Not So New Student

140 2 0
                                    

Oh yes! I'm back na sa school na to! Ang cool lang may mga boys na! Parang kelan lang puro girls lang. kaylangan ko nanaman pala magpakilala sa mga magiging classmates ko, sana may makaalala pa sakin. Lumipat kasi ako sa school na to nung grade 3 ako dahil sa dating school ko, walang ballet lessons, kaya dito ko nilipat ni Dad. Super Daddy's girl ako and medyo spoiled brat ika-nga. Di ko akalain na papayag si Dad na lumipat ako, pero after grade 3, bumalik din ako sa school ko dati, kasi wala namang swimming lessons sa school na to, pero ngayon, meron na. kaya lumipat ulit ako ngayong grade 6. Pero sana talga may nakakakilala pa sakin, matagal narin kasi yung huling nandito ako.

Nads, Sige na iiwanan na kita ha? sabe sakin ni Ms Santos, "Sige po" sabi ko kay Ms Santos, nakakalungkot, hindi na niya ko naaalala, siya dati ang teacher ko every friday sa Home economics na laging gusto ko matapos agad dahil magba-ballet lessons na ko pagkatapos. Well, ganun talaga buhay, di lahat maaalala ka.

Omg, Napakapogi naman nitong teacher na to, sino siya? di ko siya naabutan nung grade 3 ako dito. Parang bago lang siya? or sadyang kakabalik ko lang kaya di ko siya kilala? Hay buti nalang swak na swak ang paglipat ko at nakita ko ang kagwapuhan niya.

"Guys may bago daw kayong kapatid, halika, pasok ka" Sabi niya sakin at habang pumapasok ako sa loob ng classroom, sa kanya lang ako nakatingin, pakiramdam ko nakakabukas pa yung bunganga ko habang palapit ako sakanya.

"I'm Sir Olarte, you can call me Sir Olar para mas cute, and you are?.. Please introduce yourself mukang kilala ka na nung iba pero ako hindi pa" Grabe ang cute lang niya nung sinabi niya yung word na "Cute" Hay, ampula pula pa ng bibig, lalo tuloy ako nainspire magpakilala. 

Hi Guys, I'm Nadseir Safnaret, half french, half filipino. I spent my third grade in this school kaya I know some of you. Anyway, I want to be called Nads, not Nadseir because I find my name very weird.

"Yes super weird nga, pero cute" Sabi ni Sir Olar, pwede na ko malusaw, siya palang ang nagsasabing cute ang pangalan ko.

"Brielle, simula sayo, magmove kayo ng one seat para makaupo na si Nads Safnaret."

Bago palang ako maglakad para pumunta sa seat ko, tinanong ako ni Sir Olar kung pano bibigkas ang last name ko. at sinagot siya ng may konting pagpapacute 

"Saf-na-reyy po Sir Olar" 

Habang naglalakad nako papunta sa upuan ko, isang malamig na boses ang narinig ko.

"Nads, kumusta? naaalala mo pa ba ko?"

Nakita ko si Brielle.. Brielle Santos. Siya pala yun. Kanina di ko siya napansin kahit nabanggit siya ni Sir Olar, umupo ako sa tabi niya sabay bulong sakin "Ang ganda mo parin"  Napangiti nalang ako sa tuwa dahil kilala pa ko ni Brielle at siya ang katabi ko.

Naaalala ko nung Grade 3 pa kame,parehas kameng adik sa powerpuff girls, siya daw si buttercup at ako naman si bubbles, lagi niya ko hinatadid dati sa ballet room pagtapos ng home economic class namin, sabay kami nagre-recess at lunch, pati sa pag-uwi sabay rin kaming naghihintay ng sundo. Tinutulungan niya rin ako sa Math at tinutulungan ko naman siya sa english, naalala ko pa dati ayaw tuminta ng black gel pen ko, sabi niya hihipan daw niya para bumalik yung tinta at makasulat ulit, pero paglingon ko sakanya umiiyak na siya dahil sinipsip niya pala yung gel pen ko, puro  black ink yung bibig niya at tumutulo pa, yung iba naming classmates tinawanan siya, pero nakakatawa naman kasi talaga, pero pinagtanggol ko nalang siya. simula nun, di na ko nag gel pen, panda pen nalang, mas simple pa, kahit nagpapabonnggahan yung iba sa school tools, ako solve nako sa panda pen. Naaalala ko rin nung grade 3, nalungkot ako nung may kaparehas akong shoes na classmate namin ni Brielle, ayoko ko kasi ng may kaparehas, kaya nagpatulong ako kay Brielle para masira agad agad yung shoes ko para bilan ako agad ni Dad. Nakaktawa lang pag naaalala ko yung mga yun, pang isip bata talaga lahat. Lagi din niya kong binibigyan ng choloates and letters, ang sweet niya sakin dati, ako lang daw ang Nads na kilala niya at wala ng iba, pero di ko siya binibigyan ng kung ano man, nabibigyan ko lang siya pag may okasyon, christmas party nung nabigyan ko siya ng regalo, at hindi na nasundan. Pero ang pinaka di ko makakalimutan dun yung nauso yung autograph book, si Brielle and una kong pinasulat dun, pero dahil parang best friend ko siya nun, hindi ko na binasa yung saknya, kaya pinasa pasa ko sa iba yung autograph ko hanggang isang araw inaasar na sakin si Brielle.Yun pala, sa Dedication niya sakin sa autograph book, gustong gusto niya daw ako at papakasalan niya ko. Natawa lang ako nung nabasa ko yun. Inisip ko nalang na sa sobrang pagmamahal niya sakin bilang best friend, nagustuhan niya ko makasama hanggang pagtanda niya. Habang inaalala ko ang mga grade 3 memories, chaka ko lang narealize na, namiss ko pala siya.

 "KRINGGGGGGGGGGGGG"

Recess na, niyaya ako ni Brielle magrecess, napansin kong namumula siya at kinukurot siya nung katabi niya.

"Nads, Si Rona, Best friend ko. Rona, Si Nads... classmate ko nung grade 3"

"Ahh.. Oo kilala ko siya, siya yung lagi mong kinikwento sakin simula ng naging magbestfriend tayo ng grade 4, sabe nga ni Brielle, gusto ka daw niya pakasalan dati, iyak pa ng iyak kasi namimiss ka niya, nagballet lessons nga siya nung grade 4 pero umayaw din siya kasi di siya makasunod sa steps, actually nasa wallet niya padin yung picture niyo dati, ang cute cute niyo parehas dun. at lagi niyang tinitignan yun araw araw, Napakaweird talaga ng bestfriend ko no?" Sabi ni Rona

"Oonga e, di parin siya nagbabago hanggang ngayon kahit sobrang nagiba na yung ichura niya" sabi ko naman. nakakaflatter at may konting kilig akong naramandan sa mga sinabi ni Rona, akala ko kasi, wala ng makaka-alala sakin, antagal narin kasi nun.

Mahaba pa kasi yung buhok ni Brielle nung grade 3 pa kame, ngayon sobrang ikli na, at boyish siya kumilos, siguro dahil yung sa mga kapatid niya na pinakilala lang niya sakin kanina, ampopogi ng mga kapatid niya, at ganda niya, kaya rin siguro kilala siya ng ibang batch. Pero di parin siya nagbabago, mabait parin siya at humble.

"Brielle!!" Pabalik na kame sa classroom nang may tumawag sa kanyang grupo sa 1st year highschool, nakita kong inabutan siya ng chocolates at letters.. naalala ko tuloy yung ako yung binibigyan niya ng ganun, ngayon, siya na yung binibigyan, kinikilig pa yung grupo ng mga babae habang tumatalikod sa kanila si Brielle. Ang weird talaga dito, at ang weird din ng nararamdaman ko.. bakit parang naaattract ako kay Brielle?..Naka-smile siya ngayon habang papunta sakin sabay sabi "Gusto mo?, kainin natin yung chocolates!"

"KRINGGGGGGG"

"Tara akyat na tayo sa room" sabi ko sakanya, pinauna ko siya, pinapakiramdaman ko siya umakyat ng hagdan, paglalakad niya, paghawi ng buhok niya, at yung wala niyang pores na muka.. ang hot niya pala, di ko akalaing hot na Brielle ang gusto akong pakasalan dati.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TOMBOY STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon