When I was young lagi kong nakikita si mama na umiiyak. And I always asking Bakit?And then one day ang matagal ng tanong na paulit ulit na nagplaplay sa utak ko ay nasagot na. At the age of 14 nakita ko ang aking father na may kasamang iba.
At dun nagumpisa ang pagbabago ng aking mundo. Dahil sa pangyayaring iyon natakot ako. Ewan ko kung bakit siguro dahil nasasaktan din ako sa tuwing nakikitang umiiyak mama and ayaw kong maranasan ang ganung pangyayari.
"Athena.." Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon at sumalubong sa akin ang nakangiting si Bien.
Sinuklian ko siya ng isang matamis na ngiti.
"Hmmmm?" Sabi ko ng nasa harap ko na sya.
"Ahhhh... Gusto kitang ligawan."
"Huh? Bat naman ako" sabi ko na may kahalong ngiti saking mga labi.
"Kasi gusto kita and halos yung iba nating classmate sinasabi na gusto mo din ako the way you act kapag magkasama tayo"
Sabi ni Bien na siguradong sigurado sa bawat salita na kanyang binibitawan.
Hinawakan ko ang balikat ni bien dahilan kung bakit sya napatingin sa akin.
"Sorry Bien. Pero ganun talaga ako kung kumilos. Ang sweet diba? Sorry pero wala akong nararamdaman para sayo. I hope naintindihan mo. Bye! See you around Bien."
Sabi ko at iniwan na si bien.
Pang ilan na si bien sa mga nagbalak na manligaw sakin. And all of them laging ganun ang dahilan. And because of that some of my schoolmate ay pinangalanan akong "MISS PAASA"
Tinatawanan ko lamang sila. Mali bang maging Nice ako sa kanila? Is it my problem or talagang assuming sila.?
But some part of me saying na ganto pala minsan ang pakiramdam ng may binabasag kang puso or let say na may nasasaktan? Ganto ba ang nararamdaman ni papa nung mga panahon na sinaktan niya si mama.?
Lumipas ang ilang buwan at ganun padin ang nangyayari may nagbabalak parin na manligaw at aayawan ko. May mga pagkakataong nagpapakita ako ng paghanga sa isang tao at boom! Kinabukasan may gusto nadin siya sakin. Kaya feeling ko walang thrill kaya naman hindi tumatagal ang feelings ko para sa isang tao.
Kasalukuyan akong nakaupo at hinihintay ang aming teacher. Ng pumasok siya ay umayos ako ng pagkakaupo. May pinapasok siya tiningnan ko ang hamba ng pintuan at nakita ko ang pagpasok ng isang binata na.. Well good looking. May matangos na ilong, manipis at mapulang labi, ang kulay brown nitong mata at mahabang pilikmata.
"I'm Allan "
At pagkatapos niyang magpakilala ay pinaupo na siya ni maam sa likurang upuan.
Halos mabali naman ang mga leeg ng mga kaklase kong babae.Akala ko sa story lang nangyayari ang halos mabali ang leeg well pati rin pala sa reality.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ni mama just to check kung ok lang siya. Nakahinga ako ng maluwag ng nakitang mahimbing siyang natutulog. Its almost 6 months ng naghiwalay sila ni papa at sa loob ng ilang taong panloloko ni papa ay noong nakaraang anim na buwan nya palang naisip na makipaghiwalay. Pabor na din sakin yun dahil hindi na kailangan pang maglokohan pero sa tuwing nakikita ko si mama nagtatanong ako kung tama ba yung naiisip ko. Bakit parang ok lang kay mama na magsama sila ni Papa kahit na wala ng silbi. I mean bakit pang kailangang magsama ng dalawang tao kung nagkakasakitan lang din naman sila or bakit pinaghahawakan padin ng isa ang relasyon nila kahit na nasasaktan na sila?
Hindi ko maintindihan ang mga ganon na bagay at sa tingin ko ay kailanman hindi ko siya maiintindihan dahil ayokong maranasan..
Siguro mas ok na ngayon na tawagin akong paasa kaysa naman sa masaktan ako .
BINABASA MO ANG
UNFAITHFUL LOVE
RomancePaasa? Isa kaba sa kanila o isa ka sa mga Umaasa? ---------------------------------- Kung isa ka kanila halina't basahin ang aking story na UNFAITHFUL LOVE.