Chapter 2

13 0 0
                                    

"Anak, you are loved. Hindi ka pangit, hindi ka kaiwan-iwan. Walang mali sa'yo. Lagi mo yang tatandaan ha?" malumanay na pagkasabi ni Dad habang nakasandal akong umiiyak sa balikat nya at hinahaplos nya yung balikat ko.

"Ehh.. *sob* bakit lagi na lang ako iniiwan? Pinagpapalit? *sob*" tanong ko sa kanya habang umiiyak.

"Edi sila yung may mali." sabi nya with a convincing voice. "Basta anak, kapag pakiramdam mo, walang nagmamahal sa'yo, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Daddy, Nisha"

"Thank you Da..."

"Nish. Nisha" rinig kong tawag ni Tina sa akin habang tinatapik yung balikat ko. Napamulat naman ako and realized na napanaginip ko na naman sya.

Napalingon naman ako sa paligid, nasa library pa din naman kami. Nakita kong nakatayo na silang lima, "Ba..kit?" sabi ko na boses inaantok pa.

"Magtotwo-thirty na, tara na sa room" sagot naman ni Tina. Tumayo na ako at sumunod na sa kanila.

After kasi ako i-comfort ni Kuya Migz, sinabi nyang pwede naman daw ako magpahinga muna sa office nya kasi may three hours pa kasi kaming vacant time, kaso sabi ko sa library na lang baka kasi sabihin nung ibang student eh nagpapasarap ako sa office ng prof na pogi, lalo na yung mga freshmen na di pa alam na magpinsan kami. Pumayag naman si Kuya basta daw kapag gusto ko ng kausap eh pumunta lang daw ako sa kanya.

--

Naglalakad kami ngayon sa hallway, pauwi na kami. Kasabay ko squad ko pati si Eduard at Kuya Migz. Magkapit bahay lang naman kasi kami ni Kuya.

"Kuya, may pinapasabi si Liz." sabi ko kay Kuya Migz na kasabay ko sa paglalakad ngayon, nasa kabilang tabi ko naman si Liz.

"Hoy Nisha!" pinalo nya ako sa braso, as always naman. "Sir, wala, nagjojoke lang yan"

"Crush ka nya" sabi ko ng mabilis. "Ay sorry, nasabi ko" sabi ko tapos kunyare di ko sinasadya tapos tinakpan ko bibig ko, pinalo na na naman nya ako sa braso tapos nagtatago sa balikat ko.

Nagtawanan naman kaming lahat maliban kay Liz na nahihiya, parang tuta na nagtatago sa balikat ko. 

"Sher, hende keye. Pereng tenge" sabi ni Liz habang nagtatago

"Luh? Kung makaangal ka naman dyan, e simula first year e alam na ni Sir na crush mo sya" sabi naman ni Mart na nasa unahan namin, kasabay nya maglakad si Kien, Aly at Tina.

"Wag ka magselos" sabat naman ni Tina na may pangaasar

"Luh? Bat ako magseselos eh may Kien ako! Diba Kien?" sabi nya sabay akbay nya kay Kien.

"Eww ka fren! May Kien si lulu mo" pagtataray ni Kien kay Mart tapos inalis nya yung braso ni Mart sa balikat nya. Patawa tawa naman si Mart na halatang nangaasar.

"Yieeeeeeeh" sabay sabay naming sabi maliban kay Kien at Mart

"Sila na ba?" tanong ni Kuya Migz

"Luh? Hindi Sir noh? Ang pangit pangit nyan eh!" malaking pagtanggi naman ni Kien na kunyare ayaw pa. 

"Owwww" kantsaawan namin

"Wow! Ganto ba ang pangit? Huh?" sagot naman ni Mart na may pagayos pa ng buhok nya. 

"Oo, nagtanong ka pa. Muka kang tigyawat na tinubuan ng muka" sabi ni Kien tapos inirapan nya si Mart kaya napatawa kami.

Alam naman ng buong barkada na matagal nang gusto ni Kien si Mart, maliban syempre kay Mart. They were best friends since grade school kasi galing sila sa ibang school. Tapos naging squad lang kami noong first year high school nung naging magkakaklase kami. Siguro kasi nagkasundo sunod kami sa ugali at hobbies namin. Tapos ayun nga, crush sya ni Kien pero di naman alam ni Mart kaya inaasar asar lang sya lagi, tapos etong si Mart naman feel namin eh torpe lng talaga kasi the way he looks at Kien there's something special, kahit na may kinekwento syang iba nyang gusto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SunsetWhere stories live. Discover now