First day of school.
"Brielle baby, wake up na. Kumain ka na at maligo, baka dumating na ang school service mo" sabay in-off ni Mama ang aircon sa kwarto ko.
"Sige Ma, 5 minutes" nakatago parin ako sa kumot ko't nilalamig.
"Osha, mauna nako mga babies ko! Magsi gising na kayo a!!" Narinig ko ang pagbukas at pag-alis ng kotse ni Ma hanggang sa pagsara ng gate ay nakahiga parin ako. Dapat excited ako dahil first day of school nanaman pero minsan sadyang nakakatamad lang talaga bumangon, pakiramdam ko pwede nakong magpakasal sa kama ko. Ewan ko ba.
Hotdog, Bacon at scrambled egg ang madalas ihain ni manang daday sa umaga, at madalas din naming pag-awayan ang bacon dahil huli akong bumangon, lagi akong nauubusan ng dalawa kong kapatid na lalake. Si Sky na pinakamatanda saming magkakapatid, 4th year highschool na siya, graduating at hearthrob sa school. Ewan ko ba, di naman pogi pero lakas maka-piolo sa school. Si Jess naman nasa 2nd year highchool na, hearthrob din, nakakaloka. Last year lang din kasi sila lumipat sa school nung biglang pumayag na ang mga madre na maging COED ito.
Kaya naman lahat ng lalake sa school, kilala ng lahat dahil konti lang sila, mabibilang lang sa kamay ang mga lalake per batch. Madami ring bumait sakin nung lumipat si Sky at Jess, naging kilala din ako ng ibang batch dahil sakanila, minsan may ipapa-abot pa na love letter, err.. nakakasuka minsan yung nakasulat. Nakatulong din naman kay Mama yung paglipat ni Sky at Jess para wala na siyang sinusundo, lahat kame naka school service. Speaking of school service, meron din akong ka-service na baliw na baliw kay Jess. Si Lizzie, naalala ko isang beses, nagtulog-tulugan siya hanggang nakasandal na siya at nakatulog ng tuluyan sa balikat ni Jess, pero kadiri lang, nakita kong tumulo yung laway niya habang kilig na kilig naman siya pagka-gising niya.
Goodvibes ako ngayong umaga dahil nakarami ako sa bacon, akala ko ako na yung huling babangon e, mas nahuli pa pala sila Sky at Jess. Pakiramdam ko pwede ko naring pakasalan yung bacon sa sobrang sarap niya.. hay.
"BEEP BEEP"
Anjan na ang service, nakita ko si Lizzie nakadungaw sa bintana at abot tenga ang ngiti. Si Sky, bagong tabas ng bigote, pero pangit padin siya sa paningin ko. Si Jess naman, nakangiti din kay Lizzie at nagtabi pa sila kahit nalawayan na siya dati. Masaya rin sa school service, puro kwentuhan at chikahan at nakakapanggigil dahil may mga grade one kaming kasabay, ang cute cute lang nila ng sobra kahit minsan dugyot na sila.
GRADE 6 Our lady of Peace, Nasa pinakadulo ang classroom namin, okay lang atleast di ako nahirapan maghanap. Masaya ko nung nakita ko sa listahan ang pangalan ng bestfriend ko, Rona Sareal. At nagkasunod pa kame Brielle Santos Whoo! Ibigsabihin tabi nanaman kami palagi sa mga seating arrangements.
"BRIELLE!!!!!!!!!!" Nakita ko si Rona patakbo papunta sakin at mukang makikipagyakapan, sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng bakasyon, makikita mo ulit ang bestfriend mo. Ni-reserve pa niya ko ng upuan, kwento overload nanaman kaming dalawa, siya ang pinakamaingay sa classroom, kinakausap niya rin yung iba, samantalang may mga ibang batch na pumupunta rin sa classroom at hinahanap ako, may papabigay naman kay Sky. nangungumusta at nagpapacute. Hanggang dumating si Sir Olarte, isa sa mga favorite teachers ko dahil kwela siya, cool pa. Hindi niya sinasabing bakla siya pero halata sa kilos niya at nung nakaraang bakasyon nagkita kami sa Enchanted Kingdom, nakita kong may ka-holding hands siyang lalake, hanggang sa binati ko siya at nagulat siya sabay bati din sakin at nag-gesture ng "Shhh" sabay kindat sakin at ngiti. Nakakatuwa lang isipin na hindi sila nahihiya ipakita sa mundo kung ano sila, kaya super Idol ko yan si Sir Olarte. May rule pa siya na pag-wala kaming absent sa subject niya, exempted kami sa departmental test. Kaya naman lahat kami halos pasado sa subject niya, di lang pasado, sobrang taas pa ng grade. Hindi rin siya nag-papa individual project, sabi niya kasi, lahat ng bagay, mas maganda pag pinagtutulungan.
"Goodmorning guys!!"
"Goodmorning Sir Olar"
"I'll be your... "
...(katahimikan)
"Official Adviser"
Hindi pa niya natatapos ang salitang Adviser, naghiyawan na kami agad sa tuwa! Last year in elementary at adviser namin ang pinaka-cool na teacher sa school. Inaayos na kami ni Sir Olar, Alphabetical daw, ang saya saya namin ni Rona dahil magkatabi kami.hanggang sa nakaupo na kami lahat, daldalan to the max nanaman ang Grade6 Our Lady of Peace.
"Sir Olar, may additional student ka pala, di kasi siya nasama sa official list mo" sabi ni Ms. Santos
"Guys may bago daw kayong kapatid, halika, pasok ka" sabi ni Sir Olar
Habang pumapasok siya, parang tumigil yung mundo ko, parang medyo kailangan ko ng tubig!!! nanunuyo yung lalamunan ko, napapakagat labi pa ko hindi ko alam kung bakit.
"Brielle, diba siya yung... ayan na namumula ka na" Sabay bulong sakin ni Rona.
"Welcome back Nads!!"
"Uy Nads!!"
"Nads!! Kamusta?"
"Omg ang ganda mo"
Andami kong naririnig, isa lang nasa isip ko, gusto ko siya pakasalan.
BINABASA MO ANG
TOMBOY STORIES
RomanceEwan ko ba kung bakit trip ko ngayon magsulat. Wala lang siguro kong magawa, at gusto ko lang din sigurong mag-share ng mga iba' ibang katomboyan stories. Lol