Tama Pala Sila (One-Shot)

62 3 0
                                    

(A/N): One shot story po ito na inspired ng mga kaibigan ko at dahil na rin po sa malawak na imahinasyon ko maraming salamat rin po sa mga nagbasa ng story ko na 'You're just a Dream' asahan nyo po na lalo ko pang bagbubutihin ang pagsusulat para sa inyo. Sa huli maraming salamat parin 

Matagal akong naghintay, Halos sumuko na ako. Pero mabuti lang pala na tiniis ko, kasi magbubunga rin naman pala

-Aryanne Geronimo 

Isang araw nanaman ito. Ang sabi nila maraming pwedeng mangyari sa isang araw, Naniniwala ba kayo dun? Ako kasi 50/50. 50% na paniniwala, 50% na hindi.

Pero naramdaman nyo na ba na umasa? Ang sumuko? kung ako sa inyo wag nyo nang pangarapin na maramdaman yun.

Kasi masakit. Ang umasa na mamahalin ka nya, ngunit sa huli ay susuko ka rin pala.

Matagal na nilang sinasabi na may gusto si Anthony saakin pero hindi ako naniniwala kasi imposible sobrang imposible.

Minsan naniniwala nalang ako, pilit na pinapaasa ang sarili ko.

Kaso andun parin ang pakiramdam ko na may mahal syang iba. Iba hindi ko.

Actually ito na ang last day of school, last day na rin na makikita ko si Anthony. Nakatayo ako ngayon sa balcony ng school. Iniisip ko pa rin ang mga sinabi nila at sinabi nya rin.

''inisip mo ba man lang kung may nararamdaman sya para sa iyo? Malay mo ikaw pala ang manhid sa inyong dalawa"

 Tanda ko pa ang bawat salita na binitawan sa akin ni Honey. Matagal ko yung pinagisipan 2 araw akong hindi nakatulog dahil doon pero naisip ko rin na gusto nya lang akong bigyan ng pag-asa dahil kaibigan ko sya.

May narinig naman akong footsteps waring papunta sa akin lumingon ako para makita na si Anthony pala iyon, tumayo sya sa tabi ko.

There is a moment of silence, but suddenly he spoke "Anong mararamdaman mo kung may tao palang matagal nang nagtatago ng sikretong mahalaga sayo?" tanong nya.

"Syempre di ko naman mapipigilan ang magalit, pero kung tama naman at may dahilan naman kung bakit nya tinago yun saakin tatanggapin ko nalang" sagot ko habang nakatingin sa kanya.

Tumingin sya saakin at nagsalita "Aryanne........may sasabihin ako sayo" Sabi nya, halata sa boses ang kaba, pero ano naman ang dahilan para kabahan sya? di bale nalang.

"Ano yun?" sabi ko naman 

"Matagal ko nang tinago to sayo, hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako pero okay lang saakin kung hindi,..........Aryanne.."

"Ano ba yun? sige na sabihin mo na 

"Aryanne.....Mahal kita..Mahal na Mahal kita, M-Matagal ko na tong nararamdaman pero ngayon ko lang nasabi, Hindi ko kasi kayang itago yung nararamdaman ko. Namimiss kita pero hindi ko masabi kaya ngayon andito ako sa harapan mo at sinasabi ko na sayo ang tunay na nararamdaman ko Mahal kita, Mahal na Mahal"

Natulala ako sa sinabi nya, nabingi akong bigla wala akong ibang marinig kundi ang kabog ng puso ko *Dug-Dug* *Dug-Dug* *Dug-Dug* at bigla kong naalala ang sinabi ni Honey Tama pala sila.


"Tanggap kita Anthony kasi......Mahal rin kita Mahal na Mahal"

_____________________________________________________________________________OK so ayan na po sana po na enjoy nyo ang story ko thank you po hanggang sa muli!!

Special thanks kay PandaxUnnie (Allysa Melo) for making the book cover :D Maraming salamat po ulit!

Tama Pala Sila (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon