chapter 5
Sa pag-alis ni Jamil ay tila may kakaibang naramdaman si Ms.Sophia ,damdaming kakaiba ...hindi pa niya ito naramdaman kahit minsan kahit sabihin pa na nagkaboyfriend na siya ...iba talaga...bumilis ang pintig ng kanyang puso...ano ba naman to?
Nagsisinungaling lang siya ng sinabi niya na may boyfriend na siya ...matagal nang wala ...bata pa siya ng magkaroon marahil ay 17 pa lang siya pero dahil sa mas inuna niya ang kanyang pag-aaral hindi na naulit po yon...pero ngayon parang kakaiba ...ngayon pa na medyo may idad na rin siya ....isipin mo 32 taong gulang na siya...ngayon pa ba kung kelan...hmmm nainis si Sophia sa nararamdaman niya...hahaha ...kakaiba talaga...at teka mukhang sa batang si Jamil pa...ano na lang iisipin ng mga kaibigan niya...di bah?
Habang naglalakad si Jamil ...gusto niyang mapaiyak...pano ba naman nasaktan siya sa isinagot ni Ms.Sophia...
Hindi niya maintindihan ...pano ba naman kaya siya tinanghali magising ....syempre gabi na siya nakatulog...kakaisip sa kanyang titser na si Ms.Sophie...kaya nga pinilit niya mapalapit dito na kahit na nga naboboring siya sa ginagawa nila ...yun bang sumulat ng artikulo...gusto lang niya na mapalapit sa kanyang guro...pero mukha atang malabo...hindi rin pala siya mapapansin...mayroon na pala siyang bf..ang mabigat pa non kababata pa daw...bigla may tila kumurot sa kanyang dibdib...may kirot itong naramdaman...
sabagay sino ba naman ako para pansinin niya...pero ang sakit naman...bakit ganon ang daming babae na nagpapacute sa akin...pero ni isa wala ako magustuhan...siya talaga...gusto ko talaga siya.