Part 1

41 0 0
                                    

Ang istorya na ito ay tungkol sa isang babaeng mala-prinsesa ang katayuan sa buhay. Siya ay si Lyka Mhaze Cordova, isang mayaman, maganda, at matalinong babae. Siya ay isa sa mga babaeng masasabi mong perfect. Maganda ang lahat sa kanya maliban sa isa, ang ugali niya.

"Yayaaaaaaa!" agad na pumunta ang yaya niya sa kwarto niya. "Ano po yun mam?" sabi ni vhel. Hindi nagsasalita si Lyka habang nakatingin siya ng masama kay vhel. "Ano po yun mam? May problema po ba?" tanong ulit ni vhel. "Wala ng maraming tanong, you're fired!" sabi ni Lyka habang nakataas ng isang kilay at nakatingin ng masama kay vhel.

Umiiyak palabas ng kwarto si vhel. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya tinanggal sa trabaho ng amo niyang masama ang ugali. Pero wala na siyang magagawa, nangyari na ang kinatatakutan niya, ang mawalan ng trabaho.

"Hahaha! Uto-uto niloloko ko lang naman siya, umiyak agad? Hahahaha kawawa naman." sambit ni Lyka habang naglalaro sa ipad niya. Lumaki si Lyka na asa sa mga yaya niya. Lagi kasing wala ang mga magulang niya sa bahay dahil sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Weekends niya lng nakikita ang mga magulang niya. Oo, siya ay unica hija, kaya lahat ng gusto niya ay nagagawa at nakukuha niya. Inaabuso niya ang kabaitan ng magulang niya at ng mga tao sa paligid niya.

Sa school, "Hi Lyka!" bati ng mga kalalakihan kay Lyka sa tuwing makikita siya. Ngiting mapang-akit ang sinusukli niya sa mga kalalakihan. Alam niya sa sarili niya na siya ay maganda. Magandang maganda! At alam niya na nababaliw sakanya ang lahat ng mga kalalakihan sa school nila.

"Hi handsome~" pang-aakit niya sa boyfriend na kaibigan niyang si Chelsea. Ayaw niyang may boyfriend ang mga kaibigan niya, dahil gusto niya siya lang ang meron. Gusto niyang pag-agawan siya ng mga kalalakihan sa lugar nila.

*Pak!* Sinampal ni Chelsea si Lyka dahil sa pang-aakit nito sa boyfriend niyang si Dev. Alam ni Chelsea ang ugali ni Lyka, at alam niyang lahat ng gustuhin nito ay nakukuha niya. "Landiin mo na ang lahat, wag lang ang boyfriend ko!" sabi ni Chelsea kay Lyka. "

"Kahit boyfriend mo pa siya, kung mahal ka talaga niya hindi siya magpapalandi sa iba. *Humawak sa braso ni Dev* Mahal ka ba talaga ng boyfriend mo? Sa tingin ko kasi gusto niya ako."  sabi ni Lyka.

"Sabihin natin na gusto ka niya, pero mahal niya ako. Magkaiba yun." nakangiting sabi ni Chelsea sabay agaw sa boyfriend niya.

"Mahal ka niya? Bakit hindi mo siya tanungin?" sabi ni Lyka.

Tumingin si Chelsea kay Dev na parang nagtatanong. "Mahal kita." sabi ni Dev kay Chelsea. "At hindi kita gusto!" sabi ni Dev kay Lyka.

*Riiiiiiiiing* Tumunog ang bell. Oras na ng klase.

 Nakaupo sa upuan si Lyka habang nakatingin kay Dev. Nakikita ni Chelsea ang ginagawang yun ni Lyka, at alam ni Lyka yun kaya nginingitian niya si Chelsea pag nagkakasalubong ang mga mata nila. Irap ang isinusukli ni Chelsea sa bawat ngiti sakanya ni Lyka.

Habang kumakain sila Chelsea at Dev sa canteen, "Patabi ako ah?" sabi ni Lyka. Wala ng nagawa si Chelsea dahil nakaupo na si Lyka sa harap nila ni Dev. Panay parin ang tingin ni Lyka kay Dev habang kumakain, inaakit niya si Dev! At gagawin niya ang lahat maagaw lang si Dev kay Chelsea.

"Pwede ba tantanan mo na ang boyfriend ko. Marami pang iba diyan. Hindi ka mauubusan." Nakangiting sabi ni Chelsea kay Lyka. "Mauna na kami sayo, nawalan na kami ng ganang kumain." dagdag pa niya, sabay alis sa table kasama si Dev.

"Kahit ipagtabuyan mo pa ako, lalapit at lalapit parin ako kay Dev." sa isip ni Lyka habang nakangiti at tinitignan ang dalawa habang naglalakad palayo.

Desidido siyang gawin ang lahat para makuha si Dev, kahit na ang pagkakaibigan pa nila ni Chelsea ang maging kapalit. Mahalaga kay Chelsea ang pagkakaibigan nila dahil itinuring na siya nito bilang kapatid, pero para kay Lyka, okay lang kahit magalit sakanya si Chelsea. Hindi niya kasi ito itnuring bilang isang kaibigan. Pakitang-tao lang ang lahat para makuha niya si Dev.

------------------------------------------ ITUTULOY------------------------------------------

Magbabago pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon