FADED

3 1 0
                                    

The door opens. Sumalubong sa akin ang mga taong naging saksi sa aming pag iibigan,mga taong nakangiti ngayon sa aking harapan at muling makikita ang dalawang taong magpapangakuan.

Nagsimulang tumugtog ang musika kasabay ng unti unting paglalakad ko papunta sa kanya. Habang naglalakad hindi ko maiwasang maluha dahil sa haba ng panahon ay matutupad din ang hiling ko. Maraming kumukuha nang litrato at maging sila ay naluluha. Ang mga kaibigan ko naman ay nginingitian ako at nag thuthumbs up sakin. Napatawa naman ako sa mga flashbacks namin bilang magkakaibigan. Nandun din ang mga kapatid ko na todo support talaga. Akalain mo yun? Nag dress yung tomboy kong kapatid. Nagjojoke lang naman ako sa kanya pero dahil mahal nya ako sinunod nya. Kung nasa bahay lang talaga ako kanina pa ako humagalpak ng tawa. Syempre,papahuli pa ba ang mga kaklase kong abno. Mga kaklase kong nakasama ko sa bawat kalokohan at pag pinapagalitan ng teacher. Kumaway pa ang mga abnoy ano to? Airport lang ganun?

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay ngumiti sa akin sina Mamcy at Papcy. Sinabayan nila akong makarating sa kanya. Nagbibiruan pa kami ni Papcy dahil himala daw at nagka asawa ako,madalas kase akong lokohing tomboy kagaya ng kapatid ko. Si Mamcy naman todo ang iyak. Akala mo naman nadeads ako. Todo habilin sya na ayusin ko daw ang pagiging asawa. Syempre tango lang ako ng tango. Sa daming sinabi nila wala akong matandaan kundi 'Mahal na Mahal na Mahal ka namin...'

Nakarating ako sa harap nya,may ngiti sa labi at labis na saya ang aking nararamdaman ng sya ang mag akay sa akin para humarap sa pari. Nagsimula ang misa,aamining kong ngayon lang ako nakaintindi ng sinasabi ng pari. Ano to himala? Nagbasa sya ng ilang pahina sa bibliya at ipinaliwanag ito. Sinabi nya rin ang halaga ng tiwala sa mag asawa. Napapangiti ako at napapatingin sa katabi ko ngayon tuwing nababanggit ni father ang 'asawa'. Ewan ko ba basta ang sarap sa pakiramdan na ang magiging kabiyak ko ay ang taong mahal na mahal ko.

Lumipas ang mga oras na nagbitaw kami ng mga pangako sa isat isa. Mga pangakong walang iwanan sa hirap at ginhawa. Mga pangakong pang hahawakan namin sa habang buhay naming pagsasama. Isinuot namin sa isat isa ang singsing habang lumuluha. Natapos ang misa na ang lahat ay masaya. Natapos ang misa na hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Kasal na ako!

Sumakay kami sa kotse at dumeretso sa reception. Ang isang ordinaryong reception ay napuno ng tawanan at kulitan. May mga nagsayaw na kaklase kong abno. May nagpatawa,may kung ano anong laro. Pero ang sigurado ko,naging masaya ang lahat sa pag iisang dibdib namin nitong asawa ko. Marami rami na din ang umalis na bisita na nag iwan ng mga wish nila para sa amin. Kada isang taong na nag wiwish napapaiyak. Hay masyado silang nadadala,ano yun sila yung kinasal? Ganun?

Natapos ang matagal na pagkukwentuhan sa reception. Sa pagtapos nito ay may luhang pumatak sa aking mata. Mabilis ko itong pinunasan bago nya ito makita. Nagpaalam kami kayna Mamcy,Papcy at sa magulang ng asawa ko. Kumaway kami sa lahat ng mga naandun pero imbis na pagtawa o pang aasar ang maibibigay nila,isang simpleng ngiti ngunit maluhaluhang mata. Tsk tsk hay buhay...

Sumakay kami sa kotse at nakaupo kaming dalawa sa passengers seat. Mamula mula ang mata nitong asawa ko,ano bayan! Ang iyakin naman ng mga tao. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at hinawakan ang kanyang kamay. Nakarating kami sa isang lugar na may malaking ambag sa buhay ko.

Pumasok kami sa loob at sa pagpasok namin ay may mga taong sumalubong para bigyan ako ng rosas. Naks ang sweet. Sa bawat madadaanan namin ay may nagbibigay sa akin. Alam kona kung sino ang may pakana nito,walang iba kundi itong asawa ko. Ang iyakin kong asawa,tsk tsk. Pero napatigil ako nang marating namin ang dulo,napangiti at napaluha. Isang kwarto.

Isang kwarto na puno ng aparato,puno ng mga bagay na kung ano ano. Isang kwarto na tinirahan ko na halos kalati ng buhay ko. Isang kwarto na may puting pintura,puting kisame,puting kama at malinis na gamit. Oo,tama ka! Nasa hospital ako ngayon. Nakakatawa nga eh imbis na nasa isang lugar kami para mag enjoy ay nasa isang hospital kami.

Inayos na nila ang mga aparatus na gagamitin. Humiga ako sa kama at binigyan ko sila ng isang masayang ngiti. Nagsimula na nila akong turukan ng kung ano ano. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat gamot na pumapasok sa katawan ko.

Sa mga oras na iyon isa lang ang natatandaan ko,kailangan kong gumaling.Kailangan kong maka survive sa sakit na to. Kung marahil nagtataka ka, kung bakit ganito ang nangyari? Ang dahilan ay dahil...may taning na ang buhay ko.

Alam ko namang dadating ang panahon na hihina ang katawan ko,kaya bago pa man mangyari yun ay gumawa sila ng paraan para mapasaya ako. Kahapon ng gabi ay nagpropose sya sa akin. Lahat ay planado kaya mabilis kaming ikinasal. Lahat ay planado kaya ngayon nandito ako sa hospital para gumaling ako. Kailangan kong makabalik dahil may babalikan ako,may mga taong umaasa sa akin na gagaling ako.

Nagsimulang maramdaman ko ang mga luha sa aking mata. Iniisip ang mga mangyayari, mga posibilidad,at mga nangyari. Naramdaman ko din ang pagkahina ng katawan ko na kanina ay pinipilit kong palakasin para lang makaharap ako sa altar. Naubos lahat ng lakas ko kanina kaya ngayon para akong lantang gulay sa kama na walang kakarampot na lakas.

Gising ako,ay mali! Gising ang diwa ko pero hindi ko alam kung gising pa ba ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano na ang nagyayari sa mga oras na ito. Tapos na ba ang operasyon o nagsisimula pa lang? Ang totoo hindi ko na alam.

Habang tumatagal lalo akong nanghihina. Habang tumatakbo ang oras ay nahihirapan ako. Habang isinasagawa ang operasyon ay nasasaktan ako.

'Uy bessy,magpagaling ka. Ako ang magiging ninang ng anak nyo ha...'

'Hoy tomboy ka! Umayos ka,kelangan maka survive ka sa echoserang sakit yan...'

'Nak,kelangan mong makasurvive ha,bibigyan mo pa kami ng apo ni Mamcy mo...mahal ka namin...'

'Anak ko,laban lang! Makakasurvive ka anak...I love you anak..'

'Magpagaling ka ha! Gagawa pa tayo ng pamilya...Mahal na mahal kita...'

Sorry,unti unti nahirapan ako ng paghinga. Kinakapos ako ng hangin. Naririnig ko ang pagtunog ng aparatus,ang pag kuryente sa katawan ko,ang paghagulhol ng nasa kwartong ito.

Mahal na mahal ko din kayo. Pero sorry hindi na kaya ng katawan ko...















blythe_aella

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Faded (ONE SHOT)Where stories live. Discover now