NAGISING si Haze sa isang nakakakiliting halik sa kanyang balikat. Kasunod niyon ang malakas na pagtunog ng kung kaninong telepono. Ayaw pa sana niyang magising mula sa isang magandang panaginip ngunit labis siyang na-distract sa mga nakakakiliting halik sa kanyang balikat.
"Danger, tumatawag sa'yo si Rose," anang swabeng boses na katulad ng lalaking nasa panaginip niya.
"Sagutin mo na lang. Gusto ko pang matulog," sagot niya rito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki kasunod niyon ang pagtahimik ng buong lugar.
"Rose? I'm Stark Alvarez."
Oh, shit! Rose, my secretary. Stark, my man. She instantly snapped. Agad na nagmulat ang kanyang mga mata saka siya bumalikwas ng bangon. Wow, ha. 'My man'?
Inignora niya muna ang komento ng sariling isipan. Nakita niya si Stark na nakaupo sa gilid niya—shirtless—at na-realize niyang wala rin pala siyang kahit na anong suot sa ilalim ng kumot na nakatabon sa kanya. Pero pilit niya munang inignora ang mga iyon. Agad niyang inagaw kay Stark ang cell phone niya at kinausap si Rose.
"Hello, Rose? Uh, something came up," agad na sabi niya rito. Inilayo niya sa kanyang tainga ang cell phone niya para makita niya kung anong oras na at napamura siya nang makitang lampas alas-nuwebe na pala ng umaga. "After lunch na ako makakapasok. Is there something I should know?"
"Well, may bago tayong investor at nagpatawag ng urgent meeting si Mr. Manresa para i-welcome siya. I heard her name is Mage Apostol. Prior to this ay nabigyan na pala ng notice before ang board kaya pati po si Sir Fred ay nasa flight na niya pabalik dito. The meeting's at three PM kaya abot na abot ka pa," pagbibigay-alam ni Rose.
Mage, huh? So, she's back.
"I see. It's enough time for me to prepare for battle. Thank you, Rose," seryosong sabi niya rito saka niya tinapos ang tawag. Kung anuman ang pinaplano ni Mage, natitiyak niyang masama iyon para sa kanya. Pero hindi niya ito hahayaang gawing battle ground nila ang Top Gas. Lalabanan niya ito bago pa man ito magsimulang umatake sa kanya mula sa loob.
"Hey, something—" Hindi na niya pinatapos pa ang litany ni Stark. Agad niya itong binigyan ng suntok—na hindi naman ganoon kalakas—sa kaliwang balikat nito.
"Bakit hindi mo ako ginising kanina pa? Ang sabi mo ihahatid mo ako sa bahay umagang-umaga. Damn you," aniya rito. Pero hindi naman talaga niya ito sinisisi dahil na-enjoy niya ang lahat ng ginawa nila kagabi.
"Sorry. Kagigising ko lang din kasi eh. Is there a problem?" tanong nito sa kanya.
"I won't consider it a problem. It's more of a challenge. Natatandaan mo ba 'yong ikinwento ko sa'yong best friend kagabi? Si Mage? Siya daw ang bagong investor ng Top Gas. Seems like a homecoming. Matapos kasi ang nangyari noon tungkol kay Rolf ay bigla na lang siyang nawala. Kaya alam kong ngayon ay may handa siyang pasabog para sa'kin. I'll just have to surprise her with a counterattack," paliwanag niya rito.
Hindi ito agad na nakapagsalita pagkatapos. Nanatili itong nakatingin sa kanya na may matinding pag-aalala sa mukha. Kaya muli niya itong sinuntok ng madahan sa balikat nito.
"Will you lend me your evil powers to fight her?" pabirong sabi niya rito.
"No. It would ruin you. Ayokong mabahiran ka ng kasamaan," anito saka lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. "But I could fight her for you," pagkuwa'y sabi nito. Bigla siyang na-touch sa sinabi nito.
"Nah. I can handle her. Anyways, I'm hungry. Pwede ba tayong—"
"Sure!" agad namang sagot nito saka nito dinaluhong ng halik ang mukha niya. Hinila pa nito mula sa kanya ang kumot na tanging tumatabon sa kahubdan niya.
BINABASA MO ANG
A Villain's Tale Book 2: STARK, The Treacherous Knight
Romance"Nang gabing iyon ay hindi lang ang isip ko ang binago ko kundi pati na rin ang puso ko. I fell for you. I didn't plan it but I did." Cool, clever, amusing, tempting, dangerous. Iyon si Haze para kay Stark. Napakasarap asarin ni Haze. Mientras na na...