Humahangos ako tumatakbo papunta kung saan dahil may humahabol sa akin di ko alam kung ano ang gusto niya pero alam ko sa sarili ko na masama siya dahil sa pagod ko di ko na pansin na may bato doon at nadapa ako.
"Bullshit"
Ang sakit bakit di ko kasi napansin yun? Tumayo agad ako pero pagtayo ko nakita ko na malapit na pala ako sa bangin.
Paano nagkabangin dito? Dahil ata sa pagod ko di ko rin napansin na may bangin dito nagpapasalamat na rin ako na nadapa ako kung hindi siguro nahulog pa ako jan at mas malala pa ang natamo ko hayst.
"Keith sumama ka na lang sakin para di ka na mahirapan alam ko kung paano ka nahihirapan mabuhay dito dahil nawala ang mga magulang mo simula noong niluwal ka ng ina mo pero di kinaya ng nito at ang ama mo namatay dahil sa mission bago ka isalang."
"P-paano mo na laman ang mga iyan? Sino ka ba?"
"Sabihin na lang natin na ako ang tutulong sayo"
"Paano ako ako makakasiguro na di ka masama tulad ng mga iba jan na gusto ako makuha dahil gusto rin nila ang kapangyarihan ko?"
"I'll tell you everything kung sasama ka sa akin"
"Lahat? Pati sa mga magulang ko?"
"Oo basta sumama ka sa akin"
Nilahad niya ang kamay niya sa akin, sasama ba ako? Pero sabi niya sasabihin niya ang lahat ng mga nalalaman niya sa mga magulang ko? Na matagal ko na din gustong malaman.
Unti unti akong tumayo at hinawakan ko ang kamay niyang napakakinis at napakaputi.
"Welcome to Holy Academy. Keith Gonzales."
And everthing went black.