Prologue

6 3 0
                                    

Sa isang abandonadong building nagtapos ang lahat. Ang pag-iibigan nila na natapos sa isang madugong labanan. Hindi ginusto ni Britania ang lahat, mahal niya si Bryle pero mas nanaig ang kanyang trabaho.

Brit's Pov
Teka nasaan ako? Agad kong inilibot ang aking mata. Tila nanigas ako ng mapagtanto kung nasaan ako. Mabilis akong kumilos paalis sa madalim na abandonadong building na ito. Ngunit bago pa ako makakilos natigilan ako ng makita kung sino ang kaharap ko.

"Bryle," mahina kong sambit at dahan dahang lumapit sa kanya.

Nakatingin lang siya ng deretso sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanya. Pero aking binalewala ang kanyang mga tingin at naglakad pa rin patungo sa kanya.

Akmang hahawakan ko ang kaniyang mukha ng umiwas siya. Labis akong nabigla sa kanyang ginawa ngunit nanaig parin ang aking gusto na muli ay hawakan siya.

"Pinatay mo ako." Nanlilisik ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Parang binuhasan ako ng isang timbang yelo dahil sa panlalamig at paninigas ng katawan ko. Naka-awang lamang ang aking bibig at hindi ko magawang makapagsalita.

"Mas ginusto mo na sundin ang trabaho mo kesa ang makasama ako..

Ngayon magbabayad ka!" Malakas na sigaw ni Bryle at sa isang iglap ay nakadiin na ako sa pader habang sakal sakal niya ako.

Lumuluha akong tumingin sa mga mata niya poot,galit,sakit at lungkot ang nakita ko sa mata ni Bryle. Tuluyan na akong hindi makahinga alam ko sa sarili ko na katapusan ko na.

"I'm sorry Britania I need to do this." Ibabaon niya na ang swiss knife-----

Britania ! Britania!

Agad akong napabangon at habol hiningang inilibot ang tingin. Nasa kwarto parin ako at dumako ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko, halata sa kanya ang pag-aalala.

"Gerald," nanghihina kong sambit. Muli ay dumaloy na naman ang mga traydor kong luha.

"Sssh everything's gonna be alright," sambit ni Gerald habang masuyo aking pinapatahan.

Umiling ako at lalong umiyak sa mga balikat ni Gerald. Sobrang sakit pa rin sa akin ng nangyare.

"Everything is all my fault, and every night my memories haunt me and it always cause pain to me." Umiiyak na sambit ko.

"I love him but i chose to break his heart, not only his heart but also his whole self. I killed my lover."

Battle of Our Guns (Book 2 of Raise your Gun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon