🍁0003

10 2 0
                                    

Nandidito ako sa mall naglalakad lakad, wala akong magawa haaays.. nagulat ako ng biglang nag-vibrate yung cp ko kaya kinuha ko ito.

"Pusa! ginagawa mo?" hala ka si Aso, ka-RS ko..

"Nandidito po sa mall, naglalakad mag-isa" chat ko sa kanya.

"ah ikaw lang mag-isa? kawawa ka naman" pangaasar nya, ayan na naman sya.

"hoy Aso! wag mokong sinisimulan!" kagigil syaa.

"haha! teka baba ko muna, baka may mabangga ka pa." sabi nya kaso huli na.

May nabunggo na ako, muntikan pa akong mawalan ng balanse.

"Miss tumingin ka muna sa dinadaanan mo." sabi ng naka-bunggo ko.

"halaah, sorry po talagaa, diko sinasadyaa~" kasi naman eh.. huhu~

Inangat ko yung paningin ko. Nasa langit na yata ako, syemaay ang gwapoo!

"it's okay basta tumingin ka muna sa dinadaanan mo" pagkasabi nya nun naglakad na sya pa-alis kaya dali dali ko naman pinicturan yung likod nya.

Sinundan ko sya hanggang sa umupo sya sa may upuan sa food court kaya umupo narin ako malapit konti sa kanya.. chinat ko naman si Aso.

"Aso! nakakita ako ng gwapoo syeems!"

Nakita ko naman na nilabas ni gwapo yung cellphone nya.

"tsk, gwapo gwapo ka jan." hahaha selos si Aso.

"send ko sayo yung picture teka." tsaka ko sinend ung picture sa kanya.

Nagulat ako nung biglang lumingon ung gwapo sakin tapos ung mukha nya parang nag-tataka. Siguro nahalata nya koo~

"actually may nakita din akong maganda dito" lah? maganda daw, suus. baka mas maganda pa ako jan..

Napaangat ako ng tingin nang biglang may nag flash. Nakita ko yung gwapo na binaba ung Cellphone nya.

Bumalik ung tingin ko sa cp nang biglang tumunog.

"ito sya oh" tapos may sinend syang picture.

napatakip ako ng bibig.
"a-ako to aah!?" sabi ko sa sarili ko.

"oo ikaw nga yan" nagulat ako nang may nagsalita pag angat ko ng tingin yung gwapo.

"Ibig sabihin i-ikaw?" turo ko sa kanya.

"Hi pusa" sabi nya at tsaka kinindatan ako.

GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon