A Day

280 21 5
                                    

"We can do no great things, only small things with great love."

                                                                              -Mother Teresa

April 29, Monday, 8:00 am

"Dahan-dahan baka madulas ka." sabi ni Mommy sa akin. Napatawa naman ako sa kanya.

"Mommy, hawak mo ako, for sure masasalo mo agad ako, Super Woman kaya kita." sabi ko sa kanya, tinawanan din naman niya ako. Tapos inupo niya ako dahan-dahan sa hospital bed ko. Kailangan lahat ng galaw marahan, kailangan lahat ng galaw maingat dahil isang bagsak ko lang baka morgue na agad hantungan ko. 

They thought, I am fragile kaya inaalagaan nila akong mabuti, but they didn't know that I am broken inside. Ironic.

"Wala bang masakit sayo?" tanong ulit ni Mommy, habang nagbabalat ng apple. Habang ako, eto hinihintay siya.

"Lahat naman masakit My, nakakapagod na nga eh." sabi ko sa kanya. Although hindi ako nakatingin sa kanya, ramdam ko yung pag buntong hininga niya. 

"Gia..." sabi niya, but I just smile at her. At iniba yung topic.

"Ano nga pala day ngayon Mameh?" dami kong tawag kay Madir ko no? 

"April 29, shobe." sabi niya ng nakangiti. Anong meron? 

Oh. 

Birthday pala ngayon ni Renzo.

Si Renzo?

Siya yung pangarap ko, pangarap ko ng mahigit ng tatlong taon, pangarap kong hanggang tingin na lang, pangarap kong nagkasakit na ako't lahat hindi ko pa rin makamit. Sakit no? Pero parang wala na rin, parang immune na ako sa lahat ng karayom na naka tusok sa akin, parang namanhid na yung katawan ko. 

8:15 am

"Shobe, alis muna ako sandali ah. May bibilin lang ako." sabi ni Mommy. Tumango na lang ako, tas nag smile siya at lumabas na pero pumasok din ulit. Mas malawak na yung ngiti niya.

"Shobe, may bisita ka." sabi niya, nagtaka naman ako. Ang aga pa ah. 

"Sino, My?" tanong ko. Binuksan naman ni Mommy yung pinto at pumasok si ano.

Si Renzo.

May dala siyang basket ng prutas. At isang napakatamis na ngiti. Mamatay na ba ako? 

"Sige na, ikaw na bahala sa kanya ah." sabi ni Mommy sabay tap sa braso ni Renzo. Ngumiti naman si Renzo at nag smile kay Mommy.

"Opo." sabi niya. Nginitian naman ako ni Mommy bago tuluyang lumabas. 

Okay. Awkward.

"Uhm...Hi?" sabi niya sabay lapit sa akin. 

"Hi." sabi ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ng kama ko. Birthday niya ngayon, bakit siya nandito? Dapat nag cecelebrate siya kasama yung mga barkada at pamilya niya.

"Happy birthday pala." sabi ko sa kanya. Nginitian naman niya ako. I can die now. I am serious.

"Thanks." sabi niya.

Silence.

"Uhmm...Bakit ka nandito? Diba dapat nag cecelebrate ka kasama sila Lax?" tanong ko sa kanya. Nginitian naman niya ulit ako. 

"Ayaw mo bang nandito ako?" tanong niya sabay pout. Cute! Napatawa na lang ako sa kanya.

"Hindi naman, nag-tataka lang ako." sabi ko sa kanya.

April 29thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon