" ANG KASALUKUYAN SAKING MGA MATA "Sa kasalukuyang panahon, unti-unti na tayong nilamon ng modernisasyon. Ang dami-dami na ng apps na nalikha at nakaka-adik na sa mga bata. Mga musika na kay sarap pakinggan ngunit ang iba ngayo'y wala ng kahulugan. Sikat na sikat na rin sa atin ang mga Korean. Ang kanilang mga damit, make-up at mga boy or girl group nito.
Gusto narin nating malaman ang iba't ibang banyagang lenggwahe, may pa oppa oppa pa kunware, arrigato, ni hao at marami pang iba.
Sa iba na rin tayo tumatangkili, mga gadjet at devices sa kanila na rin tayo bumibili. Marami narin ang nangangarap na makapunta sa ibang bansa o sa ibang dako ng mundo kaya marami narin ang kumakapit sa regen at kapa upang ito'y magkatotoo. Ang dating mga bata sa kalye na naglalaro ng tumbang preso, patentero at iba pang larong maka pilipino, ngayo'y puro nalang teknolohiya ang hawak, puro online games nalang ang nilalaro at sa bahay na lang parating nagmumuk-mok. Iba nga ang dati sa ngayon malaki na ang pinagunlad nito, ngunit kay rami-rami narin din ang nagbago.
Ito ngayon ang aking nakikita ang kasalukuyan sa aking mga mata." ANG AKING MUNDONG NAPUNO NG KARIMLAN "
Walang katuwang, walang kaibigan, walang pamilya. Ito ang isang mundong puno ng kalungkutan at puro nalang sakit at puot ang iyong mararamdaman.
Walang karamay sa paglalakbay at nag-iisa na lamang sa buhay. Ito ang mga oras na walang kang kapareha at unti-unti kang nawawalan ng pag-asa, Pag-asang may dadamay sayo at itatakas ka sa mundong madilim na ito.
Walang ibang tinig ang naririnig kundi tanging tunog lang ng mga kuliglig, Walang ibang kulay ang nakikita sapagkat itim lang talaga. Lumalala ang pangungulila at unti-unting lumalalim ang Gabi.
Naging isang buhay na puno ng kadiliman at palaging nangingibabaw ang sobrang katahimikan.
Walang ibang lagusan, walang ibang daan ngunit patungo lamang sa karimlan. Naligaw ba ako o panaginip lang ito? Ito ba't totoo?.
Nakakasakal ang hangin, nakakapaso ang paligid at nakakalungkot ito saking mga paningin.
Bakit nga ba ganito? Bakit nga ba nagka-ganito?.
Nakakapanglaw, Nakakalumbay, Nakakasakit.
Ano ba ang nangyari? Ano ba ang nagawang mali?.
Hindi ko nais na humantong dito, Hindi ko gusto na magka-ganito ang kapalaran ko, naging isa naman akong mabait na tao at sa iba pa nga ay naging ehemplo.
Ngunit bakit napadpad ako sa mundong Ito?" ANG SALAMANGKANG NAKAKAKILABOT "
Pagdating sa mahika ang dami-daming mga bagay na pwede mong magawa, Ito rin ay nakakamangha, nakakabilib sa mga mata at kadalasa'y dikapani-paniwala.
Nagbibigay din ng saya at tuwa, nakakaguhit ng ngiti sa mukha at halakhak na napakalakas.
Ngunit pagdating din sa mahika ang dami-daming bagay na dapat ay hindi paniwalaan, palagi rin itong may sekretong tinatago at mapalinlang sa ating mga mata.
May mahika bang nakakatakot? Nakakasindak? At Nakakasakit?
Oo! Mayroon
Dahil isa siya sa mga SALAMANGKANG NAKAKAKILABOT.
Para kasi siyang napakanipis na bula, bigla bigla na lang pumuputok at nawawala. Para rin siyang isang ibon sa loob ng sombrero ng salamangkero, umaalis at lumilipad ng walang paalam pag ito'y nakawala.
Para rin siyang isang rosas sa entablado napakaganda at nakakaakit ngunit puno parin ng mga nakakasugat na mga tinik.
Nakakakaba, Nakakahindik, Mapang-abuso.
Sa isang sulyap ko pa lamang sa kanyang mga ngiti, sa isang tingin pa lamang sa kanyang mga mata, sa kanyang mga kilos na kakaiba at sa ugaling dikapani-paniwala. Alam ko na agad, sa mga oras na yun, sa mga panahong iyon
Ikaw nga ay tunay at talagang isang Nakakasindak, Nakakalinlang, Nakakamatay at isang
SALAMANGKANG NAKAKAKILABOT." ANG AKING PARTNER IN CRIME SA BUHAY "
Palagi kang kapiling, palaging nasa aking tabi. Palagi kang kasama sa hirap man o ginhawa, sa lungkot man at saya.
Ikaw ang dahilan kung ba't nagigising ako ng maaga, ikaw rin ang dahilan kung ba't natatapos ko ang mga aralin ko isa-isa at ikaw rin ang dahilan ng aking saya at maraming marami pang iba.
Napakahalaga, Napaka importante, Napaka espesyal.
Mapa-gabi man o umaga, mapa-araw man o mapa-ulan, mapa-skol at bahay pa man yan, hinding-hindi ka maalis sa aking mga kamay at isipan.
Ako'y iyong pinapasaya, pinapangiti at pinapatawa kaya hindi na ako nag-aalala sa pagiging mag isa dahil kasama na kita at ikaw lamang ay sapat na.
Nakakagalak, Nakakaaliw, Nakaka-adik.
Marami hadlang at pilit tayong pinaglalayo ngunit ipagtatanggol kita, Hindi kita hahayaang mawala at makuha ng iba. Kahit minsan ay sagabal ka na, minsan ay nagbibigay kana ng problema, minsan ay marami na akong napapabayaan o nakakalimutan dahil ikaw na lang ang inaatupag, minsan ay wala na akong pakinabang at kahit ayaw na ayaw ka ni Mama. Ipaglalaban parin kita.
Dahil ngayon lang ako nagka-ganito, Dahil ngayon ko lang naramdaman to.
Hindi nako magmumukmok, Hindi nako mag-iisa, Hindi na ako ulit malulungkot pa dahil nandiyan kana,
Oh! Aking selpon." ANG KAHALAGAHAN NG ISANG BARKADAHAN "
Mahalaga ang kaibigan sapagkat marami at malaki ang maitutulog nito sa bawat kabanata ng buhay mo. May magiging karamay ka sa bawat oras na malungkot o masaya, may masasadalan ka sa bawat problemang hinaharap mo at may magpaparamdam sayo ng tunay na kahalagan mo.
Sabay sabay kayong bumubuo ng mga ala-ala at masasayang mga sandali na kahit kailan man ay hindi makakalimutan, tumatak ng husto sa puso at isipan, at nakagawa ng pangakong kailan man ay walang iwanan.
Simula ng dumating sila sa buhay ko siguradong hindi kana ulit magmumukmok, hindi kana ulit mag-iisa. Simula ng pumasok sila sa buhay ko puro nalang halakhak at tawa ang naririnig ko.
Sa pamamagitan din ng pagkakaibigan madadagdagan ang mga taong mangangalaga at magnamahal sayo ng lubos at totoo. Hindi ka na ulit mangungulila, hindi ka na ulit mangangaba pa, hindi ka na ulit mag-iisa at hindi ka na ulit luluha pa.
Sa pamamagitan din nila may makakasama ka na sa mga pambihira mong kalokohan, may karamay ka na sa paglalakad papunta ng skwelahan at may kasabay ka na tuwing uwian, may kapartner ka na rin sa mga bagay na gusto mong gawin at ma bubuhay na ang mundo mong walang kakulay-kulay.
Ngunit kailangan mo ring tahakin ang tamang landas patungo sa pagkakaibigan.
Pumili ka ng kaibigan na magpapakatiwalaan, dapat yung taong mamahalin ang iyong kamalian, tatanggapin ang iyong kakulangan, dapat yung taong hindi ka ikakahiyang ipagmalaki sa iba, dapat yung taong may respeto at nakakabuting impluwensiya. Isang taong magpapabago o magpapaunlad ng ugali mo.
Kaya ito ang KAHALAGAHAN ng BARKADAHAN." ANG TALENTONG IKANAHIHIYA"
Sa panahon ngayon marami na ang mga taong may kanya-kanyang kakaibang talento na ipanapamalas at ipinapakita sa madla.
Sa panahon ngayon marami na rin ang nagiging isang mahusay na dancer at sikat na singer sa napakamurang edad pa lamang, nahuhubog na agad ang kanilang perpektong katawan at lalong gumaganda ang kanilang kamahamanghang tinig na kay sarap pakinggan.
Sa panahon din ngayon marami na ang nangangarap na maging napaka mahusay na pintor at magtanghal sa entablado at ipamalas ang dramang binuo bilang isang aktres sa harap ng madaming tao. Naipapakita na rin agad nila ang kagalingan sa pagguhit at nakakagawa na ng napakagandang pinta at lalong tumataas ang kanilang linya at memorya at lalong-lalo na ring lumalalim ang mga emosyong ipanapakita nila.
Ngunit hindi lamang ito ang mga talento.
Ang dami-dami pang mga talento na nakatago, mga talento na hindi pa mabuo at mga talentong ikinahihiya ng ibang tao.
Siguro ay mababa ang kanilang paninidigan, mahina ang kanilang tiwala sa sarili, wala ng ibang pangatwiran, ikinakahiya kaya ayaw itong malaman o maliit lamang ang kanilang pasensya tungo sa pagtuklas ng nakatagong talento nila.
Siguro rin ay ayaw kasi nilang sumogal sa isang bagay na hindi sila sigurado kung ito ba ay magagawa ba nila o pagsisihan lang nila.
Ayaw kasi nilang mahusgahan at mapahiya sa lahat ng taong kakilala nila o sa mga estranghero dumadaan lang sa harap nila kaya nga siguro ay tinatago na lang nila ang kanilang mga talento.
Kaya masasabi ko talaga na ang dami-dami ng TALENTONG IKINAKAHIYA." ANG NAPAKASIKAT NA MANOK NA PULA "
Sa sinaunang panahon pa lamang ay kilalang kilala na agad ang paligsahan o paglalaro gamit ang mga hayop.
Nagiging kasiyahan ito at pampalipas oras ng kabataan o matatanda noon, ngunit buhay na buhay parin ito at patuloy na ipanapatatag at ipinapasikat hanggang ngayon.
Ang iba sa mga halimbawa ng larong ito ay ang pagamit ng kabayo upang ipakarera at kumita ng pera, baboy na hinahabol upang makain nila sa piyesta at iba din ay may mga pinyata.
At ang hindi dapat kalimutan o iwala sa ating mga isipan ay ang SABUNGAN.
Isang larong ginagamitan ng mga napakabagsik, napakatapang, napakalakas at napakasakim na mga MANOK.
May matutulis na kuko, may matitigas na ulo, may matitibay na paa at may lumiliyab na mga mata.
Ang larong ito ay tungkol sa nakakalungkot na istorya ng dalawang mga manok na nagpapatagisan ng kanilang lakas at kahusayan sa depensa, nagpapamalas ng kakayahan, katapangan at nagpapatayan para mabuhay sapagkat kailangang may mawala sa kanilang dalawa upang may maitatanghal na panalo sa pagitan nila.
Ang manok na pulang ito ay napakahalaga. Sapagkat ang dami-dami na ng taong kanyang napasaya, napatawa at nakatulong upang magkapera.
Ngunit marami na rin ang nalungkot, nahinayang at nagalit dito dahil siguro'y natalo at nasayangan sa perang pinusta.
Nakaka-adik kasi ito, Nakakamangha rin pero ang higit sa lahat nakakaubos ito ng iyong salapi.Pero alam niyo bang kahit ayaw ng mga hayop ang kanilang ginagawa hindi nila maiwasan ang kapalarang magagamit o mapagsamantalahan talaga sila.
Sapagkat naging bahagi na rin ito ng ating kasaysayan at naging bahagi na rin ito ng kanilang pamumuhay.
At ito ang NAPAKASIKAT na kasaysayan ni MANOK na PULA.