arian ni Don Custodio Villarama.

Habang nagdiriwang at nagkakasiyahan ang mga tao, hindi nila napansin ang mga taong hindi imbitado na pumunta sa okasyon at naghahandang gumawa ng hindi magandang pangyayari.

Si Demonique ay busy sa pakikipagusap sa mga kaibigan niyang sina Kristine at Jamicah na kaibigan niya na simula pa lang nung sila'y mga bata pa. Habang nakikipagusap hindi napansin ni demonique ang isang tao na papalapit sa kanilang pwesto upang siya ay dukutin. Nagulat na lamang ang dalawa niyang kausap nang biglang may sumulpot na lalaking hindi mapagkakatiwalaan ang mukha at nilagyan ng itim na plastic si demonique sa ulo, sinubukan ng dalawa na pigilan ito ngunit hindi nila alam na may mga kasama pa pala ito at sila ay dinukot din at dinala sa isang puting van.

Sa kabilang dako naman, hindi pa rin napapansin ng mga tao ang pagkawala ng mga kababaihan lalong lalo na ang tagapagmana.

Isang binata ang lumapit sa Don at nagtanong kung nasaan si Demonique, ito ay si King Luke Buenavista.

"Good Evening Don Custodio! May i ask where is your daughter demonique? I have a gift for her, and sorry for being late." Sabi ni Luke sa matanda na may halong pag galang.

"No no, it's okay your dad informed me already about that so i understand. and for your question i think demonique is with her friends, just look for her i know she's just there." Don Custodio said.

Matapos magpaalam at magpasalamat sa Don ay umalis agad si Luke bitbit ang regalo at nag umpisa nang maghanap sa dalaga.

Ilang ulit na siyang naghanap ngunit hindi niya pa rin ito nakikita even her friends, hindi alam ni luke pero kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit. Nagtanong tanong siya kung may nakakita ba sa dalaga ngunit paulit ulit lang din ang natatanggap niyang sagot, yun ay hindi.

Unti unti na siyang nilalamon ng kaba kaya hindi niya na napigilan ang sarili niya at lumapit ulit sa Don upang ipaalam ang pagkawala ng dalaga at ng mga kaibigan nito.

"Don Custodio, i think demonique and her friends are missing. i'm looking for them more than an hour but still they're nowhere to be find." Hinihingal na sabi ni luke. Nagulat naman ang hari sa sinabi ni luke pero pinanatili pa rin nito ang postura at pinilit na kumalma.

"Paanong nawawala? Nakita ko pa siya jan kanina na nakikipag usap sa mga kaibigan niya, maybe they go somewhere. don't think to much, it won't help us. but let me call her to assure where is she and if she's safe." Medyo kinakabahang sabi ng Don at tinawag ang katulong upang iabot sa kanya ang cellphone.

Nakailang dial na si Don Custodio ngunit hindi pa rin sumasagot ang kanyang unica ija kaya't nag uumpisa na siyang kabahan dahil kilala niya ang anak. hindi ito umaalis ng walang paalam at hindi rin nito ugali na hindi sagutin ang tawag lalo na pag galing sa kanya. Hindi na nakatiis si Don Custodio kaya nagpatawag na siya ng guard. Pagkarating ng mga ito, agad agad na nagtanong ang Don.

"Did you see my daughter? her friends? we can't find them, and she's not answering her phone." Medyo malakas na pagkakasabi niya kaya nakuha nun ang atensyon ng mga taong nagsasaya.

"Don hindi po namin sila nakitang lumabas, wala pa pong ni isa ang lumalabas galing dito sa kasiyahan. Mabuti po siguro kung sa Security System tayo magtanong." Suhestiyon ng gwardiya na agad namang sinang ayunan ng don at ganun na rin ni luke na kinakabahan na rin. Agad agad silang nagtungo sa Security System at pinaplay ang footage simula nung huli niyang nakita ang anak.

Habang nagpeplay ang footage, titig na titig ang don at maging si luke, after ng mahigit ilang minuto may nahagip ang paningin ni luke kaya't pinaulit at pinazoom in niya sa nagbabantay ang video. Nang napatuyan niya ang nakita, dun na siya kinabahan ng sobra ganon na rin ang Don na halos atakihin na.

"WHO THE HELL IS THAT MORON?! WHY IS HE TAKING MY DAUGHTER?!!! ANO PANG TINUTUNGANGA NIYO JAN?! FIND MY DAUGHTER NOOW!!!" galit na galit na sigaw ng Don kaya kumaripas ng takbo ang mga guwardiya at nagsimula na sa paghahanap sa mga nawawalang talaga.

----------------

SweetPurple at your service, hope you like it.

Fight For Your LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon