DON'T GO (One shot story)

572 23 14
                                    

"Ang pag-ibig 'ko sa'yo ay totoo, at walang halong biro.."

Mag isang kumakanta si Macario Madrigal na biglang binatukan siya ng kaibigan niyang si Alvin.

"Ang baduy mo bro!" natatawang sambit niya habang hawak hawak ang tiyan kakatawa. Napangiwi naman si Macario o Rio dahil nawi-wirdohan na siya sa matalik niyang kaibigan na si Alvin. Hindi nalang niya ito pinansin at lumingon sa ibang direksyon. Napangiti siya ng mapang asar ng makasalubong ng mata niya si Keeana.

"Good afternoon flat." mapang asar na bati niya kay Keeana Valdez

"Good afternoon din supot!" bawi ng dalagita

Madalas silang mag away hanggang maging 4th year highschool na, hindi pa rin sila natitigil sa pagbabangayan.

Nanatili pa ding nakatingin si Rio kay Keeana, inirapan naman siya ni'to. Padabog na tumayo ito at naiiritang nagsalita, "Ano bang tinitingin tingin mo dyan Macario?!" iritadong sabi niya

Sinamaan lang siya ng tingin ni Rio, dahil ayaw niyang natatawag sa pangalan na iyon. Mas gusto pa niya ang Rio dahil hindi niya maatim marinig ang Macario. Umiwas nalang siya ng tingin at tinitigan ang math problem na assignment nilang pinagagawa ng guro nila kahapon. Naghalumbaba siya dahil walang siyang masagot, paniguradong itlog na naman ang makukuha niya. Paulit ulit niyang mahinang pinupukpok ang dulo ng ballpen niya sa nakabukas na kwaderno niya, sabay kanta nang narinig niya sa radyo kaninang "Ang pag-ibig 'ko sayo ay totoo, at walang halong biro."

Natawa ulit ang kaibigan niya, katabi niya ito at naiiyak na sa tawa. "Last song syndrome ba bro!" sambit ni Alvin at tinapik tapik ang balikat niya

Natahimik na sila ng dumating ang Math teacher nila. Matapos na mag check ng attendance, mahina silang nagbulungan ng kaibigan niya dahil magkatabi naman silang umupo. "Ang boring dito bro, escape tayo." yaya ni Rio sa kaibigan niya, hindi na siya nagdalawang isip at tumango siya

"Alam 'ko namang gusto mo lang mag escape para makita mamaya si Keeana dahil may swimming class siya pagkatapos ng klase na'to." sambit ni Alvin

"Aba, buti alam mo." wala sa sariling sagot ni Rio

Nagulat naman si Rio sa sinabi ni Alvin, napatayo siya at inuga-uga ang balikat niya, "Bro, paano mo nalaman?!" gulat na tanong ni'to sa kaibigan

Ngunit natahimik lang ito at tinignan siya na nakangisi. Napagtanto ni Rio na nakuha niya ang atensyon ng buong klase sa ginawa niya, nakaramdam naman siya ng hiya at nag peace sign. Nanginginig ang labi ng Math teacher nila sa galit, nanlamig naman si Rio dahil terror pa naman ito. Tinignan siya nito ng napakasama, "BOTH OF YOU! GET OUT OF MY CLASS!" naniningkit sa galit na sigaw nito

Lumabas na ang dalawa na may pasayaw sayaw pa sa tuwa. Sa sobrang tuwa nila, muling nakuha nila ang atensyon ng mga estudyanteng may P.E. sa labas, ang awkard pa naman ng posisyon nila dahil magkayakap sila dahil sa sobrang pagkatuwa. Nangilabot silang dalawa, kumalas sa pagyayakapan na may pandidiri sa isa't isa.

Naglakad nalang sila sa hallway, "Paano mo nalaman bro?" ulit na tanong ni Rio kay Alvin

"Na may gusto 'ka sakanya? Simple lang, matagal ko nang napapansin sa'yo. Pero ang tanga mo din eh no? Hindi ka pa nga dumada-moves sakanya nambababae ka'na." sagot ni Alvin

"Para nga hindi halata, ang sakit kaya sa puso't damdamin na ako lang nahulog sakanya. Shet lang bro, ang sakit sa bangs." madramang pahayag ni Rio

Napailing naman si Alvin sa inaakto ng kaibigan, "Tsk. Malala na." sabi pa nito

Nakaramdam naman sila ng yabag ng mga paa sa tinatapatan nila ngayon, ang locker. Nakita nila si Keeana, agad namang nagtago si Rio na parang ninja at hinila na rin si Alvin. Late na rin kasing dumating ang kanilang teacher kaya papunta na si Keeana sa swimming class niya.

Don't Go (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon