KASAMA

11 0 0
                                    

Sa aking pag-iisa at paghahanap

Natagpuan ko'y mga kaibigang ganap

Mahilig sa anime at sa musika

Yan ang simple at makulit kong barkada

Magkakaiba man ang pinanggalingan

Magkakapamilya pa rin ang turingan

Sa akin ay parating umaalalay

Sa bawat hakbang  at desisyon sa buhay

Maulan man o maaraw ang umaga

May ngiti sa labing mangangamusta

Sila'y kakulitan sa mga kasiyahan

At sila'y karamay sa mga kalungkutan

Kaya't salamat aking mga kaibigan

Kayo ay aking mga tunay na kayamanan

Ang tangi ko sa inyong maiaalay

Pagmamahal habang ako'y nabubuhay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KASAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon