" ANG AKING DALAGANG SI MARIA CLARA "Isang dalagang napakaganda sa aking paningin sobrang matulongin at napakabait pa.
Isang nilalalang kamangha-mangha sa mga mata , agad kang mahuhulog sa isa tingin lamang.
Sa isang sulyap ng kanyang makinis na mukha para kang nasa ulap, nakahiga na gaya ng dukha.
Sa kanyang mga tinging nakakaakit at nakakatunaw talagang ikaw ay masisilaw, mukha mo'y agad na umiinit at dahil sa kanyang pagiging marikit ay parati na lang may ngiting nakaguhit.
Hindi maintindihan ang nararamdaman na para bang may mga paruparo sa iyong tiyan.
Isang dalagang may busilak na ugali, may pagka illigante, mayroon ring klas at ginagamit nang tama ang kanyang oras.
Siya'y kakaiba, Siya'y nagpapasaya, Siya'y madaling ibigin, Siya'y mahirap hanapin at Siya'y mahirap maangkin.
May pambihirang ganda sa panglabas na anyo at may taglay ding ganda pagdating sa kanyang puso.
Siya'y nagbibigay buhay, may perpektong hubog ng katawan, sumasayaw na walang alinlangan at ang tinig niyang kay sarap talagang pakinggan.
Sa kanyang mahinhin na halakhak at amoy na para bang rosas na bulaklak. Siya'y nakakapagtibok ng puso, nakaka-adik sa isip, nakakatindig sa ating balahibo
Kaya nga siguro araw-araw ka nalang mahuhulog sa kanya.
Oh! Sinisinta ko
Oh! Aking binibini.
Oh! Aking Maria Clara."ANG PITONG LETRANG SALITA"
Oh! Pagsinta
Oh! Happy pill
Oh! Pasakit
May iba't-iba tayong paninidigan, paniniwala at pananaw sa buhay lalong lalo na sa pag-ibig.
Nasa ating mga desisyon kung paano natin panghahawakan ang ating lab layp.
Nasa sa iyo kung gusto mong maging masaya, gusto mo maging malaya at puro nalang ngiti at tuwa.
Ngunit ang iba ay nagtatago lang ng maskara, nagiging manhid na pala, hindi na talaga kinakaya kaya nga siguro minsan dinadaan na lang nila sa ngiti at tawa.
Oh! Pagmamahal
Ba't Nakakasakit?
Ba't Nakakalungkot?
Ba't Nakakamatay?
PAG-IBIG isa lamang salitang may pitong letra. Ngunit ba't ang dami-daming tao ang sumasaya at nasasaktan dahil dito, ba't ang dami-daming tao ang gustong magkaroon ng kalaguyo at ang iba naman ay napaka bitter dito.
Marami narin ang natatakot sumogal at masaktan muli ngunit ba't ang dami-dami paring nagpapatuloy, nagpapamartir at pinipilit ang sarili sa hindi naman karapat-dapat na lalaki.
Totoo namang may mga panahong sumasaya ka at mayroon ding isang napaka espesyal na tao na pinapasaya ka. Kasi nga kayo'y tunay na nagmamahalan, tunay na nagiibigan, tunay na para sa isa't isa at sapat na kayong dalawa para sa isa't isa.
Ngunit ba't may mga panahon paring puro nalang lang pag-iyak, pangungulila, sakit at puot ang iyong nadarama.
Sa kadahilanan bang may nahanap na siyang iba? may mahal na siyang iba? Hindi kana ba nag-iisa sa kanyang mga mata, baliwala na rin ba mo iyong presensya o nagsasawa na ba siya?.
Kay hirap at kay tagal talagang unawain o intindihin ang salitang pag-ibig.
Ano ba talaga ang totoo?
Ano ba talaga ang dapat naramdama mo?
Sagutin mo nga ako,
Para san ba tong pitong letrang na ito." ANG YUGTO NG AKING PAGKATAO "
Araw-araw ba ay naiisip mo ang mga katagang ito,
Ba't nandito ako? Ba't nabuhay pa ako? Ba't ba ganito? Ba't pa sa pamilyang ito?
Pamilyang walang pake at binabalewala ka lang, pamilyang puro mali lang ang nakikita sayo at sinasabihan kang walang alam o walang mudo at pamilyang hindi nakikita ang mga magaganda at mabubuti mong ginagawa.
Ikaw na lang palagi ang walang kuwenta at salot sa mga mata nila.
Kasalan ko bang naging ganito ako? Kasalanan ko bang naging manhid dahil narin dahil sa inyo? Kasalanan ko bang may pagkukulang kayo?
Patawad po, pasensya po at naging sagabal lang ako.
Ngunit ako parin ay masaya at nagpapasalamat sa Inyo.
Salamat sa pagpapalaki at pagpapa-aral sa akin. Salamat sa pagmamahal na hindi ko masyadong nararamdaman ngunit hindi ko na ito ipagpipilitan. Salamat sa pagpapahalaga na hindi niyo masyadong naipapakita Pero ako'y ayos lang talaga.
Salamat sa lahat ng sakit, puot at dusa. Kung hindi dahil sa inyo di ko malalaman ang dahilan kung bakit nabuhay pa ako.
Nabuhay ako para ipakita sa inyo na tanggap at mahalaga kayo kahit ang dami-dami ng pagkukulang niyo. Nabuhay ako para ayosin at baguhin ang maling pananaw na nakita niyo.
Nabuhay ako para tanggapin at mahalin ang kamalian nito.
At ito ang yugto ng buhay ko."ANG PAGDATING NG LIWANAG SA BUHAY KO"
Ang ilaw ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan natin sa ating buhay. Nagbibigay sigla ito sa kanya-kanyang bahay at nagpapakinang ng mga mata, nagbibigay din ng maayos na imahe ng daan at nagbibigay proteksyon patungo sa karimlan, nagbibigay din ng kadaliang makita ang lahat lahat ng bagay at nagbibigay ng kahalagahan at kamulatan sa tunay na anyo ng mundo at mga buhay.