"Mommy Nishaaaaa!!! Gising ka! May pasok ka pa, papasok na ako!" rinig kong sigaw ni Ivylet habang niyugyug nya yung katawan ko. Minulat ko yung isa kong mata para tingnan sya.
"Hmmm-hmmm ba-bangonnn na" sabi ko na inaantok pa.
"Gumising ka na ha? ako na naman pagagalitan mo mamaya pag hindi ka pa bumangon, sasabihin mo hindi kta ginising e ginising naman kita ayaw mo lang gumising!" pangangaral nya sa'kin habang niyugyug nya pa rin ako. Ang dami na agad nasabi, daig pa si mama kung mag-ingay e. Hays.
"Oo na oo na, eto na nga gigising na nga. Umalis ka na. Bye" sabi ko sa kanya at tinulak ko sya ng mahina.
"Okay, bye" sabi nya sabay tumayo at naglakad papalabas ng kwarto ko.
"Teka! Si Mommy?" tanong ko sa kanya
"Ano pa ba? Edi nakapasok na, alam mo naman yun, mas bahay pa nya ang school" sabi nya tapos tumalikod na sya at tuluyan ng lumabas.
Bumangon na ako kasi may pasok pa ako ng 9:30 am, at 7:30 pa lang naman pero sinasabihan ko kasi lagi si Let na gisingin ako before sya pumasok kasi hindi ako nagigising kapag walang gigising sa akin. Pinapatay ko lang kasi ang alarm hihi.
Btw, sya si Ivylet, kapatid ko sya. Kaya naman Mommy Nisha ang tawag nya sa akin kasi bunso ko syang kapatid tapos nung mga bata pa kami lagi kami naglalaro ng nanay-nanayan tapos yun mommy tawag nya saken kaya nakasanayan nya. Yun na yun.
Before maligo, nagcheck muna ako ng messages ko. Wala naman masyadong chats, halos GC lang.
*Ting* *1 message from Phia*
Phia: Nishy, I have a news. Well, i dont know if u still care but i think u need to know.
Nireplyan ko naman agad sya.
Nish: What is it? Spill it.
Phia: Okay. Didiretsuhin na kta huh? He's now engage.
Nish: Ah. Okay :) Let's just be happy for him.
Phia: Eh ano pa ba magagawa natin?
Nish: Sige na. May pasok pa ako. Miss u Phia, bonding soon.
Phia: what da! Nishy!!! how many times do i have to tell u, it's PJ! not Phia! so cringy. btw, miss u too Nishy. ok, bonding soon just pm me. and always remember that u can talk to me okay?
Nish: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA yah yah. thanks Phia. hehe
Phia: ugh! whatever.
Hindi ko na sya nireplyan at nilock ko na phone ko. Napaupo na lang ako sa kama.
Let's just be happy for him. And you Nisha, you'll be fine, okay?
Kinakalma ko lang yung utak ko sa nabalitaan ko. Nakakatawa lang na sobrang bilis. Two years? Ganon ba kadali yun? Ganon ba talaga ako kabilis kalimutan? Sa bagay, sino ba naman magtatagal sa ugaling to. Hays.
--
*phone rings*
Kinuha ko yung phone ko at sinagot yung tawag.
"Ano na naman Eduardo? Umagang umaga iniistorbo mo ako! Kung kumain na ako? Oo, kumain na ako, paalis na ako ng bahay. Magpapahatid ako kay Mang Kaloy. Ano pa tanong mo?" hindi pa man sya nakakapagsalita ay madami na ako nasabi hehez.
"Wow! Very good ka ngayon ah. Sige, ingat ka ha. See you later. Bye." sabi naman nya na masayang masaya ang boses.
"Sige. Bye" then in-end call ko na.