Sbm

28 0 0
                                    

Sabi mo mahal mo ko.

Sabi mo seryoso ka.

Sabi mo ako lang.

Sabi mo hindi mo ko iiwan.

Sabi mo hindi mo ko ipagpapalit.

Sabi mo ayaw mo ko saktan.

Sabi mo wala kang iba.

Sabi mo hihintayin mo ako.

Sabi mo someday mamemeet mo sila..

Sabi mo proud ka.

Sabi mo sakin ka lang.

At sabi mo ako ang LAST mo.

 Lahat yan sinabi mo at lahat yan pinaniwalaan ko. Tama nga yung bestfriend ko sa una lang magalin. Pero kapag nakuha kana, WALA NA. Pero bakit isang araw nagbago ang lahat? Parang hindi na ikaw yung kilala ko. Nagbago ka. Hindi ko alam kung bakit. Pero bakit lahat yan hindi natupad? Naghanap ka na ng iba? Nabored kaba? Kasi paulit ulit na lang. Sana naman sinabi mo agad sakin. Nagsawa ka? Pinagpalit mo ko? Pinaglaruan mo ko? Tol, sana nung una palang sinabi mo ng laro lang to. Edi sana hindi ko sineryoso. Tanga ko ba? Oo. Tanga ko, naniwala agad ako sa sinabi mo. Napaka laki kong tanga bakit naniwala ako sa mga sinabi mo. 

Hindi ka makamove on kaya ako ginamit mo? Nirebound mo ko? Tol, sakit non. Kung alam mo lang. Ang dami kong gustong itanong sayo pero hindi ko matanong. Nanatili na lang akong tahimik na parang wala lang sa tabi at diko tinanong sayo. Bakit? Para saan pa ang pagtatanong ko kung puro kasinungalingan na lang ang sasagot mo. Gusto kong sabihin sayo na "Ang sakit sakit" pero naisip ko wag na. Wala ka namang paki e. At kahit kailan hindi ka ata nagkapake.

Gusto mo ng sumuko? Ayaw mo na? Pero bakit hindi mo sinasabi sakin? Tinanong kita kung ayaw mo na pero bakit dinepende mo yung isasagot ko sa sagot mo? Kung gusto mo ng sumuko bitaw na. Wala naman akong magagawa e. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo sa dami ng dahilan mo. Kesyo aalis ka, kesyo may sakit ka. Tss palusot mo po? :) di uubra sakin yan tol. Dahil alam kong sinabi mo lang yon para hindi mo na ko makausap. Ayos ka ah? Astig yan tol. :)

Tinanong kita kung hindi mo na ko mahal, sagot mo mahal mo padin ako. Tangnanay! Mahal pa ba yon? Ni hindi ko na nga maramdaman e. Hahaha! Ang manhid ko ba? Di rin. Hindi ko lang talaga maramdaman na mahal mo pa ko. Siguro kaya ayaw mong ikaw ang sumuko dahil ayaw mong makita sakin na sinaktan moko. Siguro hinihintay mo nalang akong isuko ka. Dapat nga hindi kita isusuko. Ipaglalaban ko pa kung ano ang meron. Pero sige nga, paano ko ipaglalaban kung ikaw suko na? Bumitaw na? Diba? Kaya mas pinili kong ako na lang ang bumitaw.

Pero bakit... bakit ganon? Parang wala lang sayo ang lahat. Kung makipagusap ka sa iba ang saya saya mo. Hindi ka apektado. Pero ako, eto nagluluksa at nasasaktan. Hindi mo ba alam na sobrang sakit? Dahil ako umiiyak dito pero ikaw ang saya saya mo pa. Wala pa tayo sa kalagitnaan pero suko at sawa kana.

Pero bakit... bakit ang hirap mong kalimutan?

Pero bakit... bakit ganon? :( ang sakit sakit parin.

Gusto kong sabihin talaga sayo na nasasaktan ako. At nasaktan moko. Pero hello? Wala ka palang pake.

Kung dyan ka masaya go. Suportado kita. Naalala mo? Nung pinakawalan kita sabi ko sayo "maging masaya ka sana sa... iba" sabi mo sakin nun "e wala namang iba" HAHAHAHAHA. Havey yang joke mo ah? Wala daw? Tss. Wag ako. Iba nalang. :)

Kaya ngayon mas pinili kong balik sa dati na walang iniisip. Walang pinoproblema. Wala. As in WALA. Kaya ikaw? Ingat na lang sayo. Hindi ako gaganti. Masama kasi yon diba? God bless nalang sayo. Bahala na si God at ang karma sayo. Ingat tol! Karma is everywhere... :)

Sabi mo..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon