Chapter 1
Pls! bigyan mo naman ako ng pagkakataon...pls.gusto kitang makita at makasama...
Para ano pa? Ano bang akala mo sa akin isang gamit na pwedeng itapon kapag sawa ka na at kunin kapag gusto mo na uli...mariing sinabi ni Sophia sa telepono,malakas niya itong pinagbagsakan...si Jamil.
Kringggggggg! muling tumunog ang celphone ni Sophia.
Alanganin ,ngunit sinagot niya pa rin ..
Soph..mahal kita pakinggan mo naman ako ,bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon.
Tama na Jamil ,ito lng masasabi ko sa yo mahal kita ,oo sobrang mahal pero ayoko na talaga ,ayoko na ,kaya tigilan mo na ako.Pinatay na ni Sophie ang kanyang Celphone at sabay tulo ng mga luha sa kanyang mga mata.Bakit ba tayo nagkaganito ,bakit humantong tayo sa ganito ,nakakasawa na ,paano ba kita makakalimutan Jamil,kung hanggang ngayoy patuloy mong ginugulo ang puso ko ,Jamil paano?
Nakatulugan na ni Sophie ang ganong pag-iisip, sa kaibuturan ng kanyang puso si Jamil lang ang tanging nagpapasaya sa kanya.
Paano nga ba nagsimula ang ganitong kalungkutan sa puso ni Sophia?
Si Sophia isang simpleng guro sa mataas na paaralan sa San Jose ,sa may Bulacan,nasa 32 taon ang idad,kayumanggi ,kung titingnan mo siya ay medyo hindi naman maganda,pero titigan mo at malalaman mo kung gaano kalakas ang appeal niya sa mga lalaki,maganda siyang ngumiti at buo ang kantang mga ngipin ,siguro ito nga ang nagbibigay sa kanya ng malakas na sex appeal.
Ah,paano nga ba niya nakilala si Jamil ,siyempre istudyante niya ito,singkit,bilugan ang pangangatawan,maputi at palagi lang nakangiti sa tuwing tatawagin siya ni Ms.Sophia.
Katulad na lang nito,Mr.Arcilla ,hello Mr.Arcilla,malakas na sigaw ni Ms.Sophia,hindi ka na naman nakikinig na bata ka,sagutin mo ang tinatanong ko,ano ang pinag-aralan natin ngayon?Syempre hindi makakasagot ang mokong ...ngingitiab lang si Ms.Sophia...hindi ko pi alam maam,sabay ngiting tila nakakaloko at iyon naman ang dahilan kaya siguro hindi rin magawang magalit ni Ms.Sophia sa kanya
Chapter 2
Biyernes na at masayang naghahanda pauwi si Sophie ng kanyang mga dadalhin pag-uwi eh pano ba namam magiging busy na naman sila sa darating na araw ,mahusay kasi siyang magsulat naatasan nga siya ng kanilang punongguro na gumawa ng isang artikulo na ilalaban ng kanilang paaralan,habang palabas siya ng kanilang faculty ay sa bigla namang susulpot itong si Jamil...Ay!
naku sori po talaga mam hindi ko po sinasadya ...eh tulungan ko na po kayo mukha po kasing madami kayong dala...hindi na nakatanggi si Ms.Sophia kasi ba naman inagaw na ni Jamil ang kanyang dala
Tahimik silang naglalakad nang biglang nagsalita si Jamil...Mam madali po ba yang ginagawa ninyo ,gusto ko po kasing maging katulad ninyo ang husay ninyo po kasi...hindi nman ,matipid na tugon ni Ms.Sophie..basta mahalin mo lng yang ginagawa mo magiging madali at magaan lang ito para sa yo.
Ah okey po ,kung ganon pwede ba ninyo akong tulungan sasali po ako gusto ko rin po sumulat ng mga tula ,balita at iba pa.
sige pumunta ka bukas sa silid-aklatan tamang -tama me gaganaping seminar don kung pano maging mahusay na manunulat..maam talaga po Yes makikilala na rin ako sa ating paaralan.
Oo basta magsikap ka lang.