Chapter 2

11 2 0
                                    

"Kumusta sa probinsya Criz?" Tanong ng isa sa mga ka close ko na teacher dn sa school na to.

"Ok naman" sabi ko nalang.

"Eh yung ama ng batang dinadala mo may nagparamdam na ba?" Sabi niya habang nakaharap yung upuan niya sa table ko.

"Wala pa sissy. Baka katulad ko din na hindi na nya maalala yung mukha ko" matamlay kong sabi. Bakit ba kasi ako umalis agad. Bakit hindi ko muna tiningnan yung mukha nya at kinunan ng picture! Napakatanga kasi Criszel!

"Sayang naman. Sana magkita kayo kahit accidentally lang para naman mapanagutan niya yang batang ginawa niya hihihi. Sabi mo diba gwapo" kinikilig niya pang sabi sa akin sabay hampas ng folder na hawak niya.

"Sissy naman. Alam mo namang nahihirapan na ako eh." Nakagiti kong sabi.

"Hay naku. Don't worry sissy i will help you naman kung sakaling di na talaga makita si fafa bago ka manganak" nakangiti niyang sabi. Pasalamat ako at nagkaroon ako ng co-teacher na kagaya niya.

Siya lang naman si Ronalyn. Siya ang tumutulong sa akin sa simula pa lang na malaman niya na mag isa kong binubuhay ang pamilya ko.

"Salamat talaga Rona ha? Hindi ko alam kung paano ko mababayaran lahat ng tulong mo sa akin" masayang sabi ko sa kanya.

"Walang ano man. Basta para sayo Criz. Tara lunch tayo. Libre ko pa" aya niya sa akin.

"Hay nako Rona okay lang. Ako naman gagasto ng kakainin natin ngayon. Lagi nalang ikaw eh" sabi ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya.

"Wag ka nang mahiya sakin sissy. We're sisters remember?" Sabi niya sabay alalay sa akin sa pagtayo.

"Kahit na. Ako muna ngayon" giit ko pa rin.

~~~
Pagkatapos naman ng kainan namin ni Ronalyn ay lumabas na kami ng restaurant.

Papasok na kami sa gate ng school nang may biglang pumarada sa harap namin. Dahil sa gulat namin ni Rona ay halos mapasigaw kami. Ano ba naman! Buntis ako hindi ba nakikita nung driver?! Bwisit!

Lumabas yung driver at OMG gwapo. Este! Hoy Criszel! May anak ka na. Hindi mo pa nga nahahanap ang ama lumalandi ka na naman!

May lumabas din na bata. Si Enzo Corpus. Yung mabait kong alaga.

"Tito. Thank you for giving me a ride just for today." Sabi nya habang nakatingala sa lalaking oh-so-handsome hehehe. Tito nya pala toh.

"Pinilit lang ako ng magaling mong nanay. So i have to go! This will not happen again. I have my work and you two are ruining my day!" Masungit na sabi nito kay Enzo.

"But mom also told me na you will have to fetch me after school" tila nang aasar na sabi ni enzo.

"Argh! You brat! Wait for me here after your class!" sabi ng lalaki bago pumasok sa kotse at pinaharurot paalis ang kanyang red car.

"Enzo. How are you?" Sabi ko bago nilapitan si Enzo na nakangiti. Ngiting tagumpay hahaha.

"Im fine teacher criszel. My uncle just said he will fetch me after class" sabi niya na hindi pa rin maalis sa labi niya ang ngiti.

"Okay let's go. Malapit na magsimula klase natin Enzo" sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Mauna na kami Rona" lingon ko kay Rona. Tumango lang siya bilang tugon.

~~~
Pagdating ng uwian ay excited na naman na nagsilabasan ang mga bata. Napa iling nalang ako at napangiti. Niligpit ko ang mga gamit ko at nagtungo na sa faculty room.

Pagdating ko doon ay wala na si Ronalyn. Pagtingin ko sa cellphone ko na kinuha ko mula sa drawer ng table ko ay may txt si Rona na mauuna na daw kasi pupunta pa siyang palengke para mag grocery.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Possessive Father of my TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon