ITNOL: Beginning

1 0 0
                                    

°•°
I used to think one day we'd tell the story of us
How we met and the sparks flew instantly
People would say "they're the lucky ones"
           -Taylor Swift,Begin Again
                                                          °•°

"Adelina" nakaka-bulahaw na bungad saakin ni nanay.

Sanay na din naman ako sa sigaw nya
Sanay na din namang masaktan ang tenga ko. huwew!

"Kabagal-bagal, alas otso na Adelina magsasaing ka pa! Naku talagang batang to" sigaw nya pa ulet

Kaya ganyan si nanay dahil haha, nakahilata pa ako dito sa higaan kong matigas, sing tigas ng puso nya, di nya man lang maramdaman ang pagmamahal ko sakanya.

Churvakels.

Ang sarap naman kasi talagang matulog kapag malamig ang simoy ng hangin, lalo na't sa bukid kami nakatira, Hindi namin pag-aari ang lugar na tinitirhan namin ngayon, Property ito ni Don Edgardo Solomon Velasco, ang pinaka mayaman na Businessman sa lugar namin.

Trabahador nya ang mga magulang ko at ang Dalawa kong Kuya, parareho sila magsasaka.
Halos 15 years na din kaming nagsisilbi sa pamilya Velasco.
Sabihin na nating mataas sila magpasweldo ngunit hindi ito nagiging sapat dahil Sampo kaming magkakapatid At 8 kaming nagaaral.
May sarili na ding pamilya ang dalwa kong kuya na may tig 5 anak.

Ang sipag nila di ba!

Sabado ngayon at kailangan kong tumulong sa mga gawaing bahay.
Nakapag saing na din ako gaya nang utos ni Nanay.
Ako lang din mag-isa dito, lahat sila nasa Bukid.

At bukas luluwas nanaman ako nang maynila para mag-aral.
Im a 4th year college and im taking BS Tourism management.

Gusto sana nila Nanay na mag Teacher ako, pero no way high way, i hate junakis ayoko sa mga bata.

Kaya hindi ako malapit sa mga kapatid at Pamangkin kong bagets pa dahil ayoko talaga sa mga bata.

Ewan ko ba!

"Magandang Umaga adelina"

Anak ng tokneneng naman oh! Uso naman sanang kumatok sa pinto.

Buti nalang ang gwapo mo Luis.

Si Luis Vergara ang kababata ko, di na sya nag aaral ngayon dahil sya muna ang nag-tatrabaho para sa pamilya nya.
Ang gwapo na nga ang sipag pa

Hayyys!! Ideal man baby!

"O-oh Luis ikaw pala, m-magandang u-umaga"

Naku naku! Nauutal ka nanaman Adel

Wag papahalata mygad! cassie

"May ibibigay ako sayo Adelina"
Ani ni luis na nakatayo pa sa labas, dahil hindi ko pa pinapapasok.
"Hmmm..Hindi mo ba ako papapasukin  Adelina?"Tanong pa nya..
Di ko naman namamalayan na nakakanganga na ako na parang tanga dahil jusmeyu marimar naka topless sya mga paaarrrr!!!kitang kita ko ang nanggigigil nyang 6pack abs
"Huy!" natauhan naman ako nang bigla nyang pinukpok ang pinto na katabi nya.

" A-Ah oo p-pasok ka, ano ba yang ibibigay mo?"

"Naku! Adelina matutunaw na sana ako kanina, ikaw kase grabe makatitig, muntik na ngang tumulo laway mo."
Durediretso nyang sabi, Huwat??!!! sobrang halata pala, nakakahiya ka self.
Napa face palm nalang ako dahil sa kahihiyan, baka iniisip nya pinagnanasaan ko sya.

"O eto Bilo-bilo ako ang nagluto nyan, sana magustuhan mo" sabay bigay nya saakin ng isang Tupperware na malaki.
At inilagay ko sa Mesa namin, Pareho kaming naka upo ngayon sa may hapag!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IN THE NAME OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon