Yieun's POV
Pumasok na ako sa loob ng bahay kasi baka mahuli pa ako ni Suho. Grabe! Nakakatakot naman nung lalaking 'yun! May mamamatay? Sino? At sinong ka-grupo? Ano ba 'yan? Mas mahirap pa to sa physics eh?!
Oh well, papel, doorbell, pagpasok ko sa bahay, nagtatatakbo na ako papuntang dining. Mahirap na kung maubusan ng pagkain noh. Mabuti nga at pagdating ko dun may pagkain pa.
"Yieun nasaan na si Suho?" Biglang tanong ni Lay. 'Yan tuloy, nabilaukan ako. Na-trauma kasi ako sa narinig kong patay.
"Ah papasok na. Oh! Andyan na pala siya eh." Biglang umupo si Suho.
"Hyung sa'n ka galing?" Biglang tanong ni Sehun.
Akala ko ang sasabihin ni Suho ay 'bumili nga ng shave, diba?', pero iba ang sinagot niya,
"After this, proceed to my office." Halata sa boses nito ang command kumbaga. 'Yung parang tono ng isang kumadrona na sasabihin niyang,
"Saan ang lampin? Ibalot sa bata."
Hahahaha.... Alam kong ako lang ang natatawa. So 'yun, kumain na lang kami. Ni isa sa min walang nagsalita. Halatang takot kay Suho. Ito ngang katabi kong si Baekhyun, ang lungkot.
"Huwag kang mag-alala Baek, hindi pa guguho ang mundo. May tsansa ka pang humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan mo."
Bigla silang nagtawanan. Ba't kaya? Eh sadyang kawawa ang mukha ni Baekhyun eh! Haist! Bahala nga kayo.
Baekhyun's POV
Gung-gung talaga tong babaeng to. Ganito lang naman kami kasi alam naming may problema. Pero ang tanong, ano kaya 'yun?
--------------------------------------------------------- Sorry kung ngayon lang naka-update. Patawad. ^_^
BINABASA MO ANG
(HIATIUS) Breath (EXO Xiumin FanFiction)
FanfictionWe don't know if we were in love. It just happens in just one blink.