Hayy buhay.. pasukan nanaman!
First day:
Umagang umaga pa lang excited na excited na si Yanna sa First day niya sa Notre.. well akala niya magiging super saya, di naman pala ganun kasaya.. Eto kasi ang nangyari..
Hinatid siya ng Mommy niya sa school kaso commute lang kasi ayaw magdrive ng Mommy niya.
"Yun! nakapasok na din! Hahanapin pa pala natin yung section ko Mommy." sabi ni Yanna.
"Oo nga, magsimula na tayong magtanung-tanong." sagot ng Mommy niya.
Naghanap sila hanggang makarating sila ng tinatawag nila na Students' Lounge sa Highschool.
At dun, may nakita silang nakalagay na First Year Sections kaya tinignan nila ito at hinanap kung saan nakalagay yung pangalan ni Yanna. Hanggang sa nakita ni Yanna na ang kanyang section ay sa Room 205- DMST: Rizal. Nagtanung-tanong ulit sila sa mga taong naglalakad kung saan yun. May nakakita sa kanila at sinabi,
"Ano po ang room ng anak niyo?"sabi ng babae.
"Room 205 DMST Rizal." sambit ng Mommy niya.
Tinuro ng babae ang room na iyon.
Nakita nila ang nakalagay sa itaas na bahagi ng pinto ng kwarto, nakalagay doon ay Room 205 Aguinaldo. Alam nilang hindi yun ang section ni Yanna kaya nag tanong ang Mommy niya sa guro na nasa loob kung nandun ang pangalan ng kanyang anak pero wala pala.
Sabi ng guro: "Baka po doon sa aming katabing room kasi yaan po ang Rizal."
"Ah, sige po." sagot ni Yanna at ng kanyang ina.
Naglakad sila ng kaunti papunta sa katabing room ng Aguinaldo. At doon ay nakita nila ang Room 204 Rizal.Kumatok ang Mommy niya at tinanong kung nandun ba ang pangalan ni Yanna De Castro.
Sabi ng guro: "Opo, nandito po."
"Hay salamat sa Diyos at nahanap na rin namin!" sambit ni Yanna habang papasok ng kwarto na nerbyosang nerbyosa.
Actually, late na siya nun eh kaya hindi nya nalaman ang ibang sinabi ng Adviser niya sakanila. Ang naabutan niya lang ay yung kung paano mag greet sa Adviser niyang si Ma'am Paragas.
"Ang pagbati ninyo sa akin ay hindi Good Morning o Good Afternoon, kundi ang sasabihin niyo lang ay "NAMASTE" habang nka arms prayer position at mag bbow tayo sa isa't isa.." sambit ng guro.
"NAMASTE" bati ng guro, "NAMASTE" sagot ng mga estudyante sa Rizal.
Mayamaya ay may tumunog..
CCCCCCCCRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGG!!!!!!!!!!
Malakas na tunog ng bell ng school at ang ibig sabihin ay break time na. Pinalabas na rin sila ng kanilang guro.
Bumaba si Yanna ng hagdan at may nakita siyang babae na nag-iisa na mukhang kaklase niya....
BINABASA MO ANG
First Year High. :)
Teen FictionIto ay tungkol sa isang babae na Matalino dati pero nung lumipat siya sa ibang school ay nag iba na siya. Lagi rin siyang binuBully ng mga kaklase niya pero wala siyang magawa. Ang kanyang pangalan ay: Yanna De Castro. ♥