Prologue

5.8K 114 7
                                    

"STARK, malapit nang mag-thirty-one, palaging may date pero single pa rin. Sky, twenty-nine na, matagal nang taken pero single pa rin. Storm, twenty-seven, always single but never taken. Kailan ba kayo mag-uuwi ng babae dito?"

Sabay na natawa at napailing si Stark sa pangangastigo sa kanilang magkakapatid ng ever reliable, ever loyal at ever loveable nilang tagapangalaga na si Jowana. Take note, Jo-wa-na. Pero ang tunay nitong pangalan ay "Juana". Mula nang makapanood yata ito ng mga English movies ay natuto na itong umarte ng ganoon.

"Ipagdasal mo kasing maging taken na ako ng totohanan, Jowana," sabi ng kapatid niyang si Sky dito.

Kasalukuyan silang nanananghalian sa ancestral house nila sa Parañaque na tuwing weekend nilang ginagawa para magbalitaan at para bisitahin si Jowana. Ito rin kasi ang caretaker ng bahay nilang iyon. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa bilin ng kanilang mga magulang sa kanilang tatlo, na ang tanging babaeng dadalhin nila sa bahay na iyon ay ang babaeng mamahalin nila habang-buhay. So far ay wala pa sinuman sa kanilang tatlo ang nagpapapunta o nag-uuwi ng babae doon.

It's like their code of the house. The moment your girl stepped into the house, that girl would forever be the love of your life. And it's all a bull with a shit for him given the fact that the woman who made the rule broke their home. Dahil sa babaeng iyon ay nasira ang tingin niya sa mga babae. Nawalan siya ng rason para magtiwala sa mga babae at respetuhin ang mga ito. Kaya kailanman ay hindi pumasok sa isipan niya ang magkaroon ng asawa o seryosong relasyon. Para sa kanya, ang mga babae ay isang kasangkapan lang na maaari niyang gamitin at palitan kailan man niya gustuhin, at mananatili ang mga itong ganoon para sa kanya. Actually, walang mabuting naidudulot sa pamilya nila ang mga babae maliban kay Jowana.

"She's never gonna love you back, Sky. So, drop the bull act and move on," seryosong sabi niya sa kapatid na alam niyang hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa isang babaeng sa tingin niya ay hindi naman ito magagawang mahalin.

"Hindi ako makikinig sa isang taong walang alam sa mundo ng pag-ibig," asik sa kanya ni Sky. He scoffed at that.

"Hindi ko kailangang pumasok sa mundo na 'yon para malaman kong hindi magiging maganda ang kahihinatnan nang nararamdaman mong 'yan. Ito ang maganda kapag nanonood ka lang. Nakikita mo ang mali sa mga taong nakapaligid sa'yo, mga maling pinipili nilang 'wag pansinin pero dapat naman," aniya rito.

"Don't be the villain, then. Just watch and see. After all, hindi naman ikaw ang makakaranas ng sakit. The thing is, magkaiba tayo, Stark. Ako, handang masaktan para sa kaligayahan ko. Ikaw, sumasaya sa pananakit sa iba. See the difference?" ganti naman sa kanya ni Sky.

"I always want to have the upper hand," aniya rito. Kung inaakala nitong maaapektuhan siya sa mga sinabi nito ay nagkakamali ito.

"That's what real weaklings always say," makahulugang sabi nito sa kanya.

"Ako, siguro malapit na, Jowana," singit naman sa kanila ng bunso nilang si Storm.

"Naku! Ipagdadasal kita, Storm. Pero siyempre, dapat si Stark muna ang maunang mag-asawa sa inyo," agad namang segunda ni Jowana na sadyang pinalakas ang tinig para baguhin ang kakaibang aura ng paligid dahil sa angilan nila ni Sky.

"Walang kaso sa'kin kung mauuna si Storm. Wala naman talaga akong balak na mag-asawa," sabi naman niya sa mga ito. Pagkuwa'y tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan para magpaalam sa mga ito. Baka kapag nagtagal pa siya roon ay matuloy ang natigil nilang angilan ni Sky at mauwi iyon sa mainit na awayan. "Aalis na ako," paalam niya sa mga ito.

"Stark," tawag sa kanya ni Jowana bago pa man siya makaalis doon. Nang lingunin niya ito ay nakatingin ito sa kanya ng may pang-uunawang makikita sa mga mata. "Ipagdadasal ko rin na mahanap mo na ang babaeng nararapat sa'yo. Isang babaeng magbibigay sa'yo ng lakas at pagkalinga," anito.

"Hindi naman ako maghahanap," aniya rito.

"Darating siya. Kapag nakita mo na ang katapat mo, mas pipiliin mo siya kaysa sa plano mo," sabi naman ni Jowana sa kanya.

"I doubt it," aniya rito.

Dahil sa ngayon, isang "bagay" na maaaring gamitin lang para sa kanya ang mga babae. And until he hadn't got Prime back, it would remain like that.

---

Para sa mga naghihintay ng book 2 ng A Villain's Tale. Here's Stark and Haze's story. Enjoy reading! 

A Villain's Tale Book 2: STARK, The Treacherous KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon