Chapter 1

19 3 0
                                    

Brit's Pov
Tatlong taon na ang lumipas simula ng mamatay si Bryle. Hindi pa rin ako nakaka-move on. Pilit ko man ibaon sa limot ang lahat ay hindi ko kaya mahal ko parin siya kaya kahit masakit tinitiis ko dahil iyon lang ang natitira kong alaala sa kanya.

"Britania" tawag sakin ni Gerald, si Gerald ang naging kaibigan at naging sandalan ko sa loob ng tatlong taon.

Agad kong inayos ang sarili ko at naka -ngiting lumingon sa kanya.

"Anong meron?." Pagtatanong ko sa kanya habang nakapanga-lumbaba na tumingin sa kanya.

"Boss K2 is looking for you," sabay lapit at abot sa akin ng isang puting sobre.

Nawala ang ngiti ko sa labi, napalitan ito ng seryosobg itsura. Sa tuwing naririnig ko ang Boss K2 na yan naaalala ko kung paano namatay si Bryle sa kamay ko.

"Ano na naman ang kailangan niya sakin?." Malamig kong tugon sa nakatayong si Gerald.

"Wala akong alam pero pakiramdam ko bibigyan ka na naman niya ng panibagong misyon." Mahabang sagot ni Gerald sa akin.

Tanging tango na lang ang ginawa at nagsimula ng lumakad pero bago pa ako makalagpas sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Please be safe." Pabulong niyang sambit sa akin.

"I will." Tugon ko sa kanya ng may ngiti sa labi.

Paglabas ko ng pinto agad akong naglakad sa mahabang pasilyo. Napaka-tahimik, tanging tunog ng sapatos ko ang naririnig ko.

Hanggang ngayon nakaka-mangha parin ang lugar na ito. Sa pasilyo kasing ito nadedetect ng system kung may tao ba na nag lalakad at sa bawat tapak na ginagawa ko kusang umiilaw ang bawat tinatapakan ko. Nakaka- relax talaga dito.

Pero,

Hindi sa mga oras na ito, dahil makikita ko na naman si K2. Si K2 ang boss ko hindi ko pa siya nakikita dati, tanging sa tawag ko lang siya nakaka-usap noon. Pero simula ng mangyare ang trahedya na iyon. Bigla na lang siyang nagpakita sa akin.
At sa bawat misyon ko nakakausap ko na siya ng personal ngunit hanggang ngayon hindi parin namin alam kung ano ang pangalan niya.

Nakadating na ako office niya, itinapat ko na ang mukha ko sa face recognition. Ito ay paraan upang protektahan si K2 kailangan ng face recognition bago ka makapasok sa opisina niya.

Maya maya lang nag-bukas na ang pinto at pumasok na ako. Naabutan ko siya na may hawak na swiss knife at pinaglalaruan niya ito sa kanyang kamay.

"What is my mission?." Deretsahan ko na tanong sa kanya. Hindi ko talaga kayang tumagal pa na kausap siya.

"Masyado ka namang nag-mamadali Britania, magkuwentuhan muna tayo," nakangising sabi niya habang pinaglalaruan parin ang hawak niyang swiss knife.

"Trabaho ang pinunta ko dito BOSS K2." Madiing sambit ko habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya. This guy is really getting on my nerves!

"Haha iyan talaga ang gusto ko sayo, your a bad-ass girl and for me it's turning me on." Makuhulugan niyang sambit habang malagkit na nakatingin sa akin.

"Tss stop it Boss K2 alam mo kung sino ang mahal ko at hindi ikaw yun." Matabang kong tugon sa kanya. Nawala ang ngisi niya at biglang dumilim ang mukha niya. Tsk serve it rights to him.

"Yeah i know that but remember Britania, what i want is what i get." Muling ngisi niya sa akin na napagtindig sa balahibo ko.

Hindi na ako sumagot at mas piniling manatiling nakatikom ang aking bibig.

"Poor Britania, anyways this is your new mission." Agad niyang inabot sa aking ang isang blue folder.

Agad kong binuksan ito at tinignan ang laman. Hmm isang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lang ang bumungad sa akin.

"Frima De Leon," sambit ni Boss K2 habang taimtim na nakatingin sa akin. Agad kong iniwas ang mata ko at muling itinuon ang atensyon ko sa folder.

Inilipat ko sa pangalawang pahina ang folder at tumambad sa akin ang mga impormasyon ng babaeng nag ngangalang Frima. Ayon dito isa siyang baker, may negosyo din siyang shop na pinangalanan niya na Sweet Thread Shop. Anak siya ng kilalang negosyante na si Mr. Foren De Leon at ang kanyang ina naman ay kilalang Movie Star Actresa na si Mrs. Romina Salvador.

Nakaka-pagtaka dahil wala naman akong nakikitang kahina hinala sa target ko ngayon.

"You need to protect Frima De leon, she is in danger now," Malamig na sambit ni Boss K2.

Tumango lang ako bilang tugon. At lumakad na palabas sa opisina niya. Nang bigla siyang magsalita na ikinatigil ko.

"Complete all the missions, you are responsible to this job." Sabay bato sa akin ng swiss knife na hawak niya na agad ko naman nailagan kaya tumusok ito sa likod ng pintuan niya.

I just nod my head and raise my hand as a goodbye to him. As i closed the door, I closed my eyes and let out a sigh.

Sinuot ko ang earpiece ko bago ako magsimula muling maglakad.
"This is Brit Mercedes, i have a mission now reporting for duty."

Battle of Our Guns (Book 2 of Raise your Gun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon