One

3 0 3
                                    

Author's note :

Lahat ng pangalan ng karakter, lugar, kumpanya, at unibersidad ay pawang kathang-isip lamang. Kung ano man ang pagkakahalintulad ng pangalan ng karakter, lugar, kumpanya, at unibersidad ay di sinasadya at nagkataon lamang...

Please follow me on:
Instagram: im_daniellecastillo
Tiktok:@Danielle

Add me on:Facebook
Frans Danielle R. Castillo

Kung gusto n'yong magpa-shout out, just comment down below. And if there's grammatical errors, wrong typos feel free to correct me. Para mai-ayos ko.

The Beginning

Milady POV

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko, and it's 5:20am

Agad akong dumiretso sa banyo, at nag-ayos since may pasok ngayon

Matapos nun ay agad akong bumaba at saktong nakita ko si mama sa kusina

"ma,alis na po ako. Di na po ako kakain, baka po sa school na lang. Bye, labyou!" sambit ko at agad na kinuha ang aking bag at tumungo sa pintuan

"bye, love you too. Mag-iingat ka." ani mama

"opo." sagot ko naman, at agad nang umalis.

School...

Nakarating na ako sa eskwelahan, at nakita ko na din ang kaibigan ko'ng si Veronica

"uy, 'nget! Kanina pa dito?" tanong ko.

"hindi noh, kakarating ko lang." sagot naman n'ya.

"ah, okay. Tara na, male-late pa tayo n'yan." anyaya ko at agad na kaming tumungo sa classroom namin.

Kasalukuyan kaming nag-aaral ngayon sa San Alfonso National University...

Papunta na kami sa classroom namin, nang may bumunggo sa akin, na di ko kilala kung sino ma'ng hinayupak iyon.

"aray!" sigaw ko nang matumba ako.

Tinulungan naman ako ni Veronica na tumayo, at napansin ko din na tumayo din yung nakabunggo sa akin

Lalaki sya, maputi, matangkad... Gwapo, ampota...

"watch where you're going!" sigaw nya.

Huwaw, ingglisero ang gago...

"eh tanga ka pala eh! Ikaw na nga itong di nakatingin sa dinadaanan, ako pa talaga itong sisisihin mo?!" pabalik kong sigaw. At kumunot naman ang noo nya.

"i can't understand you." yun lamang ang isinagot nya.

"well, that's none of my business." sagot ko, at hinila ko si Veronica para makarating na sa classroom...

________________

Nakarating na kami sa classroom, at maaga pa pala dahil wala pa yung lecturer namin.

Nag-kwentuhan muna kami ni Veronica nang may kumatok sa pinto ng classroom, at ang principal pala iyon

Agad kaming tumayo lahat, at binati sya, ganun din ang kaniyang ginawa at pinaupo na kami

"so, you have a new classmate in your class. Please come in." sambit ng principal habang nakatuon ang atensyon sa pintuan

Maya maya lamang ay may pumasok sa classroom. At iyon na lamang ang ikinagulat ko

S-Sya yung lalaki kanina....

At ngayon ay nasa gitna na sya. At saktong tumama ang mata namin sa isa't isa.

Pangakong Sa Iba TinupadWhere stories live. Discover now