Chapter 1:
"Amber gumising ka may sunog!!!"rinig kong sigaw ni mama mula sa baba kaya nagising ako nang marinig ito"
"Ma? Anong nangyayari?" tanong ko kay mama.
"Anak bilisan mo lumabas na tayo!nasusunog na ang ating bahay!" naiiyak na sabi sakin ni mama, kaya kinuha ko agad ang mga mahahalaga kong gamit at lumabas na sa bahay wala akong nakuha kahit isang damit"
Pag kalabas namin ni mama nakita kong naiiyak na siya dahil sa nangyari...nawala na lahat...mga damit na tinahi ni mama... mga gown at mahahalagang bagay na pinag trabahuhan niya nawala na lahat....naiiyak ako sa inis at galit... paano na to? ano nang mangyayari samin?
Makalipas ang ilang araw nag pasya kami ni mama na umalis dito sa Quezon at pumunta sa bahay ng kaibigan ni mama na si Ate Janaber si Ate Janaber ay isang mayamang babae napangasawa niya si Tito Allan na chinese ang lahi may mga hotel,resort at iba pa silang mga pag mamay ari kaya sobrang yaman nila.
Bago namin pinag pasyahan ni mama na lumisan na dito sa Quezon City ay nanghiram muna siya sa mga kaibigan niya ng pera pero mahirap mang hiram ngayon dahil halos lahat dto ay nag hihirap na walang pera walang tirahan at walang gamit ang halos lahat dito sa aming barangay, kaya hindi ganon kadaling manghiram ng pera pero may mga kapitbahay parin kami na mamabait.
Kahit isang gamit wala kaming dala ni mama dahil lahat ito ay naging abo na dahil sa sunog ang dala ko lang ang mga isang folder na laman ay ang mga drawing kong design ay mga gown lamang.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami ni Mama sa Gate ng isang Village dto sa Maynila pero sa tingin ko hindi siguro kami papapasukin ng guard , maya maya pa ang may dumaan na magandang sasakyan at nagulat ako ng pag biglang may lumabas na magandang babae at niyakap si mama ng mahigpit at awang awa siya kay mama mayat maya pa ay tiningnan ako ng babae at hinawakan niya ang kamay ko.
"Anong nangyari sa inyo Allaine?" Tanong niya kay mama, hindi kaya si Ate Janaber ito ang kinukwento ni mama sa akin na mabait at mayaman niyang kaibigan?
"Jana pwede bang manirahan muna kami ng anak ko sa inyo? Tutulong naman kami ng anak ko sa mga gawain sa mansyon habang nag hahanap ako ng trabaho? Maari ba?" Tanong ni mama sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo ha? Okay lang sakin na tumira kayo sa amin atsaka hindi mo kailangang maging sunodsunuran atsaka bibigyan ko na rin kayo ng kwarto,pumasok na nga muna tayo sa kotse para maiuwi ko na kayo at maka pag ayos na kayo ng sarili niyo" sabi niya samin
Kaya pumasok na kami sa kotse,pag bukas pa lng ng pinto naramdaman ko na agad ang lamig at bango sa loob ng kotse.
Mga dalawang minuto pa lang siguro ay tumigil na ang sasakyan at napatingin ako sa bintana nakita ko ang isang malaking bahay, hindi pala bahay... isang malaking mansyon...hindi ako makapaniwala na papasok ako sa loob ng malaking mansyon na ito...
Pag baba namin ng sasakyan ay nagulat ako ng bigla akong kinausap ni Ate Janaber.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin habang naka ngiti.
"Ahh ok lang po ako" sagot ko sa kanya
"Nahihiya lang siya...ngayon ka lng kasi niya nakita Jana pero kinukwento kita sa kanya..." sabi ni mama kay Ate Jana
"Talaga ba? Baka naman kinukwento mo yung mga kalokohan natin sa anak mo ha, HAHAHA"natatawang sabi ni Ate Jana kay mama
"Syempre ako pa ba" natatawa rin namng sabi ni mama
Hindi ko alam pero sa pag uusap nila natatawa na rin ako eh.
"Pumasok na nga tayo sa loob ang init na kasi dto sa labas eh" sabi niya samin.
Nag simula na kami mag lakad pa punta sa malaking pintuan, pag pasok namin sa loob ng mansyon makikita mong maraming mga katulong sobra pa sa bente sabagay sa laki ba naman neto kulang pa siguro ang bente na mga katulong.
"Lisa pwede bang maghanda ka ng dalawang kwarto para sa kanila at mag handa ka narin ng maaayos na damit na susuotin nila" utos ni ate Janaber sa isang katulong
"Yes Madam"sabi ng katulong
"Uhmm bell samahan mo muna si Amber sa kwarto niya"sabi ni ate Janaber sa isa pang katulong.
"Opo madam" sabi ng katulong, buti naman at kabisado niya mga pangalan ng katulong dito sa mansyon...
Sinundan ko ang katulong nila papunta sa kwarto bago ako nag lakad ay tumingin muna ako kay mama (tumungo siya sakin para sabihin sige umalis kana) habang nag lalakad kami papunta sa kwarto naka ramdam na ako ng pagod grabe nman ang laki naman neto, naisipan kong mag tanong sa katulong kung malapit na ba sa kwarto.
"Ahh ate malapit na po ba tayo sa kwarto?"tanong ko aa kanya
"Opo Ma'am malapit na po"sagot niya sa akin
"Ah ok salamat"
Habang sinusundan ko siya ay tumitingin ako sa dinadaanan ko may nakita akong isang malaking painting.. as in sobrang laki nakita ko si Ate Janaber tapos may dalawang lalaki yung isang nasa kanan asawa ata yun ni Ate pero yung isa ang gwapo singkit siguro anak nila.
Maya maya pa ay napatigil ako dahil tumigil rin ang katulong.
"Nandto na ba tayo?" Tanong ko
"Opo Ma'am"sagot ng katulong
"Pumasok na ho kayo sa loob naka ready na po lahat ng kailangan niyo"sabi niya sa akin
Nag lakad ako at pinag buksan nila ako ng pinto, pumasok ako sa loob naka ilang hakbang palang ako ay nakita ko na ang isang magandang higaan ang laki niya nakita ko rin na nakapatong sa kama ang magagandang damit.
Pinasara ko ang pinto dahil maliligo na muna ako.Matapos kong maligo ay namili na agad ako ng damit at nag bihis na, nag madali akong lumabas ng kwarto pupuntahan ko si mama at mag papasalamat na rin kay Ate Janaber.
Tanda ko pa naman ang dinaanan namin kanina kaya alam kong malapit na ako sa bandang sala pag kaliko ko nagulat ako ng biglang may sumulpot, sasobrang lakas ng pag ka banga namin sa isat isa ay natumba kaming dalawa, hindi namin sinasadyang mahalikan ang isat isa nagulat ako sa nangyari kaya mabilis akong tumayo.
"What the fuck! Sino ka??? Hindi ka manlang tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw niya sakin
"Hoy wag mo akong sinisigawan ha! Baka ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo may hawak ka kasing cellphone eh! "sigaw ko sa kanya saby punas ng labi ko
"What ever! Sino ka at anong ginagawa mo sa pamamahay ko ha?!" Tanong niya na may halong pasigaw
Pamamahay? Hindi kaya? Siya ang anak ni Ate Janaber... mabait si Ate Janaber pero itong anak niya hindi mabait.
"Wala kang nang pake dun!" Sigaw ko sa kanya sabay nag patuloy na akong maglakad palayo sa kanya.Ang kapal ng muka kinuha pa niya first kiss ko hayyst sino siya para gawin yun!
Mamaya maya narinig ko ang boses ni mama na kausap si ate Janaber. Narinig ko na pinag uusa nila si Allan, Sino si Allan?
"Allaine kailangan ko ang tulong mo... May sakit si Allan at puwede niyang ikamatay ito... "Rinig kong sabi ni Ate Janaber Kay mama? Sino si Allan? Hindi kaya asawa ni Ate Janaber yun? Anong sakit niya? At bait humihingi si Ate Janaber ng tulong Kay mama Hindi nman siya doctor ah... Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Hey you! What are you doing huh? "
"Ayy kabayo!!! "Napasigaw ako sa gulat ng biglang nagsalita siya sa likod ko.
"Ano bang problema mo?" Hindi ko na tuloy narinig yung mga pinag uusapan nila mama hay bat ba sulpot ng sulpot tong lalaki na.
"Sino ka ba huh? Atsaka anong ginagawa mo dito? Magnanakaw kano? GUARD!! GUARD!!!! MAY NAKAPASOK MAGNANAKAW DITO!!! "Sigaw niya haban nakaturo yung daliri sakin
"Hoy Hindi ako mag nanakaw no! "Sigaw ko sa kanya sumusobra na to ha
"So who are you? and what are you doing here? "Tanong niya sakin habang nakataas ang kilay niya.
"Wala ka nang paki don!"inis na sabi ko sa kanya
Naglakad na ako sa pinaroroonan nila mama nagulat ako...
BINABASA MO ANG
Im a Fiancee Of Master Kim
RomanceHi! Im Anaber Go nawalan ako ng ama mula nung bata pa ako, ang aking ina naman ay isang mananahi sa aming lugar isang araw nag karoon ng sunog sa aming lugar at nadamay sa sunog ang amin g bahay. Nawalan kami ng mga gamit kahit isa ay wala akong nad...