"Kuya dahan dahan lang po sa pag drive at baka po masira ang design ng cake. Salamat." Bilin ko sa driver ng van na magdedeliver ng cake's and cookies ko.
Nagpaalam lang sakin ang driver at gumayak na sila para sa delivery ng mga gawa ko. Agad namang may humintong sasakyan sa harap ng bahay namin at iniluwa nito si aira at lincon.
"Sino yun?" Tanong ni aira ng makalapit siya sakin
"Nag pick up ng gawa ko," Napatingin ako sa lalaking nasa likuran niya at agad nag tama ang mga mata namin.
"Wow! Ganun naba talaga kalaki ang market mo?" Napansin siguro ni aira na nasa likuran niya ang atensyon ko kaya nilingon niya ang nobyo at hinatak sa tabi niya "Ven, hinatid ako ni babe kaya baka dito narin siya mag dinner." Nag iwas ako ng tingin kay lincon at napunta ang atensyon kay aira
"G-ganun ba? Anong gusto niyong iluto ko?" Tanong ko.
Sasagot na sana si aira nang biglang magsalita si lincon.
"Gusto ko yung nilaga mo," Sagot nito habang nakatingin sa akin.
Napatingin naman ako sakanya kaya nag tama nanaman ang mga tingin namin.
"Me too babe. Gustong gusto ko rin ang nilaga ni venus," Sabi ng kaibigan ko.
Pinapasok ko na sila sa loob at umakyat muna ako sa aking kwarto para maikalma ang sarili. Parang lalabas ang puso ko kanina sa sobrang kaba buti at hindi nahalata ni aira ang pagiging hindi namin kumportable sa isa't isa ni lincon.
Hinanda ko lang ang sarili ko bago bumaba. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko silang nilalantakan ang cookies na ginawa ko kanina.
"Ven, ang sarap nitong bagong cookies na ginawa mo. Parang ngayon ko lang to natikman?" Tanong ni aira saakin.
"Bagong recipe ko yan. Masarap ba?"
"Oo masarap! Si babe nga nagustuhan din eh, diba babe?" Tanong naman ni aira sa nobyo.
Tumango ito "Masarap ka naman talaga... Gumawa," Parang may dumaloy na libong libo boltahe ng kuryente sa buong katawan ko sa paraan ng pagkakasabi niya.
"Oh diba? Sabi ko sayo eh," Natutuwa pang sabi ng kaibigan ako. Di manlang nahalata ang tensyong nabubuo samin dalawa ng kanyang nobyo.
I felt guilty. Alam kong hindi sapat na dahilan ang nakaraan namin para gawin namin to sa kaibigan ko. Wala siyang alam, inosente siya.
"Andito na tayo!" Sigaw ng kapatid kong si vanessa.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking gate at agad naman kaming pinagbuksan ng gwardya. Andito kami ngayon sa probinsya nila papa, nakasanayan na namin na tuwing summer ay dadalaw kami sa kanilang hacienda.
"Franco! Andito na pala kayo."
Napalingon kami sa direksyon kung san nanggaling ang boses ng babae.
"Grandma!" Agad kaming tumakbong dalawa ni vanessa ng makita ang matanda. Lumapit din sakanya si mama at papa para humalik.
"Mga dalaga na ang apo ko," hinalikan niya kaming dalawa ni vanessa sa noo.
Pumasok na kami sa loob ng mansion at dumiretso sa veranda dahil naghanda si grandma para sa pagdating namin. Agad na nagwala ang mga alaga ko sa tyan ng makita ang nakahain sa lamesa.
"Dahan dahan venus, para kang mauubusan." Sita sakin ni mama.
"Namiss ko po kasi ang pagkaen dito sa hacienda." Sabi ko.
"Hayaan mo na vina. Ganyan talaga pag nagdadalaga lumalakas kumaen," Nangingiting sabi ni lola
"Ma, malapit na ang kaarawan ni venus. Ang balak namin dito nalang ganapin sa hacienda."