Ako si Iowa Callista taga sulat ng istorya
taga kalat ng balita,sa maikling salita
chismosa.
Ako'y nabibilang sa mga mahusay sumulat ng tula
hilig kong magtugma ng mga letra
at gumawa ng sariling istorya
kasalukuyan akong nakahiga
nag iisip at naghuhula
kung ano ang aking kakainin mamaya
bagong taon nga pala at sagana nanaman at busog sa handa
kausap ko ang aking mahal na jowa
kasalukuyan kameng hindi magkasama dahil busy sa pamilya
papasok ang taon ng hindi kami magkasama
nakakasura namang talaga
pero mamaya nama'y magkikita kame sabi niya
lumipas ang ilang oras pa
dumating ang pinakahihintay ng bawat isa
"Happy new year" sigaw ng pinsan kong bata
"Happy new yearrr!!" sigaw rin ng aking mga lola
dumiretso ako sa silid upang bumati sa kanya
hinawakan ang telepono at bumati ng maligaya
tapos na ang kainan,oras na ng kwentuhan
inilabas ko ang isang boteng kulay berde na may laman
ininom ko ito para makadagdag sa pagkakasiyahan
pagdating ng bandang Alas tres ay nagbabadya na ang kaantukan
hinihila na ng higaan ang aking katawan
gusto ng pumikit ng aking mata at matulog ng marahan
Kinabukasan,
agad akong kumain pagkagising upang maghanda
dadayo naman kami sa aming kabilang lola at kami'y magtitinda
doon ko rin matatagpuan mamaya ang aking jowa
sino nga ba sya? ay mali. Sino ba sila?
oo tama kayo ng inyong nabasa. Dalawa sila.
sino nga ba sa kanila ang totoo?
Sino ba ang mahal ko?
napaka gulo. Nalilito ako.
YOU ARE READING
Unforgettable Nightmare(On going)
RandomIsang bangungot ng buhay na di inasahang mangyayari