"NAWAWALA ID KO!" malungkot na sigaw ko pagkapasok ko ng room.
Katatapos lang ng lunch namin at nang pabalik na ako sa room ay doon ko lang napansin na nawawala ID ko.
May mga tumawa at sinabing ang tanga ko kaya napasimangot ako.
"Tingin mo, saan nawala?" tanong ng presidente namin, ang tanging taong matino sa klaseng ito.
"Sigurado akong dito lang sa campus, nakapasok naman ko kaninang umaga e at hindi pa ako lumalabas ng campus." sagot ko at napatango tango siya.
"E wala naman pa lang dapat ipag-alala. May flag retreat mamaya, siguradong may nagbalik non sa SSG office at i-aannounce 'yon mamaya." sabi nito kaya mas lalo akong sumimangot.
"'Yon ang problema e. Siguradong si Ryle mag-aannounce non." nakasimangot na sabi ko.
Si Ryle Sanchez. Grade eleven 'yon at siya ang SSG president ng school namin.
"O e ano naman? Ayaw mo bang banggitin ng crush mo ang pangalan mo?" nakangising tanong ni Lyka na inirapan ko.
At oo, crush ko din siya.
"Gusto pero..." napaiwas ako ng tingin.
"Tinakpan ko kasi ng papel yung surname ko dun tapos nakasulat yung surname ni Ryle doon." nahihiyang sabi ko at natahimik ang lahat.
"At may picture din sa likod ng ID niya si Ryle!" sigaw bigla ni Mika na siyang pinaka close ko kaya naman puro tudyo ng kaklase ko ang bumalot sa classroom namin.
"Harot pa!"
"Invited kami sa kasal a?"
"Ay sana all!"
"O tama na! At ikaw Judy, kaharutan mo 'yan kaya harapin mo. Lahat ay pupunta sa flag retreat mamaya, 'lahat'" may diing sabi ni Lino, ang presidente namin kaya napabuntong hininga ako.
"ANY ANNOUNCEMENTS teachers? SSG?" tanong ni sir Gomez na siyang may hawak ng microphone.
Tapos na ang flag retreat at ito na ang oras para pagbayaran ko ang kaharutan ko.
Nakita ko si Ryle na umakyat ng stage habang may hawak na mga IDs kaya napayuko ako.
Napapatingin saamin ang ibang sections na malapit saamin dahil panay ang mahinang halakhak nila.
"Calling the attention of the following student who lost their IDs." panimula nito.
Bakit ang ganda ng boses niya? Bakiiiiit?
Kalma Judy, may pagbabayaran pa ang kaharutan mo.
"Ben Roxas from grade nine Gumamela." basa nito sa ID na hawak.
"Lexi Ponce from grade seven Pechay." basa ulit nito sa sumunod na ID.
"Mia Keith Cruz from grade nine Santan."
Napayuko ako lalo nang makitang huling ID na ang hawak niya.
Please, sana hindi saakin 'yan.
Ilang minuto siya tumahimik kaya napaangat ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin.
"And calling the attention of my wife Judy Garate-Sanchez from grade ten Apple." sabi niya at sobrang bilis na ng tibok ng puso ko!
Bigla akong napayuko at isiniksik ang sarili ko sa mga kaklase ko pero tatawa tawa nila akong tinulak kaya hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa harapan.
"Huwag ka nang mahiya wifey. Akyat na dito." sabi niya.
Kahit nahihiya ay pinilit kong lakasan ang loob ko.
"Hoy Ryle! Tumigil ka't baka umasa ako! Bahala ka, sa oras na umasa ako, hinding hindi kita tatantanan!" sigaw ko at napangisi naman siya at hindi pinapansin ang bulungan.
"Edi umasa ka. Akyat na dito para makita ka ng lahat at walang lalake na magtangkang umaligid sa'yo." ngumiti siya bagl magsalita ulit.
"Kasi asawa kita."-
Credits: Doble Writes on Facebook
BINABASA MO ANG
RANDOM ONESHOTS
RandomOne shots of anything.... Some of the short stories are not mine.... Language:Tagalog/English/Taglish Credits to the rightful owners of some stories that are not mine....