54. | Mika's

488 37 7
                                    

_

Mika's

Nagtuturo parin yung teacher namin sa English. Last subject naman na namin sa kanya at hanggang 4:30 kami, 10 minutes nalang tapos na ang klase. Nakakainis lang kasi sa tuwing may klase kami sa kanya palagi nalang niya sinasakto sa 4:30. Nakakarelate rin ba kayo doon?

Maya maya tingin ako sa relo at palihim ko naman tinitignan si Jungmo ayun buti pa siya kinig na kinig siya sa teacher namin, sipag talaga.

Pagkatapos ng klase sa wakas tapos narin. Bigla ko naman naalala yung chinat niya sa akin na gusto niya ako kausapin after class. Ano naman kaya sasabihin niya sa akin? Mukhang importante pa naman hays kinakabahan naman ako.

"Mika?" Tinignan ko naman siya na nakatingin rin siya sa akin at suot na niya yung bag niya, ay oo nga pala yung gamit ko.

"Teka lang ayusin ko lang yung gamit ko" sabi ko at dali dali ko naman nilagay nga gamit ko sa bag at tsaka ko na sinuot sabay sabi na...

"Tara na"

Dinala niya ako dito sa may playground malapit dito sa bahay. Bakit naman niya ako dinala dito?! Eto tag isa kami sa swing, literal na nakaupo lang kami doon. Ano ba gagawin namin dito? Gusto niya ba manghuli ng lamok?

Kanina ko pa pinagmamasdan yung kalangitan na makikita mo yung mga bituin na nag liliwanag pero ang tahimik parin ng katabi ko ngayon kaya naman naisip ko na ako na mauunang kakausap sa kanya.

"Jungmo, ano ginagawa natin dito? Gusto mo ba ng pet like insects? hindi mo naman kailangan ng lamok ah." Sabi ko pero wala parin ako naririnig na imik galing sa kanya.

"Alam mo-" napatigil nalang ako nang nakita ko siyang umiiyak. Tngina ba't ngayon ko lang napansin? Ay malamang mika ngayon mo lang siya tinignan eh.

Tumayo naman ako at pumunta sa harap niya...

"Jungmo? Bakit?"

"Akala ko madali lang sabihin ito, pero ang hirap pala lalo na sa harap pa ng taong importante sa akin." Nakaramdam naman ako ng kaba nung sinabi niya yan sa akin bakit? may iba na ba agad siyang mahal? naconfuse lang ba siya? o kaya joke lang ba yung pag amin niya?

"Bakit Jungmo? Ano ba yun? Sabihin mo na sa akin. Please lang."

_

Clean | Koo JungmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon