ML O AKO?
LAKANDIWA
Sa bulwagang itong puno ng kapapanabikan
Ang madla'y naghihintay sa kung anong paksa ang ngayoy pagtatalunan.
Anupa't hindi na patatagalin , ang lahat sa inaasam-asam
Baka malimutan ko tuloy, na sa inyo'y magbigay pitagan.
Isang maaliwalas na hapon po, sa lahat ng mga panauhin
Ating inimbitahan mga magigiting, na manlalaro ng Mobile legend
At mga kasamang selos na selos ,at silay maglalahad ng hinaing
Dahil ang kasama ay ang panahon, sa Ml ibinaling.
Hayaan nating sila'y, sa inyo muna'y babati
sa panig ng Ml ang Epic ,Legend at Mythic
nagsama-sama ang puro lahat magigiting
Ano kaya ang masasabi ng panig Ako na kaibigan pamilya at iskuling.
Epic
Ang aba kong pagpipitagan sa inyo ay ibabato lalo't higit sa aking katalo
Itong si Epic (banggitin ang pangalan at seksiyon)
Sa inyo''y nagsasabing kami ay hayaang maglaro nang lubusan
Ang ginagawa lang naman namin ay isang paglilibang
Nasisiyahan ka na, nagkakaroon ka pa, ng maraming kaibigan.
Legend
Ako'y sang ayon sa ka- squad na Epic .
Na ang aming Ml ay isang libangang nakawawala ng stress at kaibig-ibig.
Kaya bakit hindi na lamang kami hayaan sa aming hilig?
Ako nga pala si Legend (pangalan ) ng St. na seksiyon
Kasama ko sina Lunox , Fanny, Kagura at Guison
Sa inyo ay bumabati ng isang mainit na hapon .
1
Mythical Glory
Tama kayo magigiting na ML squad . libangan lang ito at nakapagpapatalino
Hindi basta basta ang maabot ko ang sa pagiging ganito
Marami na akong pinagdadaanan mula Warrior Elite Master Grand Master EPIC at Legend
Ngayo'y sasabihin iwanan o alisin ito sa oras ko?
Pwede namang mapagsabay ang ML at Kayo.
Eto nga pala si Mythics (pangalan/ sek)
LAKANDIWA
Mga ka squad o ano pang salitang gamit nila sa grupo
Siguro naman ay narinig niyo na ang kanilang pagsusumamo
Hayaan na lamang daw silang maglibang dahil kasiyahan nila ito
Pwede naman daw pagsabayin ang pag-aaral, pamilya at friendship ninyo.
Hayaan nating mapakinggan naman ang kabilang grupo
Ano kaya ang masasabi nila o parinig na komento?
Bibigyan din natin sila ng panahong ang sarili ay maipakilala
At ipahayag ang kanina pang nag-aalab na patutsada.