TALK

22 3 4
                                    

Nagising ako isang umaga na magaan ang pakiramdam. Tila ba subrang saya ng aking puso.

Napabaling ako sa aking tabi nang biglang sumiksik sa aking gilid ang taong katabi ko. Ipinatong pa niya ang kanyang mga kamay sa aking baywang. Napangiti ako. Ang kanyang bibig ay medyo nakabuka pa.

Pumikit ako ng ilang minuto bago bumangon. Pero akmang babangon ako ay mas lalong humihigpit ang kanyang yakap sa akin. Napairap ako sa kaartehan niya. Hinawakan ko ng maigi ang kanyang kamay at inalis sa pagkayakap at mabilis na bumangon.

"Gumising ka na. Alam ko nagtulog tulogan ka lang."

"Hmmmmm."

Napangiti ako nang may sumaging kalukuhan sa aking isipan. Pumasok ako sa banyo. Nilagyan ko ng kaunting tubig ang tabo at mabilis na lumabas. Dahan-dahan lang ang lakad ko at nang nakalapit na ay pinosisyon ko ang tabo sa ibabaw ng kanyang mukha. Pinatakan ko ng kunting tubig.

Napabalikwas siya ng bangon. Tawa ako nang tawa.

"Nakakainis ka kamo, Gabby." Lekramo niya.

Tawa pa rin ako ng tawa. Binato niya ako ng unan. Natamaan ang kamay ko na nakahawak sa tabong may tubig. Natapon tuloy ang tubig sa bedside table at nabasa ang flower paper doon.

"Oh my god Lyn!." 

Itinabi ko sa may gilid ang tabo at kinuha ang flower paper. Itinapat ko ito sa electric fan para matuyo.

"Sus, ang OA parang ang daming tubig ang natapon diyan sa paper flower mo noh?!"

Masama na ang tingin ko sa kanya. Inirapan naman niya ako. Binalik ko sa bedside table ang flower paper bago ko siya pinamewangan.

"Kung ikaw kaya ang buhusan ko ng kumukulong tubig."

"Harsh naman nito."

Inirapan ko siya sabay talikod. Sinauli ko ang tabo sa banyo. Naghilamos ako at nagtoothbrush bago lumabas.

"Gabby, crush mo na si Doc?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Come to think of it Gabby. Noon, si Kuya Stephen tapos si Clyde ngayon si Doc naman." Tumawa siya. "Ang dami mong lalaki!"

Hindi ako umimik at sumalpak nalang ng upo sa kama. Napabaling ang aking tingin sa flower paper.

Bigay iyon ni Doc Kyle sa akin. Kinulit niya ako ng kinulit para sabihin ko sa kanya kung saan ko nabili ang bulaklak na bigay ko sa kanya.

Humarap ako kay Lyn sabay irap.

"Naku si Gabby kay haba ng buhok!"

"Ang dami mo pong alam." Inis na saad ko sa kanya.

"Talaga! Eh, kailan mo dadalawin si Kuya?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi alam kung kailan ko siya madadalaw.

"Gabby, di mo ba namimiss si Kuya?"

Sasagot na sana ako sa kanyang tanong nang biglang nag-alarm ang aking cellphone. Kinuha ko ito at binasa ang reminders na nag-appear sa screen: CHRISTMAS PARTY.

"Lyn, aalis ako ngayon. Christmas Party sa company."

"Pero si Kuya?"

"Dadalawin ko din si Kuya pero hindi ngayon may lakad ako."

Bago pa man siya nakapagsalita ay tinalikuran ko na siya at pumasok sa banyo para maligo.

Pagkalipas ng ilang oras ay tinatahak ko na ang daan patungo sa apartment ni Jean. Doon kasi ang tagpuan naming apat sa araw na ito. Doon na din kami mag-aayos para sa party.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BROKEN PROMISESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon