Payo # 2: wag kang mag bibigay motibo kung wala ka namang balak seryosohin.Okay,, eto nanaman tayo sa m.u. na ito or mutual unserstanding. "Mutual understanding" ha hindi malanding ugnayan o magulong usapan.
Kung may ka m.u. kayo wag kang magbibigay motibo kung hanggang landian mo lang pala siya sasamahan. Kung ganon ang pakay mo, sabihin mo na kaagad hindi yung papasahin mo pa yung tao na magiging kayo.
Bago ka pumasok sa isang relasyon isipin mo munang mabuti kung siya na ba talaga. Wag kayong maniniwala kung siya talaga siya na. Pano mo malalman kung siya na ba talaga? Pag nagkita kayo ulit? Pag parehas kayo ng kulay ng underwear?
Isipin mong mabuti. Meron tayong mga taong nagugustuhan na hanggang crush lang talaga. Hindi lahat ng gusto natin ay gusto na nating makasama habang buhay. Kaya dapat bago ka palang pumasok sa isang relasyon isipin mo muna.
Wag kang bigla bigla nalang lalandi tapos kapag tumagal na iiwan mo nalang kasi ang hirap non sa side ng isa. Iisipin niya kung ano ba yung kulang sakanya o saan siya nagkulang sayo.
Ipaintindi mo na ikaw ang nag kulang. Nag kulang ka sa pag iisip ng tama! Hindi mo muna inayos yang nararamdaman mo bago ka makipag m.u. tapos aakto kang affected? Ay sis iba ka!
