Dedicated to her. Sa kanya ako na-inspired gumawa ng Mystery/Thriller story.
---
Chapter 1
Bakit?
'Yan ang tanong nina Blur, Kyle, Nathan, Yurie, Red, Angelo, Maxine, Megumi, Shin at Ash sa kanilang mga sarili.
"Kuya, anong meron?" takang tanong ni Blur sa kapatid niyang si Nathan. Kambal sila pero mas naunang ipinanganak si Nathan.
"Ewan ko. Siguro may sorpresa sa room mamaya kaya ganyan sila." sagot niya.
"Hmmm. Baka nga."
Pagdating nila sa room, tama nga si Nathan. May isang sorpresang naghihintay sa kanilang sampu. Ang sorpresa? May kumuha raw sa kaklase nilang si Kylie.
"ANO?!" sabay-sabay nilang tanong.
"Lumaban lang kami sa interschool competition tapos eto ang paraan ng pagbati niyo dahil nanalo kami? Wow!" galit na sabi ni Kyle.
Kahapon lamang, lumaban silang sampu sa isang interschool competition. Sila ang Top 10 sa buong eskuwelahan kaya sila ang inilaban. Sa kabutihang palad, nanalo silang lahat.
"Sorry. Lumabas lang kaming lahat saglit. Sabi kasi ni Kylie, ayos lang siya dito kaya iniwanan na namin. 'Di naman namin alam na mawawala siya. Sorry talaga, Kyle." nakayukong sabi ni Rima. Secretary ng section nila.
"Sorry?! Maibabalik ba niyan si Kylie?!" sigaw naman ni Angelo.
Kylie Martinez. Siya ang kapatid ni Kyle Martinez. Tahimik sa klase, mabait at masunurin. Sinong mag-aakala na may kukuha sa kanya?
"Alam ba 'to ng principal?" tanong ni Kyle. Umiling ang mga kaklase nila.
"Pero sa pagkakaalam ko, lahat ng estudyante sa eskuwelahang ito ay alam ang nangyari. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pa nakararating sa principal." sabi naman ni Nashana.
'Kaya pala. Kaya pala hindi kami binati kanina.' sabi ni Shin sa isip niya.
"Good morning class." natigil ang pag-uusap nila dahil dumating na ang adviser nila. Nagsiupo sila.
"Good morning din Ma'am." sagot nila.
"Nandito na pala ang mga nanalo sa interschool competition. Did you congratulate them already?"
"No."
"Ahh. I see. So.. For the ten students that won yesterday, in behalf of Section Eleven, congratulations. Let's all clap our hands." sabi ng guro. Nagpalakpakan naman sila.
"Nasaan nga pala si Ms. Martinez?" tanong pa nito. Tumigil ang palakpakan.
'Huh? Kahit mga guro hindi alam ang nangyari? Bakit mga estudyante lang?' tanong ni Red sa sarili.
"Umm.. Ma'am.. Nawawala po kasi siya." sagot ni Nyder. Presidente ng section nila.
"What? Nawawala? Are you kidding me? Nandito pa siya kahapon diba?" hindi makapaniwalang sabi ng guro nila.
"Opo. Pero nung umalis kami para magpahangin saglit sa labas, nagpaiwan siya. Pumayag kami. Pagbalik namin, wala na siya." malungkot na sabi ni Chrome.
There was a moment of silence.
Dati, 45 na estudyante ang kabilang sa Section Eleven. Ngayon, 44 nalang. Nawala kasi si Kylie.
"Kailangang malaman 'to ng iba pang mga guro at estudyante. Sige na. Free time kayo." tapos nagmamadaling umalis si Ms. Pon. Dati, naghihiyawan sila kapag free time. Pero iba na ngayon. Seryoso silang lahat. Lalong-lalo na si Kyle. Syempre naman. Sinong tao ang matatawa kung nawawala ang kapatid niya?
"Ah! Oo nga pala!" biglang sigaw ni Icy. Muse ng section nila. "Natagpuan ko 'to kahapon sa may upuan ni Bez. Clues ata kung saan siya dadalhin. Sa tingin ko, alam na niyang may kukuha sa kanya. Eto oh, Kyle."
Si Icy ay long time bestfriend ni Kylie. Lahat ng sikreto nito, alam ni Icy.
Kinuha naman ni Kyle ang isang malaking notebook. Binuksan niya ito at sumalubong sa kanya ang isang sulat na nakalagay sa envelope. Binuksan niya ito at binasa. Sinulat ito gamit ang isang pulang ballpen.
Can you find her? Are you ready to risk your life just for her?
-SN
P.S. Find her. Before it's too late.
"Oh my gosh! Sino ba ang kukuha sa kanya? Kyle! Paano kung mahuli na nga ang lahat?" natatarantang sabi ni Maxine.
"No. She left clues. Mukhang tama si Icy. Nakaramdam siya na may kukuha sa kanya. We need to find her. We need to find my sister." seryosong sabi ni Kyle habang binubuklat ang notebook na iniwan ni Kylie ayon kay Icy.
"Time?" pagbasa ni Blur sa unang clue. 'Yun ang nakalagay sa first page ng notebook.
"Time? Anong time? Binura kasi yung first word eh!" saad ni Yurie.
"Guys. Pwede bang bukas nalang? Tutal, wala namang pasok. Mas mabuti 'yun. So ano?" suhestiyon ni Megumi.
"Sige." pagsang-ayon nilang lahat.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
=====
Chapter Dedication: @Onneechan
=====
K/N: (Klein's Note)
Maiksi lang bawat chapters. Hahaha. First time kasi magsulat ng ganitong genre.
And... Yay! Ongoing na siya! *clap*
>Klein
P.S. I can't stop myself from posting this T.T
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
A/N: (Additional Note)
POV that is going to be used: THIRD PERSON'S POV
Genre(s): MYSTERY/THRILLER (Main Genre) HORROR (Other Genre) & TEEN FICTION (Additional Genre)
BINABASA MO ANG
Missing
Mystery / ThrillerOngoing. » "Can you find her? Are you ready to risk your life just for her?" Book cover by: @Invalidanj