"Nasaan ako?" sabi ni Lyka.
"Nasa clinic. Nahimatay ka kanina kaya dinala kita dito. Kamusta na ang pakiramdam mo?" sabi ni Dev.
"Aray, medyo masakit yung ulo ko." pag-aarte ni Lyka. Oo, umaarte lang siya. Ayaw niyang pumunta si Dev kila Chelsea. Paraan niya na din yun para mag-away yung dalawa. *Wapak!*
"Uhm, nagugutom ka ba?"
"Hindi naman. Masakit lang talaga ang ulo ko." sabi niya habang nakahawak sa ulo niya. "Nakausap mo na ba si Chelsea?" dagdag niya.
"Tinext ko na siya kanina. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, wala ding reply."
"Effective ang plano ko. Mukhang mag-aaway silang dalawa. Hehe." sabi sa isip ni Lyka. "Gusto ko ng umuwi. Teka tatawagan ko lang si Manong Rick para sunduin ako." dagdag niya.
"Hindi ko matawagan si Manong Rick, paano ako makakauwi nito? umiiyak na sabi ni Lyka.
"Ha? Hindi mo ba alam ang daan pauwi sa inyo?" sabi ni Dev.
"Hindi e. Paano yan? Hindi ako makakauwi ng mag-isa." umiiyak parin si Lyka.
"Osige, ihahatid nalang kita pauwi sa inyo. Gabi na rin, baka mapano ka pa sa daan."
Gusto ng magsaya ni Lyka dahil ayos ang plano niya. Habang nasa daan, natapilok si Lyka. Part ng pag-arte niya yun. *Ang arte* "Ouch! Ang sakit!" sabi ni Lyka.
Lumapit si Dev kay Lyka at isinampa niya ito sa likod niya. Tuwang tuwa naman si Lyka. Halos mamatay na sa kilig. *Oppa Landi Style!*
Naglalakad si Dev habang nakasampa si Lyka sa likod niya ng may biglang sumulpot na tao.
"Chelsea?!" sabi ni Dev.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------