"hayop ka talaga Miller, may araw ka din sakin" nanggagalaiting sigaw sakin ng pangit na si Tobias, tang-inang pangalan yan, ang bantot.
Tatawa-tawang binilisan ko ang pagpedal sa bike ko papalayo sa mga ungas,.
Tss. Di ko na kasalanan na naisahan ko na naman sila.
Mga bobo kasi sila at ako naman ay gwapo."hayop, ambobo ng puta" napipikang pinakyuhan ko ang mga nagdaanang kotse. Porke't mayayaman akala mo naman pag-aari na nila ang kalsada. Ni hindi manlang naisip na baka may muntik na silang mabanggaan na naka bike dito.
"pag ako yumaman, bibili ako ng magagandang kotse tas sasagasaan ko yang mga kotse nyo, ugok! "
maganda ba ang araw ko eh, sinira pa ng mga peste na'to.Akmang papaandarin ko na ulit ang bike ko ng may tatlong sunod-sunod na magagandang kotse ang tumigil sa harap ko at nagmamadaling bumaba ang mga sakay. Man in black, amputa!
Anong kayang trip ng mga ito at balot na balot kahit naman napakainit sa pilipinas.
Katanggap-tanggap pa kung nasa kompanya sila eh, kaso mga nagpasukan sa eskinita.Isang man in black ang tumigil sa harap ko. Edi ikaw na ang mukhang mayaman at malaki ang katawan. Okey lang, mas pogi parin naman ako.
"may nakita ka bang babae dito? " tanong nya. Gago, ne'to. Mukha ba akong hanapan ng mga babae? buti sana kung maganda at sexy yun, baka pwedi pa.
"wala, tabi nga" inis na pantataboy ko sa kanya. Pahara-hara, amputa. Mga abala sa buhay.
Pinaandar ko na ang bike. Isang liko lang ay narating ko na din agad ang kanto namin. Agad na pumasok ako sa kaharian ko.
Peste, kaharian ka pang nalalaman e isang pirma nalang ng langgam eh giba na ang bahay nyo." aba! Umuwi din ang magaling! " ang maingay na bunganga agad ni ate ang sumalubong sa akin. Lumalaki pa ang butas ng ilong. "at saan ka na naman galing na gago ka? "
"a-aray, ate naman eh" reklamo ko ng hambalusin nya ako ng hawak nyang walis. Epal talaga tong babaeng to, palibhasa walang lovelife kaya ang sungit-sungit.
"nagdelhinsya nga ng pera eh. Oh! " inabot ko sa kanya ang perang nakuha ko kina Tobias, ambantot talaga, puta!"pera? Pera? " a-aray, ba't ba ang hilig mamingot ng babaeng to? "baka hindi ko alam na nakuha mo yan sa kagaguhan mo" pagsesermon nya pa pero kinuha din naman yung pera.
Pauso talaga 'tong masungit na'to. Sa kagaguhan ko daw nakuha yung pera, patawa. Edi sana mayayaman na ang mga gago mundo kung may nakukuhang pera sa kagaguhan."tang-inang yan" sigaw ko ng may kumatok sa pinto. Sira na nga lalo pang sisirain. Agad naman akong nakatanggap ng batok kay ate kaya sinamaan ko ng tingin pero pinanlakihan lang ako ng mata at itinuro ang pinto.
Inis na tumayo naman ako. Ba't ba kasi auto lock ang pinto na'to? Bulok na talaga.Pagbukas ko ay agad na sumalubong sakin ang pangit na mukha ng bunso ko. Ampanget talaga. Ampon lang kasi eh, napulot sa tae ng dragon.
"makakatok ah! Taeng-tae? " pang-inis na tanong ko pa kahit na hindi na mahitsurahan ang mukha nya. "oh, problema mo? Anong mangyari saan? " nagtatakang tanong ko ng makita papaiyak na sya at may mga galos sya sa katawan at mukha.
Naaksidente na naman sa motor o may umaway? Tang-ina, malilintikan sa akin kung sino mang umaway dito."k-kuya, ayaw kong makulong" umiiyak na sya. Agad ko naman syang hinila papasok ng bahay. Nag-aalalang lumapit si ate ng makitang umiiyak si Ashton at nanggagalaiti na ako sa galit.
"tang-ina. Ano bang ginawa mong gago ka? " nanggigigil na tanong ko dahil wala syang ginawa kundi umiyak. "sumagot ka, tang-ina naman oh" sigaw ko. Wala na akong pakialam kung marinig man ng kapit-bahay. Napipika na ako.
"Asher ano ba? Wag mong sigawan ang kapatid mo" sigaw din sa akin ni ate kaya napangiwi ako. Sabihin mo din kaya yan sa sarili mo ate.
Hinarap naman nya si Ashton at masuyong hinawakan ang mukha para harapin sya.
Tss, favoritism amputa."bunso, sagutin mo si ate. Anong ginawa mo? " tanong nya kay Ashton na halos matigbak na sa kakaiyak.
"makukulong ako ate, papakulong nila ako"
"menor de edad ka palang, di ka pa pweding ikulong,tanga!" sagot ko sa kanya at agad namang napaiwas ng tingin ng makita ang matalim na tingin ni ate sa akin.
"nabunggo ko ate, nabunggo ko. Patay na ate, patay na. Itinago ko ate" nagulat man ay mas nangibabaw ang pag-aalala sa amin ng makita kung paano sya manginig at umiyak sa takot.
Agad ko syang nilapitan at pinilit na tumingin sa mata ko."san mo itinago? " tanong ko sa kanya. Nakakaranas man pakinggan pero kailangan kong malinis ang ginawa nya. Hindi ko hahayaang na mahuli sya at mailayo sa amin. Mababaliw si ate pag nangyari yun, favorite nyang kapatid to eh.
"s-sa lumang bahay ng mga Lopez. Sa garahe"
Ang tinutukoy nya ay yung malaking abandunadong bahay sa may looban, sa katunayan, pag-aari ng mga lopez at lupaing ito at illegal lang na tinayuan ng bahay ng mga tao dito.
Agad akong tumakbo palabas para puntahan yung nabunggo nya, tahimik na nagdadasal na sana buhay na. Ang gago naman kasi eh."san ka pupunta Asher? "
Narinig ko pang tawag ni ate sa akin pero hindi ko na pinansin pati ang mga pangit naming kapit-bahay na nagtataka kung bakit ako tumatakbo.
Ashley.
Asher.
Ashton.
Miller.Pangalan at apelyido pangmayaman pero yung pamumuhay mahirap pa sa mahirap, peste.
Humihingal na ako ng makapasok sa garahe at agad kong makita ang tambak ng mga maduduming damit. Kung damit pa nang natatawag o basahan na.
Gago talagang Ashton, magtatago nalang ng kalat di pa ayusin.
Tang-ina, utak kriminal na kung utak kriminal. Ang mahalaga wag lang makulong ang kapatid kong bobo.Natigil ako sa pagtulala ng makarinig ng ungol kasabay ng maliit na paggalaw ng mga tambak.
Buhay! Tang-ina salamat naman.Agad akong kumilos para alisin ang nakatambak na mga basahan at mapakunot ang noo ko ng makita ang nasa ilalim noon.
Babae.
Oo, tangna, babae! Pero anong trip ne'to at nakagown tapos balot na balot ang mukha.
Kilay at malantik na pilik-mata lang ang nakikita ko."o-ouch" daing nya ng akmang babangon kaya agad ko syang inalalayan.
"okey ka lang miss? " pantangang tanong ko. Mematanong lang kahit halata namang hindi sya okey.
Nagpalinga-linga sya sa paligid at tsaka tinanggal ang tabon sa mukha nya.
Tang-ina miss, Ba't ang ganda mo?
Makinis at namumula, matangos ang ilong, mapula ang manipis na labi. Sarap sigurong halikan. Tanga ka Asher! Kulay blue ang mata. Tanga hindi, kulay green. Ay basta, yung kulay nung dagat pag malalim. Ba't ba ang bobo ko? Okey lang, mahalaga gwapo."ohmygod, who are you" tanong nya at agad na bumakas ang takot sa magandang mukha.
Woah, english speaking si miss.
May lahi to, sabi na nga ba. Kalahating tao, kalahating diyosa.
Ambadoy, puta.Pero wala na akong oras para humanga sa kanya at magpakagago. Kailangan kong siguraduhin ng kaligtasan ng kapatid ko. Kaligtasan, j.peg. amputa!
"may deal ako sayo miss, wag na wag mong kakasuhan ang kapatid ko kung ayaw mong ikulong kita dito at hayaan na mabulok ka dito hanggang sa mamatay" kung deal bang matatawag yun o pambababanta. Kahit ano, ang mahalaga ay mukha namang epektibo kasi bumakas ang takot sa maganda nyang mukha.
Ba't ba kasi ang ganda nito? Kano siguro ang ama nito."how dare you? I am Prinsesa Bryona Denezs'ie of McGrail Palace. You jerk"
Ano daw? Prinsesa Brayona Denis-hey ofmakgriyelpalas?
Tang-ina, astig ng apelyido.
Ofmakgriyelpalas. Haba.
Porenger nga.
YOU ARE READING
Princess of the Hidden Kingdom
General FictionPrinsesa Bryona Denizs'ie McGrail Isang prinsesa na walang kalayaan, Prinsesang alipin ng kanyang nasasakupan. Prinsesang ninakawan ng karapatan, Prinsesang tago ang pagkakakilanlan. Walang iba kundi ang prinsesa ng isang nakatagong kaharian..