Forever</3

53 7 3
                                    

"Hey Irish, pakidala mo nga 'to dun kay Grey. Kailangan niya kasi 'to eh. Salamat!" Sabay abot sa'kin nung papel ni Jess.

Okay, andito ako ngayon sa Entertainment na pinapasukan ni Grey. Ang Blue Moon Entertainment.

Pagpasok ko dun sa Room niya, nagulat siya sa pagpasok ko pero napalitan naman ito ng mga ngiti.

"Oh, Irish! Di ka manlang kumatok! Nagulat tuloy ako. Halika nga dito." Pinalapit niya ako dun sa inuupuan niya.

"A-ah Sorry. Akala ko kase tulog ka eh. Pinapabigay 'to ni Jess sa'yo oh." Sabay bigay sa kanya nung papel.

"Sorry? Tss. Di sapat yun. Ginulat mo'ko eh. Kiss ko dito oh." Tinuro niya yung pisngi niya. Tsk. Etong Boyfriend ko talaga.

Yes. Grey Smith is my Boyfriend and I'm proud of it. Isa siyang actor. Pero kahit na ganun, di siya nagkulang ng oras sa'kin. Kahit nga minsan at pagod siya pinupuntahan parin niya ako sa'min pag kailangan ko. He's also my Childhood Bestfriend. Kaya siguro ganun nalang ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sabi pa nga niya, kahit madami daw siyang makilalang babae na artista,sexy,maganda at mayaman, hinding hindi niya ako pagpapalit doon. Sweet niya no? May pagkapilyo nga lang.

"Kiss ka diyan! Intindihin mo na nga lang yang binigay sa'yo!"

Nung sinabi ko yun, napa-pout naman siya at tinignan yung papel na binigay ko sa kanya.

"Ah, may Dinner pala kame nung Actress na ka-partner ko sa gagawin naming movie. Sa Saturday 'to ng gabi." Sabi niya habang naka-tingin parin dun sa papel.

"Ha? Dinner? Bakit kailangan pa 'nun?" Medyo nalungkot ako dun. Bakit kasi kelangan pa ng dinner na yun eh?!

"Uyyy, Selos si Irish my loves! Hahahaha!" At kiniliti pa'ko sa may tagiliran ko napa-kembot tuloy ako ng wala sa oras.

"Hindi 'no" sabay iwas ng tingin sa kanya

"Hahaha! Don't deny it. Gusto mo sama pa kita eh. Para di kana magselos.." sabay smirk niya. Tss!

Eh?! Papasamahin niya ako?


Pero, baka magalit yung Manager nila pag sumama ako eh. Wag nalang! May tiwala naman ako dito kay Grey eh.

"Ah, wag na Grey. Ayos lang ako 'no! Saka natatandaan mo ba yung sinabi mo 'nun? Tuparin mo nalang 'yun at sa tingin ko magiging komportable na'ko." Sabay ngiti ng matamis sa kanya.

Saka, ano ba ika-seselos ko? Ka-trabaho lang naman niya yun.

Hindi ko inaasahan pero niyakap niya ako.

"Haaay, ang bait talaga ng Mahal ko. I will not do anything and I promise that. I love you Rish-Rish! Forever tayo ah?" Sa pagkakayakap eh kinurot niya yung ilong ko. What the? Sakit kaya! *pout

"Forever" Sabay ngiti sa kanya at yakap.

Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang magkasintahan. Ganun parin katulad ng dati. Nagkukulitan,asaran,lambingan, at HINDI sila nagsasawa doon.

SATURDAY NIGHT

Noong nakarating si Grey sa Restaurant na pagkikitaan nila ng sinasabing Aktres, nakita niya ang babae na naka-upo na sa pandalawahang lamesa bandang sulok ng Kainan. Isang Private Restaurant ang pinuntahan nila kaya walang masyadong taong nakakapansin sa eksistensya nila.

Forever&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon