"Ahm, Sofie.." Panggigising ni Makkie kay Sofia. Kasalukuyan kasing natutulog si Sofia.
"Mmm?"
"Gumising ka na." Bahagyang tumawa si Makkie. Nakaupo kasi ito sa kama ni Sofie.
"Mashado pang maaga." Sagot niya habang hindi nakamulat. Tumagilid siya at tinakpan ng unan ang mukha.
"Aalis tayo. Bumangon ka na nga." Natatawang pangungulit ni Makkie.
"Tss. Pwede ba? Ang aga aga pa! Umuwi ka muna sa bahay niyo! Ang aga aga, Matthew Kyle R. Delos Reyes sinisira mo araw ko! Buset."
Tumayo na si Makkie sa kama ni Sofia at..
"Magpapasama lang naman ako sa'yo sa pamimili ng mga gamit para kay Trixia."
"Hintayin mo ko sa labas. Magbibihis lang ako." Sabi ni Sofia.
Napangiti naman ng matamis si Makkie kaya lumabas na ito at sa living room nalang nag-stay.
SOFIA'S POV
Eto ako ngayon.. naluluha habang naliligo.
Bakit kasi si Trixia pa? Bakit hindi nalang ako?
Kahit na hindi pa pinapakilala ni Makkie ang girlfriend niya na si Trixia.. nasasaktan ako.
Ang sakit sakit. Sobra.
May gusto ako sa bestfriend ko.
Gusto ko mang aminin sakanya pero.. WALA AKONG CHOICE KUNG HINDI ITAGO NALANG SA SARILI KO ANG NARARAMDAMAN KO.
Bakit pa kasi si Trixia pa?! Putek.
Itigil mo na nga ang pag-iilusyon, Sofiaaa! Hanggang bestfriend ka lang. Blablabla that BESTFRIEND-ZONE STAGE! =____________= I hate it.
Bumaba na ko..
"Ano bang gagawin naten?"
"Shopping."
"Yun lang? Ginising mo ko for 'shopping'?"
"Ahm, yeah?"
"Oh my gosh, Makkie. Ang sarap sarap ng tulog ko sa malamig kong kwarto tapos you'll ask me to wake up and go for a shopping? How nice is that?" Sabay tinaasan ko siya ng kilay.
Ok, I'll admit it. AYOKO SANANG SUMAMA SAKANYA. Napilitan lang ako kasi bestfriend ko siya. Can I confess something? Ok, bitter ako sakanila ni Trixia or whoever-she-is.
"Relax, Phiya." Ok? So? Another nickname, right? PHIYA.
"Psh. I hate it."
"Magpapasama lang naman ako para ipamili si Trixie." Natigilan ako. "Pero, kung ayaw mo.. ok lang. Matulog ka nalang."
"Ok, fine. I'll join you."
Napangiti siya. "Kaya mahal kita eh." Sana nga talaga mahal mo ko.. pero hanggang bestfriend lang ako para sa'yo eh. :3
"Ano na, Phiya.. May napili ka na ba?"
"Bakit ba ako yung pipili? Ako ba 'yung magsusuot?"
"Shempre. Parehas lang naman ata kayo ng hilig nun eh."
"'Wag mo kong ikumpara sa shota mo, Makkie." Nag-pout ako. Tapos siya napangiti naman.
"I'm not comparing you with her. Mas mahalaga ka, don't forget that." He smiled at iniwan niya ko na nakangiti sa kawalan.
Sinundan ko siya at.. nakakita ako ng isang dress na sobrang ganda! *O* I like it.
"Makkie!" Sigaw ko. Medjo malayo layo na kasi siya.. kaya sinigawan ko. XD
Napalingon siya at.. "What?"
"I think.. this would be nice."
Lumapit siya kung san nandun ako. Kinuha ko yung dress at sinukat ko sa salamin. I mean, tinignan ko lang kung bagay sakin. And, BAGAY nga! I look more beautiful. :">
"Sa tingin ko.. mas bagay sa'yo." Makkie said with "Wow-is-this-Sophiya?" look.
"Gusto ko nito. I like this." Sabi ko habang nakatingin parin sa dress.
"Sorry. But, para sa girlfriend ko 'yan." Nawala ang mga ngiti ko. May tumusok na 233574394785784658457 na karayom sa puso ko. T_T
"Ahm, o-oo nga p-pala." Huminga ako ng malalim.
"Sorry. Pero, akin na 'yan." Kinuha niya yung dress na hawak ko.
"Salamat sa pagpili, Sofie. Ililibre kita mamaya, babayaran ko nalang 'to." Tapos iniwan niya na ko.
Napa-upo ako sa may floor at sinadsad ang mukha sa tuhod ko.
"Ang sakit. Ang sakit sakit." Sabi ko nalang habang umiiyak.
T___________________T Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa..
"Anong problema, Sofie?" Inangat ko ang ulo ko at pinunasan ang luha. "Umiiyak ka ba?"
Tumayo ako at.. "Hindi. Hindi ako umiiyak. Ang sakit lang ng mata ko." Pagpapalusot ko.
Naglakad na ko papalayo at nararamdaman kong hinahabol niya ko..
"Sofia! Hintay naman. Ambilis mo namang mag-lakad eh. Uy, Phiya."
Huminto ako..
"Anong problema?" Hinawakan niya ko sa dalawang balikat.
Napaluha nanaman ako.. "Makkie.. bakit?" Nagpunas ako ng luha. "Bakit? Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ko pinapahirapan ng ganito? Bakit mo ko sinasaktan?"
"B-bakit? A-anong ginagawa ko sa'yo?" Nabigla at bulol niyang sabi.
"Matagal na kong may gusto sa'yo!" Hagulgol ko. "At ang sakit malaman na may girlfriend ka na! Ang sakit sakit." Patuloy ang pag-ngawa ko.. Hindi tumitigil ang pag-agos ng luha sa mga pisngi ko. "Ilang taon kong tinago lahat ng nararamdaman ko para sa'yo! At, ewan ko ba! Napaka-manhid mo. Hindi mo maramdaman na hindi lang sila ang nagmamahal sa'yo." Nagpunas ulit ako ng luha.
"Sana makita mo rin ako bilang isang bestfriend." Napayuko ako tapos inangat ko ulit ang ulo ko. "Ay, oo nga pala.. NO CHOICE ako. Bestfriend lang kita at hindi na tayo pwedeng umabot sa mas higit pa." Napakamot ako ng ulo habang umiiyak parin. "Sorry."
Maglalakad na sana ako ng palayo pero may nakalimutan akong sabihin kaya bumalik ulit ako.
"May nakalimutan akong sabihin.. I love you." Paalis na sana ako pero hinawakan niya ko sa kamay.
"Sofia." Tinignan niya ko sa mata. "Mahal din kita." Napangiti siya tapos bahagyang tumawa. "Sira ka talaga 'no?" Tapos ginulo niya yung buhok ko. "Wala akong girlfriend," Tumawa ulit siya ng onti. "Gusto ko lang iparamdam sa'yo kung pano ko kapag wala ako. Para makasigurado ako kung mahal mo nga ako."
"Haha. Di ko alam na hahantong tayo sa ganito, Phiya." Niyakap niya ko.. "May choice ka naman kung yayakapin mo ko pabalik o hahalikan mo ko." Kumalas ako sa yakap at namula.
"Sira ka talaga, Makkie!" Binatukan ko siya at hinalikan. :"")
~