HOW TO BE BRAVE?

22.8K 393 70
                                    

SissyBabe,

Woa.. Hi? Hindi ko kasi alam kung paano ulit kita makakausap ngayong alam kong wala ka na talaga.? Then, naalala ko dati nung nabasa mo yung mga notebook ko na puro putchu-putchung story na gawa ko lang nakasulat sabi mo magtry ako sa wattpad.. Hindi kita sinunod non.. Pero.. Palihim akong naglagay ng story sa wattpad.. Kaya naisip ko na dito kita kakausapin sa wattpad..

Babe,Sissy, I miss you.. I really miss you.. Daya mo naman eh.. Nang iwan ka.. Pero alam ko naman na kasama mo na si God.. Siya naman yung nagbigay sakin ng isang katulad mo.. Nagpapasalamat na din ako sakanya kasi binigyan niya ko ng pagkakataon na makilala ka..at maging kaibigan ka.. Hindi lang basta kaibigan.. Kundi little sister na rin..

Sissy dami nating dreams na gustong matupad diba?.. At isa na dun eh yung magkasama tayong maging successful.. May mga ikukwento ako sayo.. Ewan  ko lang kung maaalala mo pa ‘to.. Kasi diba... sabi nila kapag nasa kabilang buhay ka na.. Hindi mo na maaalala yung mga nangyari sayo dati... But I’m hoping na maalala mo... Kasi ako hinding hindi ko makakalimutan.. So game.. ^___^ Ngingiti ako... Sabi kasi ng boyfriend mo magagalit ka daw pag sad face gaya nito :( ... Oooopss sorry :) .. Hoy miss ka na ng jowa mo! xD ..

Sissy! Sa dami ng pangarap natin ang hirap isa isahin .. Pero eto yung ilan, naaalala mo ba yung RED CAR??? Woa, diba wish natin magkaron tayo ng red car!! Tig-isa tayo?? Kasi naiinggit tayo sa mga kabataan na may kotse.. hahaha, grabe nakakahiya aminin.. Pero tayong dalawa lang yung nakakaalam na kinaiinggitan natin yung mga may kotse.. Wooo! Sabi mo pa nung araw na yon “Sissy!! Kapag may red car na tayo, mag gala tayo! Puntahan natin yung mga gusto nating puntahan!! At hep! Madaya ka! Ikaw nakakapag bar ka! Ako hindi! Kaya pupunta tayo sa bar na kasama mo na ko! Dala natin yung red car natin! Tapos! Pagbaba natin NGA NGA yung mga boys! Kasi suot natin yung maikli at hapit na hapit na dress! Tapos naka 5 inches na heels pa tayo!!” – tawa ka ng tawa habang sinasabi mo yan Sissy.. sabi mo pa – “Taaaaapos! Mang aakit tayo ng mga manloloko na lalaki!!” – natawa ako sayo,kasi nung sinabi mo sakin yan.. Yan yung araw na nagbreak kami ng pinsan mo, at imbis na umiyak ako dahil sa break up namin, UMIYAK AKO SA KATATAWA dahil sayo.. The best ka sa lahat pagdating sa pagpapangiti sakin.. Kaya mahal na mahal kita eh! :”/

Eto pa...

Naaalala mo ba nung gabi na magkatext tayo tapos nakatulugan kita.. Pag gising ko ang dami mong text.. Tapos tinext kita nag sorry ako dahil nakatulugan kita.. Tumawag ka! Sabi mo “Hey! Babe! Sorry kung iniwan kitang pagod na pagod! Ikaw na bahala sa bills sa hotel! Oww wait! Nasakin pala wallet at atm mo! So good luck sa pag lilinis jan!” grabe.. Hindi mo alam kung gano mo ko napangiti dahil jan, pahotel hotel ka pa eh magkatext lang naman tayo gaga ka talaga.. Tapos bigla kang nagtext “Sana makapag check in tayong magkasama sa isang 5 star hotel! Ooopss 6 star mo na! HAHA, pero pang 3 star hotel palang yung kaya natin Babe!” pano na yan? Mag checheck in ba ko ng hindi ka kasama?? Syempre kasama ka...Alam kong nanjan ka lang..

Yung Bar and Restaurant na balak natin itayo?? Naalala mo?? Dami mong plano dun ah! :’’<

Sorry...alam kong..ayaw mo ng malungkot ako...alam ko na ayaw mong umiiyak ako.. Pero pano? Sobrang sakit kasi babe sissy.. Hinding hindi ko makakalimutan yung pag cheer up mo sakin kapag down na down ako...Mamimiss ko yung mga sweet words mo.. Yung mga text mong puro smileys.. Yung pag post mo sa wall ko... Pag tag mo sakin sa mga status mo...yung pagcomment mo sa mga pictures at status ko.. Yung pagsabi mo sakin ng I love you Sissy.. Mahal na mahal kita! I miss you! – natawa ka pa nga dati pag nagsasabihan tayo ng ganyan.. sabi mo daig pa natin mag boyfriend! Mamimiss kita... Ngayon pa nga lang miss na miss na kita..

Mag ingat ka jan ha.. Alam ko masaya ka na kasama ang totoong nagmamay ari sayo...Pakisabi salamat pinakilala ka niya sakin...

Jan..alam ko hindi ka na mahihirapan...hindi ka na masasaktan..hindi ka na iinom ng mga gamot.. hindi na rin namin maririnig ang mga iyak mo dahil sa sakit... Sissy, alam ko nandito ka lang.. Payakap nga ako.. :) *hugssssss* I love you so much my little sis.. Thank You sa lahat.. I love you.. Nakasanayan ko ng sabihin sayo yan tuwing mag uusap tayo..

Wag kang mag alala Sissy, kahit wala ka na.. Tutuparin ko parin yung mga pangarap natin.. Basta ipromise mo na ikaw parin ang cheer leader ko ha!! Kahit hindi ko marinig yung boses mo.. Basta jan ka lang, tignan mo lang ako kahit sa malayo.. Nasa itaas ka.. nandito pa ko sa baba..

Ikaw na nagturo sakin maging matapang...na hindi dapat umiyak...na maging positive sa lahat ng bagay.. Kakaiba ka..tingin mo sa lahat ng bagay MAGANDA... :) .. Sobrang bait mo... Hindi kita binobola babe, ilang beses ko ba sinabi sayo na sobrang bait mo?? Ang sweet mo pa...

Pangarap mo din na magturo diba? Kaya nga Education yung kinuha mong course eh... Pero,nagshift ka!! BSBA ka na..Ikaw talaga.. pero kahit anong gusto mo..susuportahan kita...Kahit wala ka na....

Huwag kang mag alala babe, magkikita ulit tayo.. Hindi pa ngayon pero alam ko magkikita din tayo.. Yan ang sinasabi nilang lahat na nagpopost sa facebook mo! SEE YOU SOON daw LOL.. :)

Yung luhang nakikita mo ngayon... wag mo ng pansinin yan! Mawawala din yan! :’’/

Ayokong tapusin ‘to...kasi kausap pa kita eh! Ang dami ko pang gustong ikwento sayo... Yung mga nangyari sakin nito lang... Pero... tahimik nalang kita kakausapin at kukwentuhan..Maghapon  akong nakatambay sa wall mo.. Binabasa ko yung mga post nila sayo... Ang daming nagmamahal sayo.. :)

Yung last text mo sakin babe?? – Sissy, Promise mo sakin hindi ka na magpupuyat! Ayokong maranasan mo yung naranasan ko..Sobrang painful kung paano gamutin yung sakit na ‘to.. Okay? I love you..I miss you babe..Mag ingat ka.. :* -- hindi ko alam na yan na yung last text mo sakin.. pero promise babe, susubukan kong wag na magpuyat.. Pipilitin kong matulog ng maaga.. :3 , ang tigas kasi ng ulo ko diba? Alam mo naman yun..Basta! Thank You! :*

Sa facebook mo... 2 Last Post mo.... –Thank you and Goodbye hospital..Hinding hindi na ako babalik jan..-- :’( talagang hindi ka na babalik sissy :( ... and last...  –HOW TO BE BRAVE?—hindi ba ikaw ang nagturo sakin kung pano maging matapang??... Shhhhh..alam ko umiiyak ka din...Mahal kita sissy..Mahal ka namin...Sige pahinga ka na jan... Payakap ulit.. *hugggsss*

Huy, ikaw.. Kahapon... dinalaw mo ba ko?? Nakaupo kasi ako sa kama ko kahapon iniisip kita, tapos nag amoy kandila sa kwarto ko... Nakita mo sigurong umiiyak ako.. I love you babe... I missed you... *kiss*  :*

Goodbye...Sissy Babe...

----

Love,

                            Sissy, Babe.

How to be brave?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon