That X-box Encounter

63 2 9
                                    

"Pare, tara cutting tayo." Ayan na naman ang isa sa kabarkada kong si Joshua, kung alam ko lang ang gusto lang niyan ay ang mambabae sa mga mall. Halos araw-araw na nga lang kaming gumagala, wala talagang kasawaan. 

"Oo nga dre, cutting na lang tayo, wala na rin namang ituturo sa atin ngayon eh." Isa pa itong si Gerome na ginatungan pa ang trip ni Joshua. Paano ko nga ba naging kabarkada ang dalawang ito eh ang layo ng mga hilig namin. Ako mahilig sa kanta, sila mahilig sa sayaw. 

Ako stick to one. Sila kabi-kabilaan ang mga babae. 

Ako mas gusto ko pa sa school kesa sa labas, tapos sila mas gusto nila na pumupunta sa mall at makipagkilala sa iba't ibang tao (lalo na sa mga babae) sa labas. 

"Hoy! Ako, tigil-tigilan ninyo ha. Malapit na tayo grumaduate tapos ang iniisip niyo puro gala pa rin. Wala ba kayong plano sa mga buhay niyo?" napilitan na lang akong sumagot kasi ang kulit na naman nila. Parang kahapon lang nasa Fiesta mall kami. Anong napala ko? Puro gastos. Paano ba naman kasi, gustong gumala wala namang pera. Ang ending ng istorya, ayun ako din ang nagbayad sa mga kinain namin sa fastfood. 

"Oy, Jessa nga oh, tingnan mo itong pinsan mo." Tss, akala naman nila uubra yan sa akin. 

"Oh? Titingnan lang naman pala eh. Ayan tapos na." Napatawa na lang ako sa ginawa ng pinsan kong si Jessa. Akala ko mamimilit rin pero talagang tiningnan lang ako. 

"Jessa babes naman." Hanep talaga tong si Joshua na ito. Pati pinsan ko hindi papalampasin. 

"Hoy, Andre, sumama ka na nga jan sa mga barkada mo." Ayan nabwisit na si Jessa, gusto din naman niyan sumama. 

"Sino ba may sabi na barkada ko yan?" pambabara ko sa kanila. 

"Sige na , sumama ka na, tapos sasama rin kami ng bffs ko." Sabi na nga ba trip din nitong sumama kunwari pang ayaw. 

"Gaille, Teresa, Dimple, narinig niyo yun? Sasama daw kayo sa amin." Nandamay pa, at ano pa nga ba ang magagawa ko, napagkaisahan na naman ako ng mga kaibigan ko. 

Matapos ang ilang minuto ng pamimilit nila sa akin ay nakita ko na lamang ang sarili kong naglalakad papunta sa Super Mall. 

"Yes! First Time kong magSM kasama ang ganito kadaming tao." Parang batang sabi ni Gerome. 

"Ang kapal mo naman, feelers ka parang nung isang araw mas marami ka pang kasama at alam kong dito ka pumunta." Barado si Gerome ni Kim Ronel. 

Masaya ang may barkada pero ang kulit nila. Pramis! 

Una kaming pumunta sa grocery. Ang saya. Buti na lang may pera na silang dala ngayon, hindi ko na sila kailangan pang ilibre. 

Minsan ako na lang nahihiya para sa kanila. Ang iingay. Parang sila na lang ang tao dito. Pinagtitinginan na lang kami ng mga tao dito sa loob ng SM. Iniwan muna namin ang mga pinamili namin sa baggage counter ng mall. Dahil matapos ang napakaraming paligoy-ligoy ang last stop namin ay ang World of Fun. 

Walang pag-aatubiling dumiretso kami sa papalitan ng token at bumili ng tig-bebenteng token. 

Matapos nun, nagkanya-kanya na kami ng pwesto sa mga paborito naming parte ng WOF. Merong nagbabasketball, may nagda-Dance Revo, at may nagpi-pinball. 

At natural na rin namang ako lang ang tanging nasa Videoke. Kumanta ako ng kumanta hanggang sa may isang token na lang ang natira sa akin. Paglingon ko sa paligid ko, parang bumalik ang hiya ko sa katawan nung makita kong marami ng tao ang nanonood sa akin. 

"Makikiraan po." Sabi ko habang nakayuko at dahan-dahang lumalayo sa kumpulan ng tao. 

"Pare, palaro nga rin." Sabi ko sabay dampot ng bola at shoot sa ring na gumagalaw. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That X-box EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon