Lunes
Humingi ako kay papa ng pera. Sabi ko pambili ko ng libro sa school. Pero ang totoo ibibili ko lang ng bagong cellphone ko. Binigyan naman niya ako ng 5,000 at hindi na nagtanong pa kung magkano.
Martes
Nakita ko ang boyfriend ko na si Jhon. Nilibre ko siya at pinakita sa kanya ang bago kong cellphone. Nag picture picture kami hanggang sa makita ko si Papa na naka bisekleta at nagtitinda ng ice candy. Agad kong inaya si John na umalis sa park na yon.
Myerkules
Nagpunta ako sa school para tingnan ang grades ko sa 1st sem. Puro 75 at 76 yung grade ko. Inuwi ko yung card ko kasi kailangan ng sign ni Papa. Hindi niya ako pinagalitan at tahimik lang niyang linagyan ng sign ang card.
Hwebes
Tinakbo namin si Papa sa hospital. Nagsusuka siya ng dugo. Pero alam ko naman na simple lang ang sakit na yun at magagamot agad. Yun pala matagal na niyang sakit yun.
Biyernes
Nawala si Papa. Maraming nakiramay at tumulong. Mabait daw kasi si Papa sa kanila at matulungin din kaya tutulungan daw nila ako na mailibing si Papa.
Sabado
Hindi ko maiwasang umiyak ng umiyak dahil ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng mali ko.
Linggo
Ipinalibing na namin sa Papa. Sa isang linggong ito ay marami akong natutunan.