REMAIN STANDING

959 24 1
                                    

Biglang pumasok yung teacher naming galit pag-nagtuturo, 'kala mo laging may kaaway.
Nilapag n'ya yung gamit n'ya sa desk bago mag-salita, "Asan na yung reporter? Hindi ba sinabi ko na ilagay na sa board kahit wala pa ako? Tsk, hindi talaga kayo nakikinig!" Sabi n'ya at pumunta sa likod.
Habang si Lee ay nag dikit na sa board, s'ya kasi mag rereport ngayon. Ginaganahan talaga ako pag yung crush ko yung nag re-report sa harap.
Nag simula na s'yang mag-salita habang ako nandito nakaupo nakatingin sakan'ya, nakatingin lang ako pero hindi ako nakikinig.
"Ang pogi n'ya talaga." Pabulong kong sabi.
"Meron akong idinikit na sticker dyan sa ilalim ng upuan n'yo at kung sino makakuha non s'ya ang sasagoot sa huling tanong ko." Saad ni Lee.
Tumingin ako sa ilalim ng upuan ko napangiwi ako nang may makita ako sticker sa ilalim nito.
"Tangina," sabi ko, kinuha ko ang sticker at tumayo, bakit ako pa?
"Winter, ano ang natutunon mo sa tinuto ko?" Tanong n'ya.
Napayuko ako, 'di ko alam sasagot ko. Dapat nakinig pala ako arrrghh!
Napangiti ako sa naisip ko, wala naman mawawala kung gagawin ko 'to diba? "Natutunan ko..." sabi ko at tumingin sakan'ya. "Natutunan ko na hindi ka pala nakakasawang tignan, nakakainlove pala.."
Nag-tiliian lahat ng kaklase ko, "Araling Panlipunan ang itinuturo ko hindi kalandian!" Sigaw ni mam at lunapit sakin at itinuto ako "Remain Standing!"
Tinignan ko si Lee, nakangiti ito habang nakatingin sakin, "Makakaupo kalang pag nasagot mo ang tanong ko." Sabi n'ya.
"Ano iyon?" Tanong ko.
Lumapit s'ya sakin hindi parin nawawala ang nakakalokong ngiti nya, "Pwede bang manligaw?" Lumakas ang tiliian sa room habang si mam naman ay tinignan kami ng masama, "Remain standing! Both of you!!"

Credits: ASTERIA

RANDOM ONESHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon