Chapter 1

25 2 0
                                    


"Ano ka ba naman anak. Alam mo naman na nahihirapan na tayo sa kakainin natin dito sa bahay at sa pagpapa aral jan sa kapatid mo" sambit ni nanay nang ipaalam ko sa kanya na buntis ako at hindi ko kilala kung sino ang ama ng dinadala ko.

Limang buwan ko na at ngayon ko lang napagpasyahan na sabihin kay nanay ang nangyari. Buto nalang at hindi ako nahihirapan sa pagbubuntis ko.

"Pasensya na po inay. Hindi ko lang din alam kung bakit ko hinayaan na mangyari iyon sa akin" malungkot kong sabi habang nakaharap sa dismayadong ina ko.

"Hayaan mo na anak. Tapos na at wala na tayonh magagawa" sabi nya sabay tayo at pumunta sa kusina.

Napatungo nalang ako dahil alam kong kahit sinabi ng ina na hayaan na ay masakit pa rin ito sa kanya.

May sakit kasi si ina at nag aaral pa ang bunso kong kapatid sa college. Graduating naman na siya kaya alam kong maluluwagan na rin ako.

Ako ang tumutustos sa lahat ng kailangan dito sa bahay, gamot ni ina at sa pag aaral ni Christian. Mabait na bata si Christian. Nagmana sa aming ama. Masipag si tatay noong hindi pa siya pumanaw. Mabait din siya at siya ang katulong ni nanay dito sa bahay.

Pero ngayong wala na siya ay mag isa nalang si nanay dito kapag nagpupunta ako sa Isabela para sa trabaho ko doon. Paminsan minsan lang akong umuuwi dito sa amin. Kapag holidays lang o mga araw na walang pasok ang mga batang tinuturuan ko saka lang ako makakauwi.

Mahirap man ag responsibilidad ko sa pamilya ay nakakaya ko naman dahil sa tulong ng panginoon. At sana kayanin ko rin ang susunod na responsibilidad ko sa batang dinadala ko.

>>Chapter 2>>

<<vote and comment>>

The Possessive Father of my TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon