Chapter Twenty Two

398 12 8
                                    

           Tiningnan ko ang himbing na himbing na si Brandon sa tabi ko. His hands are around me. Marahan kong tinanggal ang braso niya na nasa taas ko. It's like 10 in the evening. All we did is stay here. Talagang tinotoo niya ang parusa na sinasabi niya. Ginawa ko lahat ng gusto ko... For the last time.

           Umalis ako sa kama. Pinulot ko ang damit na nagkalat sa sahig at mabilis iyung sinuot isa-isa habang di pa rin tinatanggal ang tingin kay Brandon. I'm just trying to make sure he isn't awake yet.

           Matapos masiguradong nasa akin na lahat ng kailangan, umupo ako ulit sa kama at pinagmasdan ang mukha ni Brandon. Hinaplos haplos ko ang malago niyang buhok saka hinalikan siya sa noo, sa ilong, sa cheeks at sa labi niya. I heard him moan when I did that.

           I took a deep breath. I kissed him one more time bago ako dali-daling umalis sa cottage. Here I am with my bahala na attitude again. I went to where I parked my car when we came here. Hindi ko alam kung paano uuwi si Brandon but he's old. He can handle that himself. Hindi ko na dapat siya iniisip. Dapat nakatuon lang ako sa plano ko. Yun lang dapat.

           "Hey."

           Natigil ako nang marinig ang boses ni Kiko sa likod ko. Humarap ako sa kanya. Bakas ang pagtataka sa mukha.

           "Uuwi na kayo?" he asked.

           I cleared my throat. "Y-yeah. Alam mo na, maraming naiwan sa bahay. Summer's probably looking for me now."

           "Right... My cute niece. I was actually wondering why you didn't bring her."

           Ngumiti lang ako. Hindi ako pumasok sa sasakyan. Hinintay ko siyang makaalis but nanatili siyang nakatayo roon habang nagtititigan kaming dalawa.

           "Aren't you leaving?" I asked.

           "Aalis ako pag andito na ang boyfriend mo. It's like 10 in the evening. Where is he anyway?"

           Tila may bumara sa lalamunan ko. For the first time in my life, tila hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Biglang nilukob ng guilt ang puso ko ngayong naiisip si Brandon. I wonder what his reaction will be pag nakita niyang wala na ako pag gising maya-maya.

           "Y-you can go, Kiko. I'm fine here. Umihi lang siya saglit."

           "Kaya nga. Hihintayin kong dumating siya. I know you're in my resort but this place is as dangerous as any place in the world. Hindi dapat hinahayaang mag-isa ang mga babaeng tulad mo sa ganitong madilim na lugar."

           "I said I'm fine, Kiko. Umalis ka na lang. Sa loob ako ng sasakyan maghihintay saka malapit naman ako sa guard house. The security's literally like 5 meters away. Pag may nangyari, malamang ay matutulungan nila ako."

           He sighed. "Fine. Tsk. Aalis na ako pero pababantayan kita sa kanila. Mahirap na... Baka ano pang sabihin nina Tito at Tito pag may nangyari sayo dito sa resort ko at hindi kita naprotektahan."

           I rolled my eyes. "Yeah. Whatever."

           Sa wakas ay umalis na rin si Kiko. Binilinan niya muna yung security guards na nakabantay sa may gate tungkol sa akin before he disappeard. Nang masiguradong wala na siya, saka lang ako pumasok ng sasakya.

           For the last time, humugot ako ng malalim na hininga bago ko pinaandar paalis ang kotse.










*Brandon's POV

           Nagising ako ng hatinggabi. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. I got really tired sa lahat ng ginawa namin ni Acey kanina. It was worth it though. She's so fucking beautiful. Kahit oras-oras o minu-minuto ko yata siyang angkinin hindi pa rin ako magsasawa sa kanya. Sometimes nalilito ako sa gawi niya. Sometimes she's innocent and sometimes she's not. It's like she has two different people inside her. But I don't even fucking care. She's my woman. I fucking love her.

Acey Rodriguez: PaybackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon